File - BS in Computer Science
Download
Report
Transcript File - BS in Computer Science
PANGANGALAP NG
MGA DATOS,
IMPORMASYON AT
SANGGUNIAN
Mga Hanguan ng Impormasyon o
Datos
Hanguan primarya (ayon kay Mosura, et
al. 1999)
a. Mga indibidwal o awtoridad,
b. Mga grupo o organisasyon,
c. Mga kinagawiang kaugalian,
d. Mga pampublikong kasulatan o dokumento,
Hanguang Sekondarya
a. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedia,
taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas,
b. Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin,
pahayagan at newsletter,
c. Mga tisis, disertasyon, at pag-aaral sa pisibility,
nailathala man, ang mga ito o hindi at,
d. Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at
iba pa.
Hanguang Elektroniko
Sa internet ay maaari ka ring magpadala ng lihamelectroniko o e-mail sa alin mang panig ng mundo.
Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala
ng impormasyon sa pamamagitan ng koreo na aabutin
ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan sa
malalayong lugar o kaya’y pangangalap ng mga datos
gamit ang telepono.
Gaano kahalaga ang impormasyong manggagaling sa
internet? Anu-ano ang sukatan ng kahalagahan
nito?
a. Anong uri ng Wesite ang iyong tinitingnan?
1. Ang web page Uniform Resource Locators
(URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sa
institusyun ng edukasyon o akademiko
Halimbawa: www.dls-csb.edu
2.Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang
organisasyon at ang .com ay mula sa komersyo o
bisnes.
Halimbawa: www.knightof columbus.org
www.yahoo.com
3. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa
institusyon o sangay ng pamahalaan.
Halimbawa: www.makaticity.gov
www.tourism.gov
b. Sino ang may-akda?
Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng
isang impormasyon sa internet nang sa gayo’y
masuri kung ang impormasyon ay wasto at
kumlpeto. Kadalasan kasi ay walang kalakip ng
impormasyong isinulat ng may-akda ang kanilang
mga kredensyal at kwalipikasyon.
c. Ano ang layunin?
Alamin ang layunin ng may-akda kung bakit
nagliunsad o naglabas ng website. Nais bang
magbahagi ng impormasyon o magbenta lamang ng
produkto?
d. Paano inilahad ang impormasyon?
Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon
lamang? Alamin din kung my bias at prejudice ang
teksto.
e. Makatotohanan ba ang teksto?
Alamin kung opisyal o dokyumented ang teksto.
Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay maayos o kung
wasto ang baybay at gramatika. Subukan din kung
ang website ay maaaring ihalintulad o iugnay sa
ibang website nang sa gayo’y maikumpara ito sa iba
nang matimbang kung ang tekstong laman nito ay
wasto o hindi.
f. Ang impormasyon ba ay napapanahon?
Marapat na nakalagay ang petsa ng pinakahuling
rebisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung
ang akda ay bago o hindi.
Pangangalap nga mga Impormasyon
o Datos
Una, tukuyin kung anong uri ng impormasyon o
datos ang kailangan gayundin ang klasipikasyon
kung saan maaaring matagpuan ito sa silid-aklatan.
Halimbawa ng isang talaan sa pangangalap ng
datos:
Tanong: Ano ang obsesyon?
a. Impormasyong hahanapin
1. pagkakaiba o pagkakatulad sa hilig, gusto at
adiksyon
2. kailan masasabi na may obsesyon
b. Mga posibleng sanggunian
1. ensayklopedia, aklat sa medisina at
sikolohiya
2. mga artikulo at kolum sa pahayagan at
magasin
3. mga artikulo sa mga propesyunal na journal
4. panayam sa mga eksperto
May tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid-
aklatan.
Yugto 1: Panimulang paghahanap ng kard katalog,
sangguniang aklat, bibliograpi, indeks at hanguang
elektroniko o internet.
Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng
browsing, skimming at scanning ng mga aklat at
artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga
babasahin.
Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat,
sanaysay, artikulo, computer prinouts at iba pang
sanggunian.
