Seminar-Worksyap sa Dula (Paggawa ng iskrip at Pagsasadula
Download
Report
Transcript Seminar-Worksyap sa Dula (Paggawa ng iskrip at Pagsasadula
Seminar-Worksyap sa
Dulang Pantanghalan
( Pa g g awa n g i sk ri p a t Pa g sa sa d ula )
G l o bal Wa rmin g Aw a r en ess
Faycan, Joy F.
Mabanta, Rosemarie Gaile C.
Tapuro, Jharmagne Maria Amor B.
Unit Summary
Ang Seminar-Worksyap na ito ay naglalayong mapaunlad at
mapayaman ang kaalaman maging ang talento ng sino mang makikilahok.
Ang paglikha ng mga makabagong paraan sa paglikha ng iskrip ng dula
mapatanghalan man o klasrum ay matututunan ng mga kasapi. Matututong
mag-isip ng malalim at may pag-unawa sa mga salitang binibitiwan o
ginagamit. Nagagamit dito ang higher order thinking ng mga mag-aaral o ng
mga guro.
Ang pagbibigay ng opinion ukol sa paksang pag-iikutan ng iiskrip
particular na ang global warming ay mas matututunan ng mga mag-aaral o
gurong kalahok.
Sa pagtatapos ng seminar ay magkakaroon ng isang pagtatanghal
sa kanilang nagawang iskrip. Huhusgahan ng mga manonood ang mga
napanood nilang dula. Magkakaroon din ng malayang talakayan (open
forum) sa pagtatapos ng seminar nang sa gayon ay lubos nilang
maiintindihan ang kahalagahan ng dula sa kanilang buhay. Malalaman din
kung ang mga tips bang itinuro ay lubos na naunawaan. Malalaman din ang
pagkakaiba ng dulang pantanghalan at dulang pampelikula.
Ang proyekto ay makatutulong upang mas
maintindihan ng mga mag-aaral ang paggawa ng
iskrip tungkol sa Global Warming. Dahil dito
magkakaroon ng kamalayang panlipunan ang mga
mag-aaral. Inaasahang ang proyektong ito ay
magdudulot ng kakintalan sa mga mag-aaral.
Una, tatalakayin sa worksyap ang nangyayari
sa paligid (global warming). Ito ang
paksang gagamitin sa paggawa ng
iskrip.
Pangalawa, pagbabahagi ng mga ideya at
karanasan. Lalagumin ito at gagawan
ng isang maikling iskrip.
Pangatlo, tatalakayin ang mga sangkap ng
isang dula.
Pang-apat, ibabahagi ang
nagawang iskrip at susuriin kung
ang mga sangkap ng dula ay
naipakita sa nagawa nilang
iskrip.
Pang-lima, tatalakayin ng ispiker ang
mga paraan sa paggawa ng
dula.
Pampito, open forum.
CFQ’s
Essential Question:
Ano ang Dula?
Unit Question:
1. Bakit kailangang maganda ang dula?
2. Bakit ang dula ay bahagi ng buhay?
3. Ang dula ba ay maaaring masabayan ng isang
bingi?
Content Question:
1. Ano ang mga sangkap ng dula?
2. Paano nakatutulong ang reyalidad (global
warming) sa paggawa ng iskrip?
3. Ano ang ilang mga tips sa pagsusulat ng isang
epektibong iskrip?
4. Ano ang katangian ng magandang dula?
5. Paano naiintindihan ng mga bingi ang dula?
Expectations for the
project :
•Mag-aaral:
Makakukuha sila ng mga bagong tips sa paggawa o pagsulat
ng iskrip. Ang mga mag-aaral ay matututong suriin ang mga dulang
nasusulat nila. Nagagamit nila ang kasalukuyang pangyayari bilang
paksa sa kanilang gagawing iskrip at ito’y magiging daan upang
maging mapagmasid sila sa kanilang paligid. Ang pakikipag-uganayan
nila sa kapwa kalahok ay mahalaga upang malinang ang kanilang
disiplina o pakikisama. Mas malilinang ang kanilang lakas ng loob
upang humarap sa maraming tao. Isang bentahe ito upang makalahok
sa mga paligsahan sa kanilang paaralan.
•Guro:
Matututunan ng mga guro ang mga tips kung paano ituturo
nang mahusay ang Dula. Mas mapapalawak pa ang kanilang
nalalaman tungkol sa mga paraan ng pagsulat ng iskrip. Malaking
tulong ito upang mas makalamang sa mga gurong wala pang ideya sa
paggawa ng dula. Makatutulong ang seminar upang maibahagi ang
kanilang kaalaman kung sakali mang magkaroon ng pagtatanghal sa
paaralan.
•Lipunan:
Sa mga fiesta nakatutulong sa paggawa ng
maganda at epektibong dula na maaaring ilaban sa
timpalak. Ang seminar ay makatutulong sa pag-unlad ng
kaalaman ng mgatao sa kung ano nga ba ang tungkulin ng
dula sa kanilang buhay. Iyon ay ang pagiging malikhain,
may pakikisama, may tamang disiplina, may
pakikipagkapwa at naglalayong mapaunlad ang kanilang
pakikipagtalastasan.
•Magulang:
Ang pagsali sa seminar ay makatutulong upang
maintindihan ang mga pag-uugali ng kanilang mga anak.
Ang mataas na antas ng pag-unawa sa kanila ay mahalaga
upang matulungan ang pag-unlad ng kanilang mga anak.
Student Needs
Assessment
Ang proyekto ay naglalayong magising ang
kamalayan ng mga kalahok sa kung ano ang
kasalukuyang nangyayari sa realidad.
1. Nakikita kung ano ang mga kaalamang napagaralan na ng mga mag-aaral o kung ano ang
kanila pang kailangan sa pagpapaunlad ng
kaalaman tungkol sa dulang pantanghalan.
2. Naglalayong matukoy ng proyektong ito ang
mga dapat pang linangin sa mga kalahok.
3. Natutukoy ng proyekto kung may sapat bang
higher order thinking skills ang mga mag-aaral o
kung dapat ba itong linangin.
4. Kailangang matutunan nila ang pagkakaiba ng
dulang pangtanghalan sa dulang pampelikula.
Teacher’s Goal for the
Project
Ano ang matututunan ng guro?
1. Magkakaroon ng mga tips kung paano
ituturo ang dula sa pinakaepektibong
paraan.
2. Mapag-uugnay ng guro ang realidad sa
pagbibigay ng mga halimbawa sa mga
mag-aaral.
3. Magagawang kaakit-akit at kasiya-siya ang
talakayan.
4. Magkakaroon ng kolaborasyon sa
pagitan ng guro at mag-aaral.
Teachers goal for the
student:
Ano ang mga inaasahan ng guro sa mga magaaral?
a. Inaasahang ang mga mag-aaral ay
nakasusuri ng isang iskrip o dula.
b. Natututo silang gumawa ng iskrip ayon sa
hakbang na sinusundan.
c. Nagagamit ng mga mag-aaral ang
kanilang hingher order thinking skills
sa panunuri at paggawa.
d. Nakikipagtalastasan ang mga mag-aaral
sa kanilang kapwa mag-aaral.
e. Nakabubuo sila ng mga tanong na
naaayon sa pagtalakay ng dula.
Goals For my
Students
a. Magsasaliksik sila tungkol sa global
warming upang mapaghandaan ang
paggawa ng iskrip.
b. Makagagawa sila ng sariling iskrip
ungkol sa nasaliksik na mga datos.
c. matututo silang manure ng isang
maganda at epektibong dula o iskrip.