Transcript File

MGA BATAYANG
KAALAMAN SA
PAGSULAT
MGA BATAYANG
KAALAMAN SA PAGSULAT
“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang
tao,tumitigil na rin sya sa pag-iisip.”
Dahil sa pagsulat naitatala ng tao ang lahat
ng karununungan at kaalaman,mula sa
mga pansariling karanasan hanggang sa
mga kaalamang pang-edukasyon.
MGA BATAYANG
KAALAMAN SA PAGSULAT
KAHULUGAN AT KALIKASAN
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel
o sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita,simbulo at ilustrasyon ng isang
tao mga tao sa layuning maipahayag ang
kanyang /kanilang kaisipan.
KAHULUGAN AT
KALIKASAN
Ito ay kapwa isang pisikal na aktibiti na
ginagawa para sa iba't ibang layunin.
Ito rin ay mental na aktibidad sapagkat
hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa
pagsusulat.
Ayon kina Xing at Jin,ang pagsulat ay
isang komprehensib na kakayahang
naglalaman ng wastong
gamit,talasalitaan,pagbubuo ng
kaisipan,retorika at iba pang mga elemento.
KAHULUGAN AT
KALIKASAN
Komprehensib ang pagsulat sapagkat
bilang isang makrong kasanayang
pangwika,inaasahang masusunod ng isang
manunulat ang maraming tuntuning
kaugnay nito.
Matuturing na isang mataas na uri ng
kominukasyon sapagkat esensyal dito ang
napakaraming elemento atc rekwayrment
ng gramatika at bokuabularyo.
KAHULUGAN AT
KALIKASAN
Sinabi ni Badayos na ang kakayahan sa pagsulat
nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa
nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o
pangalawang wika man.
Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong
ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito.
Sa pagkakataong ito,maaari nating tanggapin na ang
pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap
matamo.
Subalit mayroon tayong magagawa....napagaaralanang wasto at epektib na pagsulat.
KAHULUGAN AT
KASANAYAN
Ayon kay Keller,ang pagsulat ay isang biyaya,isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa
nito.
Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang
kaloob ng Maykapal at bekslusib ito sa tao.
Isa itong pangngailangan sapagkat ito,kasama ang
kasanayang pakikinig,pagbasa at pagsasalita ay may
malaking impluwensiya upang maging ganap ang ating
pagkatao.
Isa itong kaligayahan sapagkat bilang isang
sining,maaari itong maging hanguan ng satispaksyon ng
sinuman sa kanyang pagpapahayag ng nasasaisip o
nadarama.
KAHULUGAN AT
KASANAYAN
Ang paglalarawan naman nina Peck at
Buckingham sa pagsulat:
“Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at
karanasang natamo ng isang tao mula sa
kanyang pakikinig,pagsasalita at
pagbabasa.”
SOSYO-KOGNITIB
NA PANANAW SA
PAGSULAT
SOSYO – salitang tumutukoy sa lipunan
ng mga tao.
KOGNITIB – anumang tumutukoy sa
pag-iisip.Nauugnay rin ito sa mga empirikal o
paktwal na kaalaman.
SOSYO-KOGNITIB NA
PANANAW SA PAGSULAT
Ang sosyo-kognitib na pananaw sa
pagsulat,ay isang paraan ng pagtingin sa
proseso ng pagsulat.
Ang pagsulat ay kapwa isang mental at
sosyal
SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA
PAGSULAT
Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong
intrapersonnal at interpersonal.
Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na
tulad ng:
1. Ano ang aking isusulat?
2. Paano ko iyon isusulat?
3. Sino ang babasa ng aking isusulat?
4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng
babasa sa aking isusulat?
PAGSULAT BILANG MULTIDIMENSYONAL NA PROSESO
Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipagugnayan.Ito ay isang gawaing personal at sosyal.
Anuman ang layunin sa
pagsulat,mahalagang maunawaan na ang pagsulat
ay isang multi-dimensyonal na proseso.
Dalawang dimensyon sa pagsulat:
1. Oral Dimensyon
2. Biswal na Dimensyon
DALAWANG DIMENSYON
SA PAGSULAT
1.ORAL NA DIMENSYON
Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa
ng isang tekstong isinulat,masasabing
nakikinig na rin siya sa iyo.
Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa
mga mambabasa.
2. BISWAL NA DIMENSYON
Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa
mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor
sa kanyang teksto na inilalahad ng mga
nakalimbag na simbulo.
Sa dimensyong ito,kailangang maisaalang- alang
ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang
ang mga simbulong nakalimbag na siyang
pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at
makamit ang layunin ng manunulat.
