Lingguhang Tunguhin Baitang 7

Download Report

Transcript Lingguhang Tunguhin Baitang 7

Mga Lingguhang Tunguhin
Baitang 7
Una at Ikalawang Markahan
ANG LINGGUHANG TUNGUHIN SA
INYONG MGA LESSON PLAN
ANG LINGGUHANG TUNGUHIN SA
INYONG MGA LESSON PLAN
ANG LINGGUHANG TUNGUHIN SA
INYONG MGA LESSON PLAN
Batayang
Kakayahan
Pamantayang
Pangnilalaman
PN2Aa
Markahan
Lingguhang
Tunguhin
PAG-UNAWA sa NAPAKINGGAN (PN)
Unang Markahan
A. Nahihinuha ang konteksto ng pinakikinggan ayon sa lugar, kausap, at
paksa
a. Naitatala ang mahahalagang impormasyon ng narinig na akda
b. Nasasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa akdang narinig
c. Naibibigay ang paksa ng akdang narinig
d. Nakapagtataya ng katapusan ng akdang pinakikinggan
B. Naisasaayos ang mga ideya o impormasyong napakinggan
a. Natutukoy ang mga detalye ng napakinggang teksto
b. Nakagagawa ng banghay ayon sa tekstong narinig
c. Nakagagawa ng banghay na mas masinsin at detalyado ayon sa tekstong
narinig
d. Nakabubuo ng mga tanong na susukat sa pang-unawa at mga tanong na
nakapagbibigay hinuha
PAG-UNAWA sa NAPAKINGGAN (PN)
Ikalawang Markahan
A. Nakalilikom ng mahahalagang impormasyon mula sa media (radyo,
telebisyon, pahayagan, at iba pa)
a. Nakapagtatala ng mga detalye ng napakinggang media
b. Nahihimay ang mga detalye ng napakinggang media at nakapagbibigay ng
ibang pagtingin dito
c. Nakapagbibigay ng kuro-kuro, saloobin, at pananaw tungkol sa narinig
d. Nakapagbibigay ng pagsang-ayon o pagtanggi sa napakinggan
e. Natutukoy ang mga napapanahong isyu mula sa narinig at nakapagbibigay
ng pananaw tungkol dito
f. Nailalahad ang saysay at kabuluhan ng napakinggang media
PAGSASALITA (PA)
Unang Markahan
A. Nakabubuo ng mga pahayag na naglalarawan, nagsasalaysay,
naglalahad, at nangangatwiran
a. Malinaw na nakapaglalarawan ng mga bagay sa paligid
b. Malinaw na nakapaglalarawan ng mga pangyayari
c. Nakapasasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay
d. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa buhay ng ibang tao
e. Nakagagamit ng mga angkop na salita sa paglalahad
f. Nakabubuo ng mga katwiran mula sa nakuhang detalye
B. Nagpapahayag ng damdamin, ideya, opinyon, at mensahe gamit ang
malilinaw na pangungusap
a. Nakapagpapahayag ng damdamin tungkol sa mga tauhan ng akda
b. Nakapagbibigay- puna sa mga ginawa at desisyon ng mga tauhan sa akda
PAGSASALITA (PA)
Ikalawang Markahan
A. Nakapagsasalita nang may maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari/ideya
a. Naaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang akda
b. Napagsusunod-sunod ang mga detalye ng isang pangyayari
c. Naaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa sariling buhay
d. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa buhay ng ibang tao
B. Nagpapamalas ng organisadong pag-iisip sa pagsasalita
a. Nasisisinsin ang mga ideya at pangyayari upang makuha ang nilalaman nito
b. Napagbubulayan ang mga napakinggan
c. Nasasabi nang may kaayusan ang mga pangyayari sa isang akda
d. Naisasaayos ang mga pahayag tungkol sa pangyayari sa paligid
e. Nasasabi nang may kaayusan ang mga pangyayari sa sariling buhay
PAG-UNAWA SA BINASA (PB)
Unang Markahan
A. Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at
pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa teksto at akdang pampanitikan
a. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa isang akda batay sa pagkagamit
sa pangungusap, denotasyon/konotasyon, tindi ng pagpapakahulugan,
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan, at konstekstuwal na
pahiwatig
b. Naipaliliwanag ang pagkakasunodsunod ng mga pangyayari sa isang akda
c. Nakapaglalahad ng pangunahing ideya ng teksto
d. Nakapagbubuod ng tekstong binasa sa tulong ng mga pangunahin at
pantulong na detalye
e. Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa kahihinatnan ng mga pangyayari sa
akda
f. Nakapag-uugnay ng pinakamalapit na sariling karanasan o karanasan ng iba
sa mga karanasang inilahad sa binasa
PAG-UNAWA SA BINASA (PB)
B. Nasusuri ang mga elemento ng alamat at kuwentong bayan
a. Nakapaglalarawan ng mga katangian at damdamin ng mga tauhan sa akdang
binasa
b. Nakapaglalarawan ng mga katangian ng mga tagpuan sa mga akdang binasa
c. Natutukoy ang banghay ng kuwento
d. Nakapaghahambing at nakapagtutulad ng mga katangian ng mga tauhan sa