Uri ng Kard katalog
a. Kard ng Paksa – ang dapat hanapin kung ang
malinaw pa lamang sa mananaliksik ay ang kanyang
paksang tatalakayin.
Halimba:
PHILIPPINE POETRY (FILIPINO)
F
PL
6165.4.R9
P11
2000
Rubin, Ligaya tiamson
Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at
Bayan
Ligaya tiamson-Rubin.Manila: De La Salle UniversityPress, Inc. c2000
179 p. 23 cm
ISBN 971-555-335-4
1. Philippine poetry (Filipino). I. Title
b. Kard ng awtor – ang kailangang tingnan kung ang
mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na
awtoridad sa kanyang paksa.
Halimbawa:
RUBIN, LT.
F
PL
6165.4.R9
P11
2000
Rubin, Ligaya Tiamson
Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at
Bayan
Ligaya, Tiamson-Rubin. Manila: De La Salle University Press, INC. c2000
179 p.23cm
ISBN 971-555-355-4
1. Philippine poetry (Filipino). I. Title
c. Kard ng Pamagat – ang pinakalapitin ng mga
mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor
na gusto nilang saliksikin, kung kaya parang
naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga
librong pamilyar na sa iba.
Halimbawa:
F
PL
6165.4.R.9
P11
Bayan
2000
Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay
Rubin, Ligaya Tiamson
Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at
Ligaya Tiamson-Rubin. –
Manila: De La Salle University Press, INC. c2000
179 p. 23cm
ISBN 971-555-335-4
1. Philippine poetry (Filipino). I. Title
Sa ikalawang yugto, pagsusuri ng mga nakuhang
impormasyon o datos ang dapat isagawa. Gamitn
ang mga nakasanayang browsing, skimming at
scanning sa mga aklat at artikulong posibleng
magamit sa pagsulat ng pananaliksik.
Ang mga sumusunod ay gabay na tanong sa
pagsusuri ng nakalap na sanggunian:
a. Ano ang kaugnayan nito sa paksa?
Tiyaking ang mga impormasyon sa sanggunian
ay tumatalakay sa paksa ng pananaliksik. Maggamit
mo ba ang aklat sa sayaw na pamana ng mgfa
dayuhan halimbawa sa paksang katutubong sayaw?
b. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at
tagapaglathala?
Gaano kahalaga ang impormasyong makukuha
ukol sa pag-awit mula sa akdang isinulat ng isang
mananayaw?
c. Makatotohanan ba ito?
Ang pagiging makatotohanan ay hindi lamang
nasusukat sa may-akda.
Ang ikatlong yugto ay ang pagbabasa at pagtatala
ng mga impormasyon o datos mula sa mga napiling
sangguniang.
Interbyu: Kahulugan, Layunin at
Kahalagahan
Ang interbyu ay isang uri ng pasalitang diskukrso
ng dalawang tao o ng isang pangkat at isang indibidwal
– ang una’y interbyuwer at ang ikalawa’y
interbyuwi. Ang interbyu ay maaring itinatakda – ang
petsa, araw, oras at lugar – at maaring namang
hindi depende sa abeylabiliti ng dalawang panig.
Itinatakda man o hindi, masusi ang ginagawang
paghahanda bago ganapin ang interbyu.
Ang layunin ng interbyu ay makakuha ng mga
mapanghahawakang mahahalagang impormasyon mula
sa interbyuwi hinggil sa isang tiyak na paksa. Mangyari pa,
upang maging matibay ang impormasyon,
kailangang maging maingat sa pagpili ng
interbyuwi.Samakatwid, mas awtoridad, mas dalubhasa,
mas mabuti.
Sa pananaliksik, ang interbyu ay isang
napakamakabuluhang paraan ng pagkuha ng mga
impormasyon na magagamit sa pagsulat ng papelpampananaliksik. Isa rin itong mabisang paraan ng
pagbe-verify ng mga datos o impormasyong nakalap
sa mga nakasulat na hanguan at isang pagkakataon
upang maapdeyt ang mga impormasyon o datos
tungkol sa mga makabagong debelopment hinggil sa
isang larangan o tiyak na paksa na maaaring hindi pa
nalathala. Bukod sa nabanggit na, ang mga nakalap na
impormasyon o datos sa interbyu ay maaari ring
magsilbing suporta sa mga impormasyong first-hand mula
sa iba’t ibang hanguan o sorses.
