Wika Natin ang Daang Matuwid at ang Buwan ng Wikang Pambansa

Download Report

Transcript Wika Natin ang Daang Matuwid at ang Buwan ng Wikang Pambansa

Buwan ng Wikang Pambansa 2013
Tema: Wika Natin ang Daang Matuwid
Daang Matuwid: Demistipikasyon ng Katuturan sa
Hulagway at Danas ng Panlipunang Pagbabanyuhay
Assoc. Prof. Adriano Dela Cruz Balagot
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina
Pagtahak sa matuwid na landas ang krusada ng
Administrasyong ng Pangulong Aquino. Isang pagtatangkang
bumalikwas sa malaon nang balikukong sistema ng
pamamahalang umiiral sa Pilipinong Bayan. Ideyolohiyang
waring suntok sa buwan sa unang tingin sanhi nang malalang
sakit ng lipunan.
Waring imposible subalit, higit naman itong mainam kaysa
naman walang pagsusulong o pagtatangkang gibain ang
matibay na pader ng korapsyon na panahon pa ng mga
Kastilang mananakop ay umiiral na sa ating bayan, at sa
paglipas nang panahon ay waring isang sakit na patuloy na
lumalala bunga nang kawalan ng mga pagtatangkang
