ANG SIMBAHAN BILANG KATAWAN NI KRISTO - CBCP-BEC

Download Report

Transcript ANG SIMBAHAN BILANG KATAWAN NI KRISTO - CBCP-BEC

ANG SIMBAHAN BILANG KATAWAN NI KRISTO

1 Mga Taga Corinto 12: 12-27

Mga Layunin:

 Maunawaan ang kahulugan ng Simbahan bilang katawan ni Kristo sa konteksto ng mga pagsubok at alitan;  Patuloy na maging bukas sa paggalaw ng Espiritu Santong nagbubuklod sa atin at nagpapayaman ng ating mga pagkakaiba;  Mapalalim ang pagtataya sa paglilingkod para sa iisang Misyon ng pinag-isang Simbahan  Nang may kagyat na pagtugon sa pangngailangan ng “masasakit na bahagi ng ating katawan”  At pagsisilbing kinatawan ni Kristo sa mundo.

Pag-usapan natin ang mga pagsubok at alitang kinahaharap

 Bumuo ng maliliit na pangkat (mga 3 kasapi)  Pag-usapan ang sumusunod:  Anong mga suliranin ang kinahaharap ng inyong komunidad?

 Anong mga pagsubok ang kinahaharap ninyo sa paghihikayat ng mga kasapi ng BEC?

 Anu-anong mga ugali ang mahirap para sa inyong pakisamahan?

Problema ba ang tsismis, siraan, bangayan, alitan, kampihan, atbp.?

Hindi tayo nag-iisa.

Kinaharap din ni San Pablo ang suliranin ng pagkawatak-watak sa Simbahan.

ni Cloe, na sa inyo'y may mga

pagtatalotalo

.”

Liham ni San Pablo sa mga Taga- Corinto (1Co 1:11)

” May alitan sa komunidad ng mga mananampalataya sa Corinto. May mga inggitan at pagkakampikampihan na nagaganap. May mga tao ring nagpapalakas sa ilang mga pinuno imbis na makipagtulungan sa komunidad.

Ang 1 Cor 12:12-26 ay ipinadala ni San Pablo sa komunidad sa Corinto bilang tugon sa nagaganap na pagtatalu-talo.

Basahin muna natin nang sama-sama ang teksto.

1Co 12:12 Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo. 1Co 12:13 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. 1Co 12:14 Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami. 1Co 12:15 Kung sasabihin ng paa, Sapagka't hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan. 1Co 12:16 At kung sasabihin ng tainga, Sapagka't hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan.

1Co 12:17 Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy. 1Co 12:18 Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling. 1Co 12:19 At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan? 1Co 12:20 Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan.

1Co 12:21 At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan. 1Co 12:22 Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y lalong mahihina: 1Co 12:23 At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan; 1Co 12:24 Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan;

1Co 12:25 Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa.

1Co 12:26 At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya. 1Co 12:27 Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya.

Upang tugunan ang suliranin ng pagkakawatak-watak, ginamit ni San Pablo ang imahe ng katawan upang ilarawan ang Simbahan.

“ Ang lahat ng bahagi ng isang katawan bagamat marami ay iisang katawan.

Si Cristo

ay gayundin.” 1 Cor 12:12 ” Ang ating komunidad ay katawan ni Kristo.

Bakit makabuluhang imahe ang katawan?

Sama-samang sagutin ang sumusunod::  Anong mga kailangan gawin kapag:  Masakit ang ulo  Masakit ang tiyan  Nilalagnat  Anu-ano ang ating mga ginagawa upang pangalagaan ang ating katawan?

 Bakit mahalagang pangalagaan ang katawan?

Mahalaga sa atin ang ating katawan.

