Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Download Report

Transcript Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

UGNAYANG
PAGBASA-PAGSULAT
ni
Patrocinio V. Villafuerte
Puno, Kagawaran ng Filipino
Pamantasang Normal ng Pilipinas
Itinuturing ni Pearson (1985)
ang ugnayang pagbasa at
pagsulat bilang “nag-iisang
pinakamahalagang
pagbabago sa pagtuturo ng
wika.”
Sa kumbensyonal na mga
programa ng pagtuturo ng
wika, kasunod ng pagtuturo
ng pagbasa ang pagtuturo
ng pagsulat.
Itinuturo ang pagbasa at
pagsulat nang magkahiwalay.
Inihihiwalay rin ang iba’t ibang
nilalaman ng pagsulat.
Nagsasarili ang pagbaybay,
ang paggamit ng gramatika,
bantas at malalaking titik.
Hindi magkasama ang mga
gabay sa pagtuturo, teksbuk
at maging ng tagapagturo.
Hindi nabubuo ang tuluytuloy, magkakaugnay at
makabuluhang teksto.
Ang pagbasa at pagsulat ay
kompartamentalays bilang
magkaibang disiplina.
Ang mga salitang natututuhan
sa pagbaybay ay magkaiba
sa talasalitaang nakapaloob
sa tekstong binabasa.
Ang ponetikang itinuturo na
bahagi ng pagbasa ay
inilalarawan bilang tulong sa
pagbaybay.
Ang pamaraan sa pagtuturo
ng pagsulat ay nakatuon sa
pagkaunawa sa teksto.
Sa kasalukuyan, may
ugnayan ang pagtuturo ng
pagbasa at pagsulat.
Napatunayan sa pag-aaral
nina Noyce at Christie (1989)
na mabisa ito sa pagtuturo
kung pag-uugnayin.
Ang Pagbuo ng Ugnayang
Pagbasa at Pagsulat
1. Nakatuon ang pagbasa at
pagsulat sa wikang pasulat.
2. Ang literasi ay kakayahang
makabasa at makasulat.
3. Magkakasama sa
pamamagitan ng kahulugan at
mga gawaing pampagtuturo.
4. Gawaing pangkaisipan at
magkakaugnay ang sentro ng
pag-iisip.
5. Nangangailangan ng
kritikal na pag-iisip.
6. Nagagamit ang kritikal na
pag-iisip.
ANG LIMANG SAKLAW
NA MAG-UUGNAY
SA PAGBASA AT PAGSULAT
1.Kaalaman sa Informasyon
2.Kaalaman sa Istruktural
3.Kaalaman sa Transaksyonal
4.Kaalaman sa Aestetiko
5 Kaalaman sa Proseso
Napatunayan sa pag-aaral ni
Kelly (1990) na ang mga magaaral na nakapagsusulat ng
tungkol sa kanilang binasang
akda ay higit na nauunawaan
ang kanilang binasa.
Kapag sila’y nakapagsusulat
tungkol sa aklat ay kanilang
natututuhan ang proseso ng
pagkakasunud-sunod na yunit
ng wika.
Nalilinang nila ang mga
kasanayan sa:
1.
2.
3.
4.
Encoding at decoding
Pagsulat ng pangungusap
Paglinang ng talata
Pagsulat ng higit na
mahabang seleksyon
ANG KAHALAGAHAN
NG UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT
1. Nagiging masigla ang
pagkatutong literasi.
2. Nagaganap ang pagkatuto.
3. Nalilinang ang aspeto ng
pagkaunawa.
4. Naihahanda ang mga
mag-aaral sa daigdig na
naghihintay sa kanila.
ANG PAGSULAT BILANG PROSESO
1. Sa tradisyonal na paraan,
itinatakda sa mga mag-aaral
ang gawaing pasulat at
binibigyan ng kaukulang
evalwasyon ng guro ng
kanilang mga naging
produkto.
Sa kasalukuyan, ang pagsulat
ay itinuturing na isang
proseso at hindi produkto.
Ang dating produktong
pagdulog sa pagsulat ay
nahalinhan ng prosesong
pagdulog sa pagsulat.