kuwento
e. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng bawat tauhan sa
kuwento (pangunahing tauhan, pantulong na tauhan, at iba pang tauhan)
f. Nakapagpapaliwanag ng kaangkupan ng mga ikinilos ng tauhan batay sa
kaniyang mga katangian
g. Nakapagpapaliwanag ng kaangkupan ng tagpuan sa paksa ng kuwento
PAG-UNAWA SA BINASA (PB)
C. Nakapaglalahad ng mungkahing solusyon, kongklusyon, paniniwala, at
epekto ng akda sa sarili
a. Nakapagbibigay ng mga opinyon hinggil sa mga akdang binasa
b. Nakapagbabahagi ng epektong pandamdamin ng akda
c. Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa kahihinatnan ng mga pangyayari sa akda
d. Nabibigyan ng halaga ang kasiningan at kabuluhan ng mga tekstong binasa
ayon sa pamantayang pansarili
e. Nakapangangatwiran sa kaangkupan ng pagiging makatotohanan o dimakatotohanan ng binasang akda
f. Nakapagbibigay-hinuha sa pangyayari, kaalaman at pakay/motibo ng may-akda
g. Nagagamit ang mga kaisipang inilahad sa teksto sa pagpapaliwanag o
pagpapahayag ng ibang bagay na nasa labas ng teksto
PAG-UNAWA SA BINASA (PB)
Ikalawang Markahan
A. Nasusuri ang mga elemento ng kuwento
a. Natutukoy ang karaniwang tema ng mga alamat at kuwentong bayan
b. Nailalarawan ang karaniwang katangian ng mga tauhan ng mga alamat at
kuwentong bayan
c. Nailalarawan ang karaniwang katangian ng mga tagpuan ng mga alamat at
kuwentong bayan
d. Natutukoy at napaghahambing ang mga motif ng mga alamat at kuwentong
bayan
e. Nakapagbibigay ng haka sa kung ano ang halaga ng mga alamat at
kuwentong bayan sa mga sinaunang lipunan
PAG-UNAWA SA BINASA (PB)
B. Napaghahambing ang iba’t ibang panitikang rehiyonal
a. Natutukoy ang mga katangian ng panitikan na natatangi sa
bawat rehiyon:
a.) wika
b.) tema at paksa
c.) tauhan
d.) tagpuan
e.) kaisipan
b. Nakikilala ang mga natatanging pangkulturang aspektong nagbibigay-hugis
sa mga panitikan ng bawat rehiyon (hal., heograpiya, uri ng pamumuhay)
c. Natutukoy ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tema at paksa ng mga
panitikan mula sa iba’t ibang rehiyon
d. Nakapagbibigay ng haka sa kung bakit nagkakaiba o nagkakapareho ang
mga panitikan na nasa iba't ibang rehiyon
PAGSULAT (PU)
Unang Markahan
A. Natutukoy ang kaibahan ng pasalita at pasulat na paraan ng wika na
may tuon sa kani-kanilang katangian
a. Natutukoy ang mga katangian ng pasulat na paraan ng wika
b. Napag-iiba ang pasalita at pasulat na paraan ng wika
c. Nakikilala ang payak na paglalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga
simpleng panuring (pang-uri at pang-abay)
d. Nakikilala ang mga paraan para makabuo ng mga matalinghagang
paglalarawan (idyoma at tayutay)
PAGSULAT (PU)
B. Nakasusulat ng isang payak at masining na paglalarawan
a. Natutukoy ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng mabisang talata (mekaniks at
kayarian ng talata)
b. Napag-iiba ang payak at masining na paglalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng
panuring
c. Napag-iiba ang payak at masining na paglalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng
mga tayutay at idyoma
d. Nakasusuri ng mga halimbawa ng mga payak at masining na paglalarawan
e. Nakasusulat ng talatang naglalarawan
f. Nakasusulat ng talatang naglalarawan sa masining na paraan
g. Nakasusulat ng tulang naglalarawan sa tauhang naibigan sa mga tekstong binasa
PAGSULAT (PU)
C. Nagpapahayag ng damdamin, ideya, opinyon, at mensahe gamit ang malilinaw
na pangungusap
a. Nakasusulat ng damdamin, opinyon, mensahe, at ideya
D. Nakasusulat ng simple at organisadong talata
a. Nakasusulat ng simpleng talata
b. Nakasusulat ng simple at organisadong talata
PAGSULAT (PU)
Ikalawang Markahan
A. Nakasusulat ng tekstong nagsasalaysay
a. Nakikilala ang mga katangian ng tekstong nagsasalaysay
b. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga tekstong nagsasalaysay (balita,
talambuhay, atbp.)
c. Nakasusuri ng mga halimbawa ng tekstong nagsasalaysay
d. Natutukoy ang mga katangian ng balita
e. Naiisa-isa ang mga paraan at dapat tandaan sa pagsulat ng balita
f. Nakasusulat ng balita tungkol sa piling pangyayari sa mga tekstong binasa
g. Naiisa-isa ang mga katangian ng kuwento
h. Nakasusuri ng banghay ng kuwento (simula, gitna, at wakas)
i. Nakasusulat ng orihinal na alamat sa anyo ng isang komiks