Kapag may bahagi ng katawan na masakit, sinasabi nating tayo ang may sakit Hindi: “May sakit ang tiyan ko.” Kundi: “Masakit ang tiyan ko; may sakit ako.” Hindi tayo makapagtrabaho kapag masakit ang ating katawan “Bawal magkasakit!” Kapag tumigil ang puso sa pagtibok, tayo ay namamatay kahit nais pa nating mabuhay Tanging sa pamamagitan lang ng ating mga katawan natin naipapamalas ang mga nilalaman ng ating kalooban Sa pamamagitan ng luha Sa pamamagitan ng yakap Sa pamamagitan ng pagsasalita Sa pamamagitan ng pagpalakpak

Samakatuwid, ang ating katawan ay ang atin ding kinatawan.

Pinangangalagaan natin ang ating sarili sa pamamagitan ng pag-aalaga sa ating katawan.

Pinangangatawanan natin ang ating mga sarili, prinsipyo at pagpapahalaga sa pamamagitan ng katawan.

Kaya naman, tayo na Katawan ni Kristo ay kanya ring kinatawan.

Pinahahalagahan natin si Kristo sa pamamagitan ng pangangalaga natin sa kanyang katawan—ang ating komunidad at mga sarili.

Pinangangatawanan natin ang Misyon ni Kristo sa pamamagitan ng mga gawain natin bilang Simbahan.

Ano ang nagbubuklod sa atin bilang iisang Katawan ni Kristo?

Hindi…  Lahi  Probinsya  Antas ng pinag-aralan  Uri ng trabaho  Kalagayan sa buhay  Kandidatong binoto noong eleksyon  Mga hilig  Mga opinyon

“ “Ito ay sapagkat sa pamamagitan ng

iisang Espiritu

, tayo rin ngang lahat ay binawtismuhan sa iisang katawan kahit tayo ay Judio o Griyego, alipin o malaya. At tayo rin ay pinainom sa

iisang Espiritu

.

” ” 1 Cor 12:13 Kahit tayo ay magkakaiba, tayo ay bumubuo ng iisang katawan.

Ang ESPIRITU SANTO ang nagbubuklod sa atin.

Anuman ang katayuan sa buhay, pantay-pantay tayo sa mata ng Diyos dahil lahat tayo ay dumaan sa iisang binyag, ang ritwal ng pagtanggap sa Espiritu Santo.

Ang Espiritung tinanggap natin sa binyag ay patuloy na gumagalaw sa ating mga buhay at sa mundong nakapaligid sa atin.

 Patuloy tayong maging bukas sa Espiritu Santo sa pamamagitan ng  Pagdadasal at pagsisimba  Pakikinig sa sinasabi at opinyon ng ibang tao  Pagiging malay sa mga nangyayari sa lipunan  Pagiging sensitibo sa mga nagaganap sa kalikasan  Pagpapahalaga sa iba’t ibang mga karanasan, kultura, kakayahan

Bakit tayo magkakaiba?

May mga taong ayaw ang pagkakaiba. Nais nilang gawing pare-pareho ang mga tao ayon sa gusto nila.

 Noong panahon ng mga Kastila, tinawag na barbaro, pagano, sumasamba sa demonyo ang mga katutubong Pilipino ma iba ang pananaw sa mundo. Ngayon, alam nating dapat galangin ang mga kultura nila imbis na siraan.

 Noong panahon ng mga Amerikano, ibinida sa mga paaralan ang wikang Ingles. Ngayon tuloy, mas mataas ang tingin nating mga Pilipino sa magaling magsalita ng Ingles. Mababa naman ang pagpapahalaga natin sa sariling wika at kultura.

 Sa panahon ng globalisasyon, ikinakalat ang modernong pag-iisip. Ang mga palayan ay pinatatayuan ng mga golf course o malalaking gusali. Ang mga magsasaka ay “pinag-iiwanan ng pag-unlad” at lalo pang naghihirap.

Mapanganib ang pagpilit sa mga tao na maging pare-pareho.

Sa ating pagbasa, nakikita natin na ang Diyos ay hindi katulad ng mga makakapangyarihan sa mundo.

Pinagyayaman ng kanyang Espiritu ang pagkakaiba imbis na supilin ito.

