pagsulat_katuturan

Download Report

Transcript pagsulat_katuturan

PAGSULAT SA IBA’T
IBANG DISIPLINA
PAGSULAT
KATUTURAN AT LAYUNIN
 1.
Ang pagsulat ay pagsasalin sa
papel o paggamit ng anumang
kasangkapang maaaring magamit
na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo at ilustrasyon
ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)
 Ito
ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na
ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
(Bernales, et al., 2002)
 Ayon
kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay
isang komprehensib na kakayahang
naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,
pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang
elemento.
 Ayon
naman kay Keller (1985), ang pagsulat
ay isang biyaya, isang pangangailangan at
isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
Anyo ng pagsulat ayon sa
layunin:
Ekspresib
Formulari
Imaginatibo
Informatib
Persweysib
Mga layunin ng pagsulat
 Para
kay James Kinneavy (1971) may
limang kategorya sa pagsulat na naging
rason kung bakit nagsusulat ang tao. Ito
ay ang mga sumusunod:
 1.
Ekspresiv
 Personal na pagsulat upang maipahayag
ang sarili
Mga layunin ng pagsulat
 2.
Formulari
 Isang mataas at istandardisadong pasulat
katulad ng kasulutan o kasunduan sa negosyo o
bisnes at iba pang transyong legal, politikal, at
pang-ekonomiya
 3. Imaginativ
 Ginagamit upang mabigyang-ekspresyon ang
mapanilikhang imahinasyon ng manunulat sa
pagsulat ng mga dula, awit, tula, isksrip at iba
pa
Mga layunin ng pagsulat
 4.
Informativ
 Upang magbigay ng mahahalagang
inpormasyon at ebidensya
 5. Persweysiv
 Upang makapanghikayat, mapaniwala
ang mambabasa dahil sa mga
ebidensya katibayang ipinahayag
Gawaing interaktib
 Sabihin
ang kategorya (layunin) ng mga
sumusunod na sulatin:
1. iskrip pampelikula
2. Thesis
3. Subpoena
4. Memorandum of Agreement
5. Diary
6. Shopping list
Gawaing interaktib
Sabihin ang kategorya (layunin) ng mga
sumusunod na sulatin:
7.
Ulat pamanahon
8.
Panunumpa sa katungkulan
9.
Talumpati ng Kandidato
10. Tula
11. journal
12. Liham pangkaibigan
13. State of the Nation Address
14. Bisnes kontrak
15. mensahe

Sosyo-Kognitibong na Pananaw sa
Pagsulat
 Sosyo-
ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng
mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay
tumutukoy sa pag-iisip.
 Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay
isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.
Pagsulat bilang multidimensyonal na
proseso
 Para
kay Badayos, ang multidimensyonal na
proseso ng pagsulat ay binubu ng sumusunod na
proseso:
 Bago

sumulat
Binubuo ito ng pagpili ng paksa, paglikha ng mga
ideya at pagbuo ng mga ideya
 Pagsulat

