STUDY GUIDE PACKET #3 Main Idea & Inferences - HEKASI 1-7

Download Report

Transcript STUDY GUIDE PACKET #3 Main Idea & Inferences - HEKASI 1-7

Republika ng Biak-na-Bato
-Sinikap ni Aguinaldo na magtatag ng bagong
pamahalaan na kapalit ng itinatag sa Tejeros.
-ika-1 ng Nobyembre 1897, pinagtibay ang
Konstitusyon ng Biak-na-Bato na isinulat nina
Felix Ferrer at Isabelo Artacho.
-Kinabukasan ay pinasinayaan ang Republika ng
Biak-na-Bato.
Kasunduan sa Biak-na-Bato
• Gobernador Heneral Primo de Riveranagpatawag ng negosasyon sa pangkat ni
Aguinaldo upang maibsan ang tumitinding
hidwaan.
• Pedro Paterno-naging tagapamagitan sa
Kasunduan sa Biak-na-Bato
• Disyembre 15, 1897- nilagdaan ang
kasunduan
• Nilalaman ng kasunduan:
1. Pagpapatapon kay Aguinaldo at kanyang mga
tagasunod sa labas ng bansa.
2. Pagbabayad ng pamahalaang Espanyol ng
Php 800,000 sa mga rebolusyonaryo na
isasagawa sa pamamagitan ng mga
sumususnod na paraan:
A. Php 400,000 sa pag-alis ni Aguinaldo sa
Biak-na-Bato
B. Php 200,000 kapag hihigit sa 700 ang
bilang ng armas na isusuko ng mga
rebolusyonaryo
C. Php 200,000 kapag inawit ang Te Deum
3. Pagbabayad ng halagang Php 900,000 sa
mga pamilyang Pilipino na naging biktima
ng labanan.
Pagkabigo ng Kasunduan
• Hindi nagkaroon ng kapayapaan pagkatapos
malagdaan ang Kasunduan sa Biak-na-Bato
dahil hindi tumupad ang mga Pilipino at
Espanyol sa kondisyon ng Kasunduan.
Ang Hong Kong Junta
• Sumanib si Aguinaldo sa Hong Kong Junta
(Komite Rebolusyonaryo na tumutulong
para sa Himagsikang Pilipino)
• Sa Hong Kong ipinanukala niya ang
posibilidad na pagtutulungan ng Amerika at
Pilipinas laban sa Spain.
• Kapalit nito ay kikilalanin ng Amerika ang
kasarinlan ng ating bansa.
• Nakipagkita si Aguinaldo kay Spencer Pratt,
consul ng Amerika sa Singapore at hinimok
siya na makipag-alyansa sa mga Amerikano
laban sa mga Espanyol.
• Ang pagpapasabog sa USS Maine sa Havana,
Cuba na kagagawan umano ng Espanyol ang
dahilan ng digmaang Amerika at Spain.
• Kay Komodor George Dewey sasabay si
Aguinaldo pabalik ng Pilipinas subalit hindi na
niya ito inabutan sa Hong Kong.
• Tinulungan ni Rounseville Wildman, consul ng
Hong Kong si Aguinaldo para makabalik sa
Pilipinas.
• Sakay si Aguinaldo ng barkong McCulloch
pauwing Pilipinas noong ika-19 ng Mayo 1898.
• Sa pagbabalik ni Aguinaldo sa Pilipinas,
nakipagkita siya kay Komodor George Dewey
na nagsabing walang intensyon ang Amerika na
sakupin ang Pilipinas.
• Noong Mayo 24, 1898- itinatag ni Aguinaldo ang
Pamahalaang Diktaturyal na pumalit sa
Republika ng Biak-na-Bato.
• Hunyo 12, 1898-ipinahayag ang kalayaan ng
Pilipinas sa bahay ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite.
• Isinagawa ito upang lumakas ang loob ng mga
Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.
• Hunyo 23, 1898- itinatag naman ni Aguinaldo
ang Pamahalaang Rebolusyonaryo.
Ang Huwad na Labanan sa Maynila
• Nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan nina
Heneral Greene, Admiral Dewey at
Gobernador Heneral Fermin Jaudenes ng
