Uri ng Pangungusap

Download Report

Transcript Uri ng Pangungusap

SINTAKS
Gawin Natin!
 Ilabas
ang dalang prutas.
 Salatin ang balat nito sa labas. Damhin
ang kinis o gaspang, ang mga uka o
bukol, ang mga kurba, at iba pa.
 Balatan ang prutas. Damhin naman ang
tekstura ng balat nito sa loob, gaya ng
pagkamamasa-masa o lagkit nito.
 Samyuin ang amoy ng prutas.
Gawin Natin!
 Ngayon, obserbahang
mabuti ang
laman (flesh) ng prutas. Matigas ba ito,
malambot, buo, hiwa-hiwalay?
 Kagatin ang prutas. Pakalasapin ito.
 Obserbahan ang pagkakaayos ng mga
buto ng prutas.
 Pagmasdan ang iba pang katangian ng
dalang prutas.
Gawin Natin!
 Ihambing
ang mga katangian ng iyong
prutas sa buhay ng tao.
 Ano ang kinakatawan ng kinis o
gaspang?
 Sa anong karanasan nahahalintulad ang
lasa o amoy?
 Paano mo nakikita ang mga buto sa
iyong pamilya o kaibigan?
Gawin Natin!
 Sa
1/4 na papel, gumawa ng tanaga ukol
sa dalang prutas. Ang tanaga ay isang
tulang may apat na linya at pitong pantig
sa bawat isa, gaya ng sumusunod:
Palay siyang matino
Nang humangi’y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
Sintaks
 Ang
set ng mga tuntunin na
pumapatnubay kung paano maaaring
pagsama-samahin o pag-ugnay-ugnayin
ang mga morpema / salita upang
makabuo ng mga parirala o
pangungusap.
Sintaks
Mga Salitang
Pangnilalaman
(Content Words)
pangngalan
panghalip
pang-uri
pang-abay
Mga Salitang
Pangkayarian
(Function Words)
pangatnig
pang-angkop
pang-ukol
pantukoy
pangawing na “ay”
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Ayos:
1. Payak (Simple) – kung binubuo
lamang ng isang sugnay na nakapag-iisa.
Hal., Matayog ang lipad ng eroplano.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Ayos:
2. Tambalan (Compound)– kung
binubuo ng dalawang sugnay na nakapagiisa (at, ngunit, subalit, datapwat)
Hal., Matayog ang lipad ng eroplano at siya
ay kasabay nitong lumilipad.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Ayos:
3. Hugnayan (Complex) – kung binubuo
ng isang sugnay na nakapag-iisa at isang
hindi nakapag-iisa (sapagkat, dahil, upang,
nang, para).
Hal., Matayog ang lipad ng eroplano upang
hindi ito maabala ng mga ulap.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Ayos:
4. Langkapan (Compound Complex) –
kung binubuo ng dalawang sugnay na
nakapag-iisa at isang hindi nakapag-iisa.
Hal., Matayog ang lipad ng eroplano at siya
ay kasabay nitong lumilipad ngunit naiwan
niya sa Pilipinas ang kanyang kasintahan
dahil abala naman ito sa kanyang restawran.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Nilalaman:
1. Paturol (Declarative) – kung
nagpapahayag ng payak na impormasyon.
Hal., Dumarami na ang sangay ng kanyang
restawran.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Nilalaman:
2. Patanong (Interrogative) – kung naguusisa at humahanap ng impormasyon.
Hal., Ilan na ba ang mga sangay ng iyong
restawran?
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Nilalaman:
3. Pautos (Imperative) – kung nagbibigay
ng kilos na dapat gawin ng kausap.
Hal., Pakilinis na ang mga mesa para sa
susunod nating mga kustomer.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Nilalaman:
4. Padamdam (Exclamation) – kung
nagbubulalas ng matinding damdamin.
Hal.,Yahoo! Ang ating restawran ang
ginawaran ng Consumer’s Choice Award!
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:
1. Pangungusap na Eksistensyal –
nagpapahayag ng pagkakaroon o kawalan.
Hal., May pag-ibig ka pa ba para sa akin?
Wala. (E, hindi naman kita kilala.)
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:
2. Pangungusap na Pahanga –
nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.
Hal., O, kayganda!
Ang galing!
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:
3. Maiikling sambitla – isa o dalawang
pantig na katagang may matinding
damdamin.
Hal., Aray!
Syet!
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:
4. Pangungusap na Pamanahon –
nagsasaad ng oras o panahon.
Hal., Sa makalawa pa.
Tag-ulan na naman.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:
5. Pormulasyong Panlipunan – pagbati
at iba pang kalugod-lugod na salitang
sinasabi upang makapagtaguyod ng
mabuting ugnayan.
Hal., Magandang umaga!
Maligayang kaarawan!
Opo.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:
6. Modal – nagpapahayag ng kagustuhan.
Hal., Gusto kong kumain.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:
7. Penomenal – nagsasaad ng mga
pangyayari sa kalikasan.
Hal., Nagbaha sa UST.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:
8. Pandiwang tugon sa pangungusap o
nag-uutos o nagyayaya
Hal., Dali!
Layas!
Tayo na!
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa:
9. Panawag
Hal., Psst!
Hoy!
Sintaks
Takdang – Aralin:
1. Anu-ano ang mga uri ng
pangungusap ayon sa
kayarian? Bigyang katuturan
ang bawat uri.
2. Mabigay ng tig-2 halimbawa.