Pagpili ng Interbyuwi
Ang sa mga pangunahing konsiderasyon sa pagpili
ng taong iinterbyuwin ay ang awtoriti ng interbyuwi
hinggil sa paksa ng pananaliksik. Ang mga ispesipik na
katangiang dapat taglayin ng isang taong
iinterbyuwin, kung gayon, ang sumunod.
a. May malawak na kaalaman. May sapat ba
siyang kaalaman sa paksa ng pananaliksik? May
awtoriti ba siya upang magbigay nng mga hinihinging
datos o impormasyon.
b. Relayabol. Maaaring maibigay ng interbyuwi ang
mga impormasyong kailangan ngunit kalimitan,
hindi lahat ng impormasyon ay angkop sa ginagawang
pananaliksik.
May mga dahilan kung bakit may mga
pagkakataong hindi maaaring panghawakan ang mga
datos o impormasyong naibigay ng interbyuwi.
Samakatwid, kailangang isaalang-alang ang mga
sumusunod na tanong:
1. Siya ba ay makatotohanan? Maaari bang
paniwalaan ang kanyang mga pahayag?
2. Makatwiran ba ang kanyang pananaw? Kalimitan,
may mga sariling pananaw ang interbyuwi na nagiging
dahilan upang maging biased ang kanyang mga
ipinahahayag. Kailangang maging maingat at palamasid,
kung gayon.
c. Abeylabol. Gaano man katalino ang interbyuwi, hindi
iyon magkakaroon ng silbi kapag hindi tumutugma ang
kanyang iskedyul sa mga interbyuwer.
Kadalasan, ang mga interbyuwing bantog, awtoridad
at dalubhasa ay mga taong mahirap kunan ng pahayag
dahil na rin sa pagiging abala.
Minsan ang kalikasan ng pananaliksik ay
mangangailangan ng interbyu hindi lamang sa isang
tao. Sa ganitong pagkakataon, kailangang maglaan ng
sapat na panahon upang ang lahat ng dapat
interbyuhin ay makunan ng datos o impormasyong
kinakailangan.
Mga Hakbangin sa Pormal na
Interbyu
Sina Arrogante, et al. (1983) ay nagbigfay ng ilang
tagubilin na dapat tandaan bago mag-interbyu, sa
takdang oras, sa oras ng pag-uusap at pagkatapos ng
pag-uusap. a. Bago Mag-interbyu
1. Tiyakin muna ang layunin ng interbyu.
2. Pumili ng interbyuwing nagtataglay ng mga
katangiang natalakay.
3. Itakda ang interbyu. Alamin ang abeylabiliti at
preperd na lugar at oras ng interbyuwi.
ng sulat. (Pansinin ang halimbawang sulat na nasa
Apendiks).
b. Sa Takdang Oras
1. Dumating nang mas maaga sa itinakdang oras sa
napagkasunduang lugar.
2. Magalang na magpakilala at ipaalala ang pakay.
3. Maging masigla at magtiwala sa sarili.
c. Sa Oras ng Pag-uusap
1. Maging tuwiran at matalino sa pagtatanong.
Iwasan ang mga tanong na sinasagot lamang ng oo
at hindi.
2. Magpakita ng kawilihan sa interbyu.
3. Huwag gambalain o putulin ang pagsasalita ng
inetrbyuwi.
4. Huwag labis na pakahon sa mga inihandang gabay
na tanong, subalit umiwas din sa paglihis sa paksa
ng interbyu.
5. Makinig nang mabuti.
6. Itala ang mga kinakailanganing mahahalagang
kaalaman sa di-kapansin-pansin g paraan.
7. Huwag makipagtalo sa interbyuwi.
8. Maging magalang sa kabuuan ng interbyu.
d. Pagkatapos ng Pag-uusap
1. Huwag pabigla-bigla sa pagtapos ng interbyu.
2. Iayos kapagdaka ang mga datos o impormasyong
naitala.
