Ang Pamanahong Papel

Download Report

Transcript Ang Pamanahong Papel

Ang
Pamanahong
Papel
Ito ay isang uri ng papelpampananaliksik na karaniwang
ipinagagawa sa mga estudyante sa
kolehiyo bilang isa sa mga
pangangailangan sa isang larangang
akademiko.
Mga Pahinang
Preliminari o
Front Matters
Fly Leaf 1
Ito ang pinakaunang pahina ng
pamanahong papel. Walang
nakasulat na kahit na ano sa
pahinang ito.
Pamagitang Pahina
Ito ang pahinang nagpapakilala sa
pamagat ng pamanahong-papel.
Dahon ng Pagpapatibay
Ito ang pahinang kumukumpirma sa
pagkakapasa ng mananaliksik at
pagkakatanggap ng guro ng
pamanahong papel.
Pasasalamat o
Pagpapakilala
Sa pahinang ito tinutukoy ng
mananaliksik ang mga indibidwal,
pangkat, tanggapan o institusyong
maaaring nakatulong sa pagsulat ng
pamanahong-papel at kung gayo’y
nararapat pasalamatn o kilalanin.
Talaan ng Nilalaman
Dito nakaayos ang pagbabalangkas
ng mga bahagi at nilalaman ng
pamanahong-papel at nakatala ang
kaukulang bilang ng pahina kung
saan matatagpuan ang bawat isa.
Talaan ng Talahanayan
at Grap
Dito nakatala ang bawat pamagat ng
bawat talahanayan at\o grap na nasa
loob ng pamanahong papel at ang
bilang ng pahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.
Fly Leaf 2
Ito ay isa na namang blangkong
pahina bago ang katawan ng
pamanahong papel.
Kabanata 1: Ang
Suliranin at
Kaligiran Nito
Panimula o
Introduksyon
Ito ay isang maikling talataang
kinapapalooban ng pangkalahatang
pagtalakay ng paksa ng
panananaliksik.
Layunin sa Pag-aaral
Dito nilalahad ang layunin o dahilan
kung bakit isinasagawa ang
pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na
suliranin na nasa anyong patanong.
Kahalagahan ng Pagaaral
Dito inilalahad ang signipikans ng
pagsasagawa ng pananaliksik ng
paksa ng pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon
Tinutukoy dito ang simula at
hangganan ng pananaliksik.
Depinisyon at
Terminolohiya
Dito itinatala ang mga katawagang
makailang ginamit sa pananaliksik
at ang bawat isa’y binibigyang
kahulugan.