PAGHAHAMBING AT
PAGKOKONTRAST
Paghahambing at Pagkokontrast sa Dalawang Dimensyon na halaw kay
Badayos
MGA SALIK
PAGSASALITA
PAGSULAT
Sikolohikal
- may kontekstong sosyal at
harapang interaksyon
- may kagyat na pidbak sa
anyong berbal o di-berbal
- may kontekstong sosyal
bagama't ang interaksyon ay
hindi harapan
- kailangang gumawa ng
maraming pag-aakma upang
maisaalang-alang ang dinakikitang audience o
mambabasa
- minsan,awtor mismo ang
gumaganap na tagabasa ng
tekstong isinulat
- walang kagyat na pidbak
- gumagamit ng paralinguistic
features (tigil,diin,lakas at
intonasyon)
- gumagamit din ng mga extra
linguistic features o mga nonberbal dues
- nasa anyong linear,hindi na
mababawi ang nasabi bagama't
maaaring baguhin
Paghahambing
at
Pagkokontrast
sa
dalawang dimensyon na halaw kay Badayos
MGA SALIK
PAGSASALITA
Linggwistik
- maaaring maging
inpormal
PAGSULAT
- kailangang mahusay
ang paglalahad ng
kaispan upang maging
malinaw ang teksto sa
mga mambabasa
- maaaring
- mas mahaba ang
ulitin,baguhin at linawin konstruksyon ng mga
ang binitawang salita
pangungusap at may
ayon sa reaksyon ng
tiyak na istrakturang
kausap
dapat sundin
- maaari ang pag-uulitulit ng mga pahayag
Paghahambing
at
Pagkokontrast
sa
dalawang dimensyon na halaw kay Badayos
MGA SALIK
Kognitib
PAGSASALITA
- madaling makamit
ang kasanayan
- natutuhan sa isang
prosesong natural at
tila walang hirap
- ang pagsasalita ng
inner speech sa aktwal
na usapan ay madaling
proseso
PAGSULAT
- natututuhan sa
paaralan at kailangan
ng pormalna pagtuturo
at pagkatuto
- mas mahirap ang
pagbubuo ng ideya sa
pagsulat na teksto
kaysa sa pasalitang
pagsasabi nito lalo na
sa pangalawang wika
MGA
PANANAW
SA PAGSULAT
Ayon kay Donald Murray, ang
pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa
kahulugan,pagtuklas sa porma- at ang
manunulat ay nagtatrabaho nang pabalikbalik nagtutuon sa isa saa mga batayang
kasanayan sa bawat panahon nang kanyang
matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at
kung paano niya iyon maipapahayag nang
episyente.
MGA PANANAW SA
PAGSULAT
Ayon pa kay Murray,ang pagsulat at
isang prosesong rekarsib o paulit-ulit.
“Writing is rewriting”.
Matapos diumanong
magsulat,magsisimula na namang
panibago ang bagong pagsulat.
MGA PANANAW
SA PAGSULAT
Paglalarawan ni Murray sa mabuting
manunulat - “A good writer is wasteful”.
Metapora ni Murray:
He saws and shapes and cuts
away,discarding wood… The writer cannot
build a good strong piece of writing unless
he has gathered an abundance of fine raw
materials.
PANANAW SA PAGSULAT
Sinabi ni Ben Lucian Burman na I
am a demon on the subject of revision.I
revise,revise,revise,until every word is what
I want.
MGA LAYUNIN
SA PAGSULAT
Ang pagsulat ay personal na gawain
sapagkat ginagamit para sa layuning ekspresib o
sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama.
Sosyal na gawain naman sapagkat
ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay
nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang
tao sa lipunan.
Ang layuning ito ay tinatawag na
transaksyunal.
Isang halimbawa ng ekspresib na
pagsulat ang paggawa ng tula ng mga
makata.Samantala,ang pag-gawa ng mga
liham-pangangalakal ay isang halimbawa ng
transaksyunal na pagsulat.
TATLONG LAYUNIN NG
PAGSULAT(Bernales,et.al)
1.impormatib
2.mapanghikayat
3.malikhain
TATLONG LAYUNIN SA
PAGSULAT
1.IMPORMATIB NA PAGSULAT
Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito ay
naghahangad na makapagbigay impormasyon at
mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong
paksang tinatalakay sa teksto.
Halimbawa:
Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks
na makikita sa mga libro at ensayklopidya,balita,at
teknikal o bisnes report
TATLONG LAYUNIN
SA PAGSULAT
2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
Kilala sa tawag na persuasive writing.
Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga
mambabasa tungkol sa isang katwiran,opinyon o
paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang
mambabasa na nais maimpluwensyahan ng
isang awtor.
Halimbawa:
editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng
proposal at konseptong papel
TATLONG LAYUNIN
SA PAGSULAT
3. MALIKHAING PAGSULAT
Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng
mga akdang pampanitikang tulad ng
maikling katha,nobela,tula,dula at iba pang
malikhain o masining na akda.
Kadalasan ang pangunahing layunin ng
awtor dito ay magpapahayag lamang ng
kathang-isip,imahinasyon,ideya,damdamin
o kumbinasyon ng mga ito.
MALIKHAING PAGSULAT
Ang pokus dito ay ang manunulat
mismo.
Wika nga ni Arogante(2000),
ang malikhaing pagsulat ay isang
pagtuklas sa kakayahang pasulat ng
sarili (o ng manunulat) tungo sa
pakikipag-ugnayang sosyal.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT
Sa mga kasanayan sa
komunikasyon,itinuturing ng lalong marami na
pinakamahirap ang pagsulat.