“Ito ay sapagkat ang katawan ay “ Dahil hindi ako mata, hindi ako kasama sa katawan. Kung ang buong katawan ay mata, paano ito makakarinig? Kung ang buong katawan ay pandinig, paano ito makakaamoy? Ngunit ngayon, inilagay ng Diyos sa katawan ang bawat isang bahagi ayon sa kalooban niya. Kapag ang lahat ng bahagi ay iisa lang, nasaan ang katawan? Ngunit ngayon,

hindi iisang bahagi kundi marami marami ang bahagi ngunit iisa ang katawan.

” ” . Ang paa ba 1 Cor 12:14-20 Mas mayaman ang mundo, at ang Simbahan dahil sa ating mga pagkakaiba.

Ang iba-iba nating mga talento, kaalaman, pananaw, atbp. ang nagbibigay sa atin ng kakayahang gampanan ang ating mga tungkulin para sa kabutihan ng buong komunidad.

Kung maganda sa Diyos ang pagkakaiba, kalooban din ba niya ang hindi pagkakapantay-pantay?

Diyos nga ba ang nagtalaga ng ating mga kalagayan sa buhay? Itanong natin sa ating mga sarili kung nais ba ng Diyos ang sumusunod.  Tinanggal sa trabaho ang iyong asawa dahil siya ay contractual. Alin ang dahilan ng pagkawala ng trabaho, Diyos ba o kontraktwalisasyon?

 Napilitan kang bawasan ang pagkaing ihahain sa iyong pamilya dahil nagmahal ang presyo ng bilihin. Alin ang dahilan ng pagkagutom ng iyong mga anak, Diyos ba o ang kalagayan ng ekonomiya?

 Rinisetahan ng doktor ang iyong magulang ng gamot ngunit hindi niya ito laging iniinom dahil napakamahal ito. Kung lumala ang kalusugan ng iyong magulang dahil dito, alin ang dahilan, Diyos ba o ang mataas na presyo ng gamut?

Mahal tayong lahat ng Diyos at hindi niya kailanman nais ang kapahamakan o paghihirap sa sinuman sa atin.

Lahat tayo ay mahalaga sa kanya at sa komunidad na ating kinabibilangan.

Hindi kita kailangan.

Maging ang ulo ay hindi makakapagsabi sa paa:

Hindi kita kailangan.”

1 Cor 12:21 ” Wala sa ating maaaring magmataas o mag-etsapuwera ng kapwa. Mahalaga ang bawat kasapi ng komunidad.

Ang paghihirap ay dulot ng isang sistemang hindi makatarungan kung saan may mga taong hindi kinikilala ang kahalagahan.

Sa sistemang ito, parang sinasabi sa mga mahihirap, “Hindi kita kailangan.” Sa gitna ng hindi patas na kalagayan, nais ng Diyos na bigyan ng higit na pansin at pangangalaga ang mga pinakanahihirapan.

“Subalit ang mga bahagi pa nga ng katawan na inaakalang

“ Binibigyan natin ng malaking gaanong marangal. Ang mga hindi magagandang bahagi ay higit nating pinagaganda. Ngunit ang magagandang bahagi ay hindi na kinakailangang pagandahin. Subalit maayos na pinagsama-sama ng Diyos ang katawan.

niya ng higit na karangalan.”

” 1 Cor 12:22-24 Sama-sama tayong tinatawag na tutukan ang pinakanangangailangan sa ating mga komunidad at lipunan.

Balikan ninyo ang inyong mga gagawin kapag masakit ang ulo o ang tiyan o kapag may lagnat. Ginagamit natin ang ibang bahagi ng ating katawan upang hilutin o pagalingin ang masakit na bahagi. Ganito rin dapat tayo sa Simbahan.

magmalasakitan sa isa't isa ang lahat na bahagi.

Kaya nga, kung ang isang bahagi ay maghihirap, kasama niyang maghihirap ang lahat ng bahagi. magagalak ang lahat ng bahagi.” ” 1 Cor 12:25-26

Sakit ng kalingkinan; sakit ng buong katawan.