3. Kung nakateyp ang interbyu, itranskrayb agad
iyon. (Pansinin ang transkip ng isang interbyu na
nasa Apendiks).
4. Sakaling may alinlangan hinggil sa kawastuhan ng
tuwirang sinabi ing interbyuwi, makipagkita o
makipag-ugnayan agad sa kanya nang sa gayo’y
maliwanagan at nang maiwasang mamis-quote ang
interbyuwi.
5. Hangga’t maaari, bigyan ang interbyuwi ng kopya
ng transkip ng interbyu o ng awtput ng interbyu.
Ang Sarbey-Kwestyoneyr
Ayon kay Good (1963), ang kwestyoneyr o
talatanungan ay listahan ng mga planado at pasulat na
tanong kaugnay ng isang tiyak na paksa, naglalaman
ng mga espasyong pagsasagutan ng mga respondente
at inihanda para sagutan ng maraming respondente.
Ang kwestyoneyr ay isang set ng mga tanong na
kapag nasagutan nang maayos ng kailangang bilang ng
piniling respondente ay magbibigay ng mga
impormasyong kailangan upang makumpleto ang isang
pananaliksik.(Calderon at Gonzales, 1993).
Ang kwestyoneyr ang pinakamabisa at pinakamadaling
instrumento ng sarbey.
Mga Adbentahe at Disadbentahe ng
Kwestyoneyr
Mga Adbentahe:
a. Ang kwestyoneyr ay madaling gawin.
b. Ang distribusyon nito ay madali at hindi magastos.
c. Ang mga sagot ng mga respondente ay madaling
itabyuleyt.
d. Ang mga sagot ng respondente ay malaya.
e. Maaaring magbigay ng mga kumpidensyal na
impormasyon ang mga respondente.
f. Maaaring sagutan ng mga respondente ang
kwestyoneyr sa oras na gusto nila.
g. Higit na akyureyt ang mga sagot ng respondente.
Mga Disadbentahe:
a. Hindi ito maaaring sagutan ng mga hindi marunong
bumasa at sumulat o mga ilitereyt.
b. Maaaring makalimutang sagutan o sadyang hindi
sagutan ng ilang respondente ang kwestyoneyr.
Mangangailangan pa ito ng pagpapaalala o follow-up
ng mananaliksik.
c. Maaaring magbigay ng mga maling impormasyon
ang respondente, sinasadya man o hindi.
d. Maaaring hindi sagutan o masagutan ng
respondente ang ilang aytem sa kwestyoneyr.
e. Maaaring hindi maintindihan ng respondente ang
ilang katanungan sa kwestyoneyr.
f. Maaaring maging napakalimitado ng pagpipiliangsagot ng mga respondente at ang kanyang tunay na
sagot ay wala sa pagpipilian.
Mga Tagubilin sa Paggawa ng
Kwestyoneyr
a. Simulan ito sa isang talatang magpapakilala sa
mananaliksik, layunin ng pagsasarbey, kahalagahan nang
matapat at akyureyt na sagot ng mga respondente,
takdang-araw na inaasahang maibabalik sa mananaliksik
ang nasagutang kwestyoneyr, garantiya ng anonimiti,
pagsasalamat at iba pang makatutulong sa paghikayat
sa respondente ng kooperasyon.
b. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon.
c. Tiyaking tama ang gramar ng lahat ng pahayag sa
kwestyoneyr.
d. Iwasan ang mga may-pagkiling na katanungan.
e. Itala ang lahat ng posibleng sagot bilang mga
pagpipilian.
f. Tiyaking nauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng
pananaliksik.
g. Iayos ang mga tanong sa lohikal na pagkakasunodsunod.
h. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng
mga kumpidensyal na sagot o mga nakahihiyang
impormasyon.
i. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga
mahihirap na tanong.
j. Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang
hanay lamang. Iminumungkahing ilagay iyon sa
kaliwa ng mga pagpipilian.
k. Panatilihing anonimus ang mga respondente.
Salamat
sa
inyong
pakikinig ..
-katapusan