Simple ang dahila: sa pagsulat dapat na
gamitin ang mga nalalaman sa pakikinig,sa
pakikipag-usap at sa pagbabasa.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NA
IMINUNGKAHI PARA MAKATULONG SA
PAGSULAT
1. Pumili ng paksang susulatin.
Dapat na makabuluhan o mahalaga ang
paksa, lalo na para sa mga mambabasa.
2. Pagkuha ng magagamit na mga materyales.
Maaaring ang mga impormasyon ay
kailangang saliksikin sa mga
aklat,babasahin,magasin o peryodiko.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT
3.Plano ng Pagsulat.
Maaaring buuin muna sa papel o sa isip
ang paksang susulatin.Story line ang tawag
dito.
4. Aktwal na Pagsulat.
May ilang paraan ng pagsulat na
ginagamit ang mga manunulat.May
nagsusulat na nagsisimula sa pag-iisip ng
gagamiting pamagat ng akdang susulatin.
MGA HAKBANG SA
PAGSUSULAT
5.Pagrerebisa sa Akda.
Gaya nang naipahiwatig sa Aktwal na
Pagsulat,ang rebisyong gagawin ay ukol sa
pagtatama sa mga kamalian,pagbabawas
sa mga isipang naisama na hindi dapat
isama at pagdaragdag sa nakaligtaang
ideya habang isinusulat ang teksto.
MGA URI NG
PAGSULAT
Mauuri sa iba’t ibang pangangailangan ng
tao sa lipunan.
`~batayan kung bakit nasulat ang tao
Magbigay ng impormsyon
Tumalakay sa isang paksa
Mang-aliw ng mambabasa.
AKADEMIK
Pagsulat sa paaralan mula sa antas na
primarya hanggang doktoradong pag
aaral.
Itinuturing ng isang intelektwal na
pagsulat.
Hal:
Kritikal na sanaysay, term paper,lab
report, ekspiremento.
TEKNIKAL
Nagsasaad ng impormasyon na
maaring makatugon sa isang
komplikadong suliranin.
Nakatuon sa isang espesipik ng
audience.
JOURNALISTIK
Uri ng pagsulat na ginagawa ng isang
journalist.
Makikita sa columnar ng dyaryo,tulad
ng editoryal,balitang sulatin, lathalain.
REPERENSYAL
Sulatin na naglalayon magrekomenda
ng iba pang mga sors o reference.
Para sa mas malawak na pag intindi sa
isang paksa.
Hal.:
Literatura mula sa awturidad, thesis sa
bahaging Mga kaugnay na pag aaral at
literatura.
Propesyonal
Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib
sa isang tiyak na propesyon.
Hal:
Pulis report, Investigative report, Medical
report.
MALIKHAIN
Masining
Pokus ang imahinasyon ng manunulat.
Paganahin ang imahinasyon ng
mambabasa.
Piksyunal o di-piksunal
Hal: tula, nobela, maikling kwento,
malikhain sanaysay.
Mga Bahagi Ng Teksto
Panimula : Paksa at Tisis
Ang Panimula ay napakahalagang bahagi ng
isang teksto. Sapagkat, nagsisilbi itong
pang-akit sa mga mambabasa upang basahin
ang teksto.
Ito rin ang bahagi ng teksto na
nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto.
Iniintrodyus ang topic na iikutan ng teksto
at inilalatag dito ang tisis o kaligiran ng
paksa.
Ang Panimula ay nagbibigay-ideya sa mga
mambabasa kung tungkol sa aling paksa
ang teksto at kung ano ang paniniwala,
asersyon o proposisyon ng may-akda sa
paksang iyon, bukod pa sa nagsisilbi itong
pang akit at panawag-pansin
Katawan: Istraktura,
Nilalaman at Order
Ang katawan ay hindi lamang ang kalakhan
at pinakamahabang bahagi ng teksto. Ito rin
ang pinakamahalagang bahagi ng anumang
teksto.
Samantala, ang istraktura at order ang
pinakakalansay ng isang teksto. Kung wala
ito, hindi makatatayo sa kanyang sarili ang
isang teksto. Kailangan, kung gayon, na
mapili ang wasto at angkop na istraktura ng
teksto depende sa paksa at mga detalyeng
kaugnay nito.
Kailangan ding maisaayos ang nilalaman sa
isang lohikal na order.
Wakas: Paglalagom at
Konglusyon
Ang wakas ang panghuling bahagi ng isang
teksto. Tulad ng panimula, kailagan din
itong maging makatawag-pansin sapagkat,
ang pangunahing layunin sa pagbubuo nito
ay ang pag-iiwan ng isa o ilang
mahahalagang kakintalan sa mga
mambabasa.
Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng
teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng
teksto sa pinakamaikling paraan. Samantala,
inilalahad naman sa kongklusyon ang
inferences, prosisyon o deductions na
mahahango sa pagtalakay ng teksto.
May Tanong?.....?