Pagbuo ng draft, pagtanggap ng fidbak,
pagsangguni at pagrerebisa
Pagsulat bilang multidimensyonal na
proseso
•
•
Paglalathala
Sangkot dito ang pagdidisplay ng
komposisyon o sulatin sa bulletin
board o kaya’y paglilimbag o
paglalathala
Mga mungkahing tanong
 Ano
ang paksa ng tekstong aking
isusulat?
 Ano ang layunin sa pagsulat nito?
 Saan at paano ako makakakuha ng
sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
 Paano ko ilalahad ang mga datos na
aking nakalap upang maging higit na
makahulugan ang aking paksa?
 Sino ang babasa ng aking teksto? Para
kanino ito?
 Paano
ko maibabahagi sa aking mambabasa ang
nalalaman ko sa aking paksa?
 Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat? Kailan
ko ito dapat ipasa?
 Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto?
Mga Hakbang sa Pagsulat:
Prewriting/
Gawain Bago
Sumulat
Pagsulat ng Draft/ Burador
Revising o Pagbabago
Editing o Pagwawasto
Publishing o Paglalathala
 Pre-writing-
Ginagawa rito ang pagpili ng
paksang isusulat at ang pangangalap ng
mga datos o impormasyong kailangan sa
pagsulat.
 Actual writing – Dito isinasagawa ang
aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang
pagsulat ng burador o draft.
 Rewriting
– Dito nagaganap ang pageedit at pagrerebisa ng draft batay sa
wastong gramar, bokabulari at
pagkakasunud-sunod ng mga ideya o
lohika.
Kalikasan ng Pagsulat ayon kina
White at Arndt (1991)
•Paglabas
ng Ideya
•Paggawa ng Estruktura
•Paggawa ng Burador
•Pagpopokus
•Pagtataya o Ebalwasyon
•Muling Pagtingin
Mga Katangian ng Epektibong
Pagsulat:
 Kalinawan
( Clarity )
 Kaangkupan ( Appropriateness )
 Kahustuhan ( Completeness )
 May Katangian ng Katiyakan ( Emphasis )
 Kawastuhan ng Gramar (Gramatical
Accuracy )
 May Layunin o Hangarin ( Objective )
 Mababasa at Mauunawaan ( Readability )
Mga dapat itanong sa sarili kung
magrerebisa ng isinulat:
 Tama
ba ang aking pangungusap?
 Maayos at malinaw ba ang pagkakalahad?
 May pagkakaugnay ba ang aking mga
ideya?
 May malabo ang ideya?
 Angkop ba ang ginamit kong salita?
 May kaisahan ba ang bawat talataan ?
 Malinaw ba ang pangkalahatang
mensahe?
Mga Uri ng Pagsulat
Akademik
Teknikal
Journalistic
Referensyal
Profesyonal
Malikhain
Teknikal
 Isang
praktikal na komunikasyong
ginagamit sa pangangalakal at ng mga
propesyonal na tao upang maihatid ang
teknikal na impormasyon sa iba’t –ibang uri
ng mambabasa
 Ito ay naiuugnay sa pagsulat ng mga
manwal at gabay sa pag-aayos halimbawa,
ng kompyuter o anumang bagay na may
kalikasang teknikal
Teknikal
 Isang
espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon
sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng
mga mambabasa at manunulat.
 Nagsasaad
ito ng mga impormasyong maaaring
makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang
komplikadong suliranin.
Teknikal
 Saklaw
nito ang pagsulat ng
feasibility study at ng mga
korespondensyang
pampangangalakal.
 Gumagamit ng mga teknikal
na terminolohiya sa isang
partikular na paksa tulad ng
science at technology.
 Nakatuon sa isang tiyak na
audience o pangkat ng mga
mambabasa.
Teknikal
 Nagbibigay
bg impormasyon
para sa teknikal o komersyal
na layunin
 Layunin nitong maibahagi ang
impormasyon tungkol sa isang
paksa sa paggawa ng isang
bagay.
 Kasam rito ang proposal at iba
pang uri ng propesyonal na
dokumeto
Referensyal
 Ang
referensyal na pagsulat ay may kaugnayan sa
malinaw at wastong presentasyon ng paksa.
 Ito ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag,
nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri.
 Halimbawa nito ay teksbuk, balita, ulat
panlaboratoryo, manwal at pagsusuring
pangkasaysayan
 Ang layunin ng referensyal na pagsulat ay maiharap
ang impormasyong batay sa katotohanan o kaya’y
makabuo ng kongklusyon batay sa katotohanang
ito.
 Ang anyo ng impormasyon ay kailangang totoo o
tunay, tamang-tama, obhetibo at komprehensibo
Referensyal
 Naglalayong
magrekomenda ng iba pang
sanggunian o source hinggil
sa isang paksa.
 Madalas, binubuod ng isang
manunulat ang ideya ng
ibang manunulat at tinutukoy
ang pinaghanguan niyon na
maaaring sa paraang
parentetikal, footnotes o
endnotes.
Referensyal
 Madalas
itong makita
sa mga teksbuk,
pamanahong papel,
thesis o disertasyon.
 Maihahanay din dito
ang paggawa ng
bibliyografi, indeks at
notecards.
Journalistic