Kailangan nating magmalasakit sa isa’t isa at magtulungan. Hanapin natin ang magpapagaling sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Nangangailangan ito ng lunas sa mga punut-dulong suliranin at hindi lang ng mga sintomas upang mapagaling natin ang buong katawan at ang bawat bahagi nito.

Ibig sabihin…

Imbis na sabihing…  Kapag may pinaparatangan ng hindi totoo, hindi ako makikialam dahil ayaw ko nang gulo.

 Kapag may demolisyon sa ibang kapit-bahayan, hindi ko problema yan!

 Kapag may rally sa Commonwealth, hindi ako makikialam dahil walang pakialam sa pulitika ang taong simbahan.

Sabihing…  Kapag may pinaparatangan ng hindi totoo, sasabihin ko ang katotohanan dahil hindi patas manghusga sa kapwa tao nang walang batayan.

 Kahit hindi ko kilala ang mga apektado ng demolisyon, problema ko rin ito.

 Kapag may rally sa Commonwealth, aalamin ko ang mga pangyayari o dadalaw ako dahil tulad ni Kristo, nagmamalasakit ako para sa mga kapwa ko.

“I prefer a Church which is bruised, hurting and dirty because it has been out on the streets, rather than a Church

Pope Francis, Evangelii Gaudium #49 ”

bawat isa ay bahagi nito.”

1 Cor 12:27 ” Hindi lamang tayo mga indibidwal ngunit isang komunidad. Bilang isang buong katawan, kinakatawan din natin si Kristo sa mundo.

Ibig sabihin, ipinapakita natin sa mundo ang dakilang pagmamahal ni Kristo…

 Sa pamamagitan ng ating pagkakaisa at pagtutulungan bilang komunidad  Sa pamamagitan ng pagkakawang-gawa  Sa pamamagitan ng paglalakas loob nating magsabi ng “tama na” kapag may nangyayaring hindi makatarungan  Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga gawaing makakabuti sa mga susunod na salinlahi  Sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalikasan

Ngunit, ipinapahiya rin natin si Kristo sa mundo kapag…

 Tayo ay hindi nagkakaisa.

 Tayo ay nagtsitsismisan, nagbabangayan, o nagkakampihan.

 Tayo ay walang pakialam sa kapwa, lalo na sa mga pinakanangangailangan ng pagkalinga.

 Tayo ay nanahimik kapag may inaapi.

Ngunit tandaan: Si Kristo ay laging higit pa rin sa Simbahan. Ang Simbahan ay katawan ni Kristo; hindi si Kristo mismo.

   Hindi natin maitutumbas ang lahat ng sinasabi ng ating pinuno sa mga nais sabihin ni Kristo.

May mga panahong nagkakamali at nagkakasala ang mga kasapi ng Simbahan ngunit patuloy na tapat ang pagmamahal ni Kristo Bagama’t naniniwala tayong tiyak na matatagpuan si Kristo sa Simbahan; hindi natin sinasabing sa loob ng ating relihiyon lamang natin siya maaaring matagpuan.

Gawain: Dalawahang pagbahaginan– 10 minuto  Paano mo nakikita ang pagkakaisa ng mga pinunong-lingkod ng parokya bilang iisang katawan ni Kristo (sa aspeto ng kamalayan, pagbubuklod at pagkilos)?

 Bilang bahagi ng Simbahan, paano ka nakakatulong sa pagkakaisa ng bawat kasapi nito?

BUOD: TAYO ANG SIMBAHAN, ANG KATAWAN NI KRISTO!

 Tayo ay katawan at kinatawan ni Kristo  Ang Espiritu Santo ang nagbubuklod sa atin at nagpapayaman din ng ating mga pagkakaiba  Tungkulin natin ang:  Tugunan ang mga nangangailangan sa ating komunidad;  At magsilbing boses ng katarungan at pagbabago sa mundo.

Malayang talakayan …