Mga Hakbang sa Prosesong
Pagdulog sa Pagsulat
1. Panimulang pagsulat
2. Paghahanda ng burador
3. Pagrerebisa
4. Pagwawasto
5. Pagpapalathala
ANG UGNAYANG PAGBASAPAGSULAT SA KASALUKUYAN
Nagkakaloob ang internet ng
bago at napapanahong
oprtunidad upang pagugnayin ang pagbasa at
pagsulat.
Ang simpleng bagay na
magagawa ay ang pagsusulat
Ang Reader Response Journal
Ang Reader Response
Journal ang pinakagamiting
uri ng journal na nagagamit sa
iba’t ibang paraan.
Mga Hakbang sa Pagsasagawa
ng Reader Response Journal
1. Pagbasa ng isang tekstong
literari
2. Pagsulat ng tugon /
reaksyon mula sa binasang
teksto
3. Paggamit ng mga
panimulang ideya para sa
malawak na saklaw ng
susulatin
Gumagamit ng reader
response journal ang mga
mag-aaral upang
makapagtala ng kanilang mga
ideya at saloobin mula sa
tekstong kanilang binasa.
Magagamit ang reader
response journal sa malayang
pagbabasa at maging sa mga
babasahing seleksyon na
itatakda ng guro.
Sa paggamit ng reader
response journal, hinahayaan
ng guro ang mga mag-aaral
na makontrol ang kanilang
mga tugon sa pagtatakda ng
gawaing-bahay.
Sinusuportahan ng guro ang
mga karanasan ng kanyang
mga mag-aaral sa tulong ng
teksto upang maging
masaklaw ang pagtalakay nila
sa kanilang mga karanasan.
Ang mga tekstong naitala sa
reader response journal ay
maaaring mapalawak. Nagagawa
ito kung gaganyakin ng guro ang
kanyang mga mag-aaral na
balikang basahin ang mga
ideyang naisulat nila sa reader
response journal.
May 10-15 minuto araw-araw
ang nilalaan ng guro sa
pagpapasulat ng reader
response journal.
Sa panahong ito ay
pasusulatin ng guro ang mga
mag-aaral batay sa kanilang
binasang seleksyon –
anuman ang nais nilang
sulatin at dapat nilang sulatin.
Mahalaga lamang na
masubaybayan at
mapatnubayan ng guro ang
kanyang mga mag-aaral
habang isinasagawa ang
proseso lalo na sa mga digaanong familyar na gawain.
Halimbawa ng akdang maipababasa
sa mga mag-aaral:
TIKTAKTOK
AT
PIKPAKBUM
(Ang Magkapatid na Laging
Nag-aaway)
ni Rene Villanueva
Magkapatid sina Tiktaktok at
Pikpakbum.
Pero magkaiba ang ugali nila.
Kaya madalas, nag-aaway
sila.
Maraming kalaro si Tiktaktok.
Marami namang kagalit si
Pikpakbum.
Marunong bumilang si
Tiktaktok.
“Isa, dalawa, tatlo.”
Sagot naman ni Pikpakbum,
“Ang tatay mong kalbo!”
Malusog si Tiktaktok dahil
mahilig sa gatas, gulay at
itlog.
Pero sakitin si Pikpakbum
dahil mahilig sa softdrinks,
tsokolate at kendi.
Tumutulong si Tiktaktok sa
kanilang tatay at nanay.
Pero si Pikpakbum, laging
naglalaro sa lansangan.
Isang araw, may napulot na
karne si Tiktaktok.
“Tingnan mo ito,” sabi niya
kay Pikpakbum.
Kinuha ni Pikpakbum ang
karne at tinikman.
|Ang sarap,” sabi ni
Pikpakbum.
Mabilis na tumakbo si
Pikpakbum at tinangay ang
kapirasong karne.
“Pahingi naman,” sigaw ni
Tiktaktok. “Bigyan mo ako
kahit konti.”
Sumagot si Pikpakbum,
“Kainin mo ang paa mo!”
At nagtawa nang nagtawa
habang mabilis na tumatakbo.
At naghabulan ang dalawa.
Nakapagtago agad si
Pikpakbum.
Hingal na hingal naman si
Tiktaktok.
Nang hindi makita ang
kapatid, naupo na lamang si
Tiktaktok.
