Masamang Naidudulot ng Heograpiya ng Bansa - CTL

Download Report

Transcript Masamang Naidudulot ng Heograpiya ng Bansa - CTL

Masamang Naidudulot ng Heograpiya ng Bansa

Isang Presentasyon sa Araling Panlipunan ng Group 2

Ang mga Masamang Naidudulot ng Heograpiya sa Bansa Eto ang mga karaniwang masamang naidudulot ng ating heograpiya:  Madalas daanan ng bagyo    Laging tinatamaan ng lindol Lagi tayong binabaha Kalat-kalat na pulo

Bagyo

Ang Pilipinas ay laging dinadaanan ng bagyo. Halimbawa na lang ang Bagyong Pedring, pagkatapos naman ay Bagyong Quiel naman. Kung ibabase natin ang obserbasyon ng bawat isa, masasabi talaga na ang Pilipinas ay daanan ng bagyo.

Lindol

Katulad ng bagyo, ang Pilipinas ay dinadaanan din ng lindol. Bagaman lagi tayong dinadaanan ng lindol, kadalasan ito ay mahihina. Ngunit ang laging payo ng mga eksperto ay mag- ingat pa rin kahit mahina ang lindol dahil maaari pa rin itong makaapekto sa atin.

Baha

Lagi tayong binabaha dahil kalat-kalat ang ating mga isla at napapaligiran tayo ng maraming anyong tubig. Isa pang sanhi ng baha ay lagi tayong dinadaanan ng bagyo. Pati rin ang kapabayaan natin sa atin mga kanal kaya hindi nakakadaloy nang maayos ang tubig baha.

Kalat-kalat na pulo

Tayo ay nahihirapan sa malawakang transportasyon dahil kalat-kalat ang ating pulo. Halimbawa, ang paghatid ng produkto sa Cebu papuntang Maynila. Medyo mahihirapan sa pagpapadala nito dahil sa layo ng lugar. Pero ngayong henerasyon na ito, pinag-aaralan na rin ang mga mas madadaling paraan ng pagpapadala ng produkto sa ibang lugar.

MARAMING SALAMAT PO!