Transcript microchip
Ang microchip na ito ay ini-implanta o itinuturok sa ilalim ng
balas sa kanang kamay, at balang araw balak itong ilagay sa
ilalim ng noo, para sa mga taong walang kanang kamay ay
malalagyan parin sila ng microchip. Ang tawag sa microchip
na inilalagay sa tao ay tinatawag na VeriChip. Bawat
microchip ay may kaukulang datos na tumutukoy sa kung
kanino ito inimplanta, tulad ng kung ano ang kanyang
pangalan, tirahan, edad, at lahat ng mga datos tungkol sa
kanya. Maging ang microchip na ito ay maaari ding gamitin
sa pag hanap ng isang tao kung sakaling itoy mawala sa
tulong ng antena na nakalagay dito.
Ang microchip na ito ay may sukat na kasing-laki ng butil ng
bigas. Bagamat may mga magagandang maitutulong ang
microchip na ito ay napakaraming tao ang salungat dito, lalo na
ang Simbahang Katoliko. Ayon sa Simbahang Katoliko ay may
bagay ng kayang gawin ang microchip dahil sa itoy itinuturok sa
katawan, hindi daw makakasiguro ang tao na balang araw ay
dadating na ang mga tao ay kokontrolin ng iba ang ating utak
gamit ang signal mula rito, at sinasabi ring ang tao ay maaaring
magkaroon ng walang kamatayang buhay at maaari naring
gamitin ang bagay na ito pra bumuhay ng tao sa hinaharap.
Isa lang ang microchip 666 sa mga bunga na buhat sa mga
kaalaman at pagnanais ng tao na maging perpekto, dahil isa sa
mga pwedeng paggamitan ng bagay na ito ay ang pagkakaroon
ng malawakang paglagpas sa kung hanggang saan lang ang dapat
na alamin lang ng tao. Hindi natin alam , maaaring sa susunod na
30 taon, ay gigising nalang tayo na lahat tayo ay kimokontrol na
ng makinang nooy tayo ang gumawa.
Mulat ba ang mata natin sa mga maaaring maging dulot ng anu
mang ating gagawin?. Dahil marami sa atin ngayon ay lahat
gagawin para lamang makilala at yumaman. Hindi nila iniisip
ang malawakang masamang dulot ng kanilang ginagawa, at isa
ang microchip sa mga imbensyong ito.
Noong 1948 nailimbag ang librong Cybernetics ni
Norbert Weiner, na tumutukoy sa “neurological
communication” o ang komunikasyon sa pagitan ng utak
lamang at ang pag control sa utak ng tao gamit ang mga
chips.
Ang unang operasyon ng pag implanta sa utak ng tao ay
isinagawa noong 1974 sa estado ng Ohio, USA at sa
Stockholm, Sweden. Ang chip na ito ay tinatawag na
Brain electrodes na ipinasok sa bungo ng mga sanggol
kahit hindi ipinaalam sa mga magulang ng mga ito noong
1946. Noong 1950s at 1960s, ginagamit ang chips para
makontrol ang mga nilagyan nito. Sa katunayan, ang mga
ganitong uri ng gamit ay ginawa lamang para sa mga
hayop lang, ginagamit ito para malaman ang
kinaroroonan at kung sino ang nagmamay-ari ditto.
Tatlumpong taon na ang nakakaraan na makita ito sa
X-ray na may sukat lamang na isang sentimetro. Ang
mga sumunod na ini-implanta ay may sukat na na
kasing laki lang ng isang butil ng bigas. Gumawa sila
ng uri nito na gawa sa silicon, at sumunod ang
Gallium Arsenide. Higit na naipalawak ang pag-aaral
tungkol sa microchip dahil nilalagay narin ito sa leeg
o sa likod, o kaya sa alin mang bahagi ng katawan na
naisin ng nagpapalagay. Pag nailagay na ang
microchip sa katawan ng tao ay halos imposible na
itong matagpuan o tanggalin dahil itoy humahalo na
sa laman at nagiging parang cell ng tao.
Bagamat itoy ginawa at naimbento para makatulong sa
tao, hindi ito maaaring tumukoy sa pag sama ng
teknolohiya at buhay ng tao. Kahit may mga taong
mismoy may kailangan sa kagamitang ito, tulad ng mga
matatanda sa ilang bahagi ng amerika, kailangan nila ito
para makatulong sa pag –alala ng mga bagay, dahil
karamihan sa kanila ay may Alzheimer's Disease o sakit
ng pagkalimot.
Kahit maganda ang pag gamit nito ay may magandang
dulot para sa iilang pagkakataon lamang, malalaman din
natin ang mga detalyeng kaugnay at nasa likod ng
usaping hindi dapat nating balewalain dahil itoy may
malaking kaugnayan sa atin miso at sa mundong ating
ginagalawan.
Suliranin
Kung anu-ano pa ba ang mga positibo at negatibong dala ng
pag tuturok ng microchip 666 at ano ang mga magiging
reaksyon ng tao tungkol dito. Ang mga mahahalagang
katanungan na kinakailangan ng kasagutan na kailangan
nating malam tungkol sa microchip ay ang mga sumusunod:
•Bakit may mga taong sang-ayon sa pag gamit ng microchip
sa tao?
•Bakit may mga sumasalungat ditto?
•Paano makiki-alam ang tao sa usaping ito?
•Paano ito inilalagay sa katawan ng tao?
•Anu-ano ba ang mga magagandang dulot nito sa tao?
•Anu-ano rin ang mga negatibong dulot nito?
Layunin
Ang layunin n gaming pananaliksik ay upang maging
malinaw sa atin ang mga detalyeng kakibat at nasa
likod ng tinatawag na microchip 666. Isa-isahin ang
mga positibong gamit nito sa mundo, at paano ito
makakatulong sa pagtaas ng antas ng kalidad ng
buhay, at kung mga negatibong dulot ay ang mga
dahilan ng pagtuligsa at pagsalungat sa ganitong uri ng
device na isang likha ng syensya, at para narin nating
balansehin ang dalawang panig tungkol sa usaping
gaya nito. Ang mga inaasahang malaman sa aming
pananaliksik ay ang mga sumusunod:
•Malaman ang mga negatibo at positibong dulot ng
pag implanta ng microchip sa tao.
•Malaman ang mga impormasyon kung bakit ito
kailangan ng tao.
•Malulutas ang mga problema kung itoy tuluyang
mapalaganap sa lahat.
Mga kaugnay na pag-aaral at Literatura
Ayon sa ulat ni Jessica Soho
Mga kaugnay na pag-aaral at Literatura
Ayon sa ulat ni Pelikulang Wall-E