Ang isang balitang pamperyodiko ay sumasagot sa
lahat ng mga tanong ng pangjornalistik na sino, ano,
saan, kailan at bakit.
Ang pagsulat ng balita ay tuwiran at hindi paliguy-ligoy.
Ang pangunahing punto ay inilalagay sa unahan at ang
iba pang impormasyon ay isinisiwalat mula sa
pinakamahalaga patungo sa di-gaanong mahalaga
Pinipili nang maingat ang mga salita at pinanatiling
simple at tuwiran ang istilo ng pagsulat
Journalistic
 Ang
uring ito ng pagsulat na
kadalasang ginagawa ng
mga mamamahayag o
journalist.
 Saklaw nito ang pagsulat ng
balita, editoryal, kolum,
lathalain at iba pang akdang
mababasa sa mga
pahayagan at magazin.
Journalistic
 Sa
jornalistik na pagsulat, isaalang-alang ang mga
sumusunod na mungkahi:
 Kunin agad ang punto ng istorya.
 Iwasan ang mahahabang pangungusap
hangga’t maari
 Sumulat ng malinaw
Akademik

Ito ay maaaring maging kritikal na
sanaysay, lab report, eksperimento,
konseptong papel, term paper o
pamanahong papel, thesis o
disertasyon.

Itinuturing din itong isang intelektwal
na pagsulat dahil layunin nitong
pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa
paaralan.
Akademik
 Isa
sa pinakamahalaga rito ay ang pagbibigay ng
suporta sa mga ideyang pangangatwiranan
 Ang layunin ng akademikong pagsulat ay maipakita
ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik na
ginawa.
Akademik



Maliwanag
 Ang paglalahad ng mga ideya ay dapat malinaw. Ang
manunulat ay may pananagutang gawing malinaw ang
pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi ng teksto
May Paninindigan
 Kailangang may sarili kang pagpapasya at paninindigan sa
partikular na paksa na iyong isinulat
May Pananagutan
 May pananagutan ang manunulat sa pagkilala sa mga
awtoridad na ginamit na sanggunian sa papel na pangakademiko
Akademik

Narito ang mga katangian ng akademikong pagsulat:

Pormal
 Sa pagsulat ng sanaysay, iwasan ang mga kolokyal na salita at
mga ekspresyon
Obhetibo
 Ang pagsulat dito ay obhetibo at hindi personal o pansarili.
Kaunti lamang ang salitang tumutukoy sa manunulat at sa
mambabasa
 Binibigyang-diin ang impormasyon na gustong ibigay

Profesyonal


Ito ay nakatuon sa isang
tiyak na profesyon.
Saklaw nito ang mga
sumusunod:
1. police report – pulis
2. investigative report –
imbestigador
3. legal forms, briefs at
pleadings – abogado
4. patient’s journal – doktor
at nurse
Malikhain




Masining na uri ng pagsulat sa
larangan ng panitikan o literatura.
Ang fokus ay ang imahinasyon ng
manunulat.
Layunin nitong paganahin ang
imahinasyon ng manunulat at
pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa.
Mihahanay sa uring ito ang pagsulat
ng tula, nobela, maikling katha,
dula at sanaysay.
Malikhain



Ginagamit ng manunulat ang imahinasyon upang
lumikha ng karakter, senaryo o pangyayari upang
bumuo ng kuwento o tumalakay sa isang senteal na
isyu o paksa
Maaring gumamit ang manunulat ng unang
panauhan (pumaloob bilang karakter) o kaya’y
ikatlong panauhan ( bilang tagapagsalaysay)
Sa malikhaing pagsulat, sariling-sarili ng manunulat
ang format, lengguwahe, organisasyon ng kanyang
sulatin.
Gawaing interaktib
 Ano
ang layunin ng akademikong pagsulat?
 Bakit kailangang suportahan ang mga ideya
sa akademikong pagsulat?
 Magbigay ng sariling reaksyon kung ano ang
kaibahan ng ginagawang pagsulat sa
elementarya at haiskul?
 Ano ang journalistik na pagsulat?
 Bakit may malaking pananagutan ang
sinuman sa pagsulat ng tekstong teknikal?
Gawaing interaktib

Magsulat ng isang sanaysay tungkol sa isa sa mga
sumusunod na paksa:

Ang Mahal Kong Ina
Ang Pinili Kong Paaralan
Ang Aming Barangay
Ang Materyal na Mundo
Ang Aking Pangarap




Gawaing interaktib



Gumawa ng isang tula laman ng inyong isipan at
damdamin.
Hindi kailangang makinis na makinis, ang mahalaga
masabi ang saloobin sa oras na ito’y sinusulat
Maaring free verse ang gawin