Ang pagsasagawa ng wudo

Download Report

Transcript Ang pagsasagawa ng wudo

Ang pagsasagawa ng wudo
Magsabi ng: (Bismillaah [sa Ngalan ng Allah]).
Hugasan ang dalawang kamay ng tubig nang tatlong ulit bilang
kaaya-ayang gawain.
Pagmumumog.
Magmugmog ng tubig, [ang kahulugan ay] ipasok ang tubig sa bibig at
imumug ito sa loob at pagkatapos ay iluluwa, nakabubuti na gawin ito
nang tatlong ulit, datapuwa’t ang kailangan ay isang ulit lamang.
Singhutin [ang tubig], [ang kahulugan ay] singhutin ang tubig nang papasok sa ilong at
pagkatapos ay isingha nang papalabas ang tubig mula sa ilong [itulak ang tubig
papalabas sa pamamagitan ng pagbuga ng hangin na papalabas mula sa ilong], at
nakabubuti na lubus-lubusin ito maliban kung ito ay magdudulot para sa kanya ng
kapinsalaan, at makabubuti rin na gawin ito nang tatlong ulit, datapuwa’t ang kailangan
ay isang ulit lamang.
Hugasan ang mukha, at ito ay magsisimula sa pinakataas na bahagi ng noo, simula sa
tinutubuan ng buhok nito hanggang sa ibabang bahagi ng baba, at simula sa isang
tainga hanggang sa isa pang tainga. Datapuwa’t ang dalawang tainga ay hindi
[itinuturing bilang] sakop [na bahagi] ng mukha, at nakabubuti na gagawin ito nang
tatlong ulit, datapuwa’t ang kailangan ay ang isang ulit lamang.
Hugasan ang dalawang kamay, simula sa mga dulo ng mga daliri
hanggang sa mga siko, ang dalawang siko ay [bahaging kabilang sa
nararapat] hugasan, at nakabubuti na gawin ito nang tatlong ulit,
datapuwa›t ang kailangan ay isang ulit lamang.
Haplusin ang ulo nang basang kamay simula sa unahan ng ulo hanggang sa
hulihan ng ulo na kasunod ng batok, at iminumungkahi na haplusing pabalik
patungo sa unahan ng ulo sa ikalawang pagkakataon, at hindi itinatagubilin bilang
kaaya-ayang gawain na gawin ito nang tatlong ulit, tulad ng mga ibang bahagi ng
katawan.
Sa pamamagitan ng mga basang daliri, haplusin ang pinakaloob na gilid ng mga
tainga gamit ang hintuturong daliri at ng mga labas na bahagi gamit ang daliring
hinlalaki at ito ay ginagawang minsanan.
Hugasan ang dalawang paa kasama ang magkabilang bukong-bukong, at
itinatagubilin ito bilang kaaya-ayang gawain na gawin ito nang tatlong ulit,
datapuwa›t ang kailangan ay isang ulit lamang. At kung siya ay nakasuot ng
medyas, magkagayon ipinahihintulot ang pagpunas nito nang ayon sa ilang
patakaran (Tunghayan ito sa pahina:111).