Spain na magkakaroon ng huwad na
labanan sa pagitan ng Amerikano at mga
Espanyol.
• Susuko ang mga Espanyol sa mga
Amerikano at hindi papayagang makapasok
ang mga Pilipino sa loob ng Intramuros.
• Nangyari ang huwad na labanan sa Maynila
noong Agosto 23, 1898.
• Pagtatatag ng Republika ng
Pilipinas
-Agosto 22, 1898 - inilipat ni Aguinaldo ang
punong lungsod ng pamahalaan sa Malolos.
-nagkaroon ng halalan sa Kongreso ng Pilipinas
na pinasinayaan noong ika-15 ng Setyembre
1898.
-nagsimulang bumuo ng isang konstitusyon
nang sumunod na buwan.
-iprinoklama ito noong ika-21 ng Enero 1899.
• Ano ang kahalagahan ng Konstitusyon ng
Malolos?
-ang Konstitusyon sa Malolos ay ang unang
mahalagang dokumento na binuo ng
kinatawan ng mga Pilipino.
-ika-23 ng Enero, 1899- pinasinayaan ang
Republika ng Pilipinas at si Hen. Emilio
Aguinaldo ang naging unang pangulo.
• Bakit mahalaga ang pagtatatag ng Pilipinas
bilang republika?
-ito ang pinakaunang Republika sa Asya at
naging inspirasyon sa ibang bansa na
makawala sa pananakop ng mga kanluranin.
• Bakit itinatag ang Iglesia Filipina
Independiente?
Iglesia Filipina Independiente
• Ito ay nabuo para:
-magkaroon ng pambansang simbahan
-maalis ang impluwensya ng mga
prayle
Paano ito nagsimula?
- Nagsulat si Apolinario Mabini ng manipesto
na dapat magtatag pambansang simbahan.
• Ano ang nangyari sa pulong?
-Binuo nila ang Konstitusyon ng
Simbahang Pilipino.
1. Bawal ang mga obispong
dayuhan.
2. Tinanggal nila ang kontrol ng mga
simbahan sa pamamahala ng
Espanyol.
Ikalawang Yugto ng Himagsikan:
Ang Digmaang Pilipino-Amerikano
-nagsimulang magkatuwang ang mga Pilipino at
mga Amerikano laban sa mga Espanyol.
-kailangan ng mga Amerikano ang mga Pilipino
dahil wala silang hukbong panlupa na lalaban sa
mga Espanyol.
-Disyembre 10, 1898- inilipat ng Spain ang
Pilipinas sa kapangyarihan ng Amerika sa ilalim
ng Kasunduan sa Paris.
Kasunduan sa Paris:
1. Kinikilala ng Spain ang Kasarinlan ng
Cuba.
2. Inililipat din ng Spain ang Pilipinas, Puerto
Rico at Guam sa Amerika.
3. Binayaran ng Amerika ang Spain ng
halagang $20,000,000.
-Disyembre 21,
1898- ipinalabas ni Pangulong
McKinley ang kanyang proklamasyong
Benevolent Assimilation
• Ano ang Benevolent Assimilation
Proclamation?
-sa pamamagitan ng proklamasyong ito, paiiralin
ng Amerika ang kapangyarihan nito sa Pilipinas.
-inutusan ni Pangulong McKinley ang kanyang
mga heneral na sakupin ang ibang bahagi ng
bansa
Paano nagsimula ang Digmaang PilipinoAmerikano?
-sumiklab ito noong Pebrero 4, 1899 nang paputukan ni
Private Willie Grayson, isang sundalong Amerikano, ang
dalawang Pilipino sa paligid ng Blockhouse No. 7 sa
Maynila at gumanti ng putok ang mga Pilipinong
sundalo.
-kinabukasan, inutusan ni Heneral Elwell Otis na simulan
ng mga Amerikano ang opensiba laban sa mga Pilipino.
-humiling ng tigil-putukan si Aguinaldo upang
magkaroon ng imbestigasyon at sinabing hindi niya
inutusan ang mga sundalong magpaputok, subalit sinabi
ni Heneral Otis na, “ngayong nagsimula na ang labanan,
dapat humantong ito sa katapusan.”