Habang nagpapahinga si
Tiktaktok, may dumating na
isang matadero.
“May nakita ka bang
magnanakaw na may daladalang karne?” tanong sa
kanya ng matadero.
“Wala ho, sagot ni Tiktaktok.
Ninakaw pala ang karne sa
palengke,” naisip ni Tiktaktok.
“Masamang kainin ang
karneng iyon dahil bulok na at
may lason pa sa daga,” sabi
ng matadero.
Tumakbo agad si Tiktaktok at
sumigaw nang sumigaw.
“Pikpakbum! Pikpakbum!
Huwag mong kainin ang
karne! May lason pala ‘yan!”
Nang makita nila sa isang
sulok si Pikpakbum ay
umiiyak ito.
“Aruy ko po! Ang sakit ng
tiyan ko!” sabi ni Pikpakbum.
Pinahiga agad ng matadero si
Pikpakbum.
Diniinan niya ito sa tiyan
hanggang sa magsuka nang
magsuka.
Pagkatapos, kumuha ng tubig
si Tiktaktok at pinainom ang
kapatid niya.
Saka pa lamang nawala ang
sakit ng tiyan nito.
Magmula noon ay nagbago
na si Pikpakbum.
Hindi na sila nag-aaway ng
kanyang kapatid.
Hindi na rin niya ito
nilalamangan.
Naging magkaibigan na sila.
Maaaring makatulong ang
talaang ito sa pagtalakay sa
aralin:
1. Ang karakter na gustunggusto ko sa kuwento ay si
_____dahil _____________.
2. Ang tauhan ay
nagpapagunita sa akin sa
isang taong kilala ko dahil
________________________
________________________
_______________.
3. Ang tauhan ay
nagpapaalala sa akin dahil
________________________
________________________
_______________.
4. Ang bahaging
nakapagpapaisip sa akin ay
ang ___________________
______________________.
5. Ang bahaging
nagpapaalala sa akin tungkol
sa aking buhay ay ang
________________________
_______________. Nangyari
ito noong _______________.
6. Kung ako si _________ sa
oras na ito ay __________
_______________________
_______________________
_______________.
Ang Dialogue Journal
Ang dialogue journal ay isang
uri ng journal at balangkas na
paraan sa pagsulat ng mga
mag-aaral na nag-uugnay sa
kanilang guro.
Ito’y isang paraan ng paguugnay ng pagbasa at
pagsulat.
Ang Paggamit ng Dialogue Journal
1. Sumusulat ang mga magaaral sa journal.
Isinusulat ng mga mag-aaral
ang anumang paksang nais
nilang sulatin.
2. Kinukulekta ng guro ang
journal pagkatapos ng klase.
3. Binabasa ng guro ang
bawat journal at isinusulat
niya ang kanyang mga tugon.
4. Ibinabalik niya ang journal
na susunod na araw.
Pangwakas
Ang kauna-unahang
kumprehensibong pag-aaral sa
pagsulat ng dialogue journal ay
naganap noong 1979 sa Los
Angeles.
Sa loob ng buong taong 1979 ay
sumulat ng mga dialogue journal
si Leslee Reed sa kanyang 26 na
mag-aaral na nasa ikaanim na
baitang.
Ito ang naging data base para sa
etnografikong pag-aaral ng
pagsulat ng journal.
Dito nagsimula ang pagbibigayhalaga sa interaktibong pagsulat
sa konsepto ng pagbibigay ng
kapangyarihan sa mga magaaral at guro.
Pinasusulat ni Reed ang
kanyang mga mag-aaral ng (1)
kanilang mga natutuhan. (2)
mga suliraning namamagitan sa
kanilang mga kamag-aaral
(3) kanilang mga karanasan sa
tahanan o komunidad.
Gabi-gabi ay binabasa ni Reed
ang mga journal.
Sa umaga ay makukuha ng mga
mag-aaral ang ang mga naisulat
na sagot ni Reed.
Sa buong araw ay dala-dala ng
mga mag-aaral ang kanilang
journal.
Si Reed ay guro. Tayong lahat
ay guro. Naniniwala akong
kayang-kaya nating gawin ang
paghahanda at pagtugon sa
reader response journal at
maging sa dialogue journal.
Maraming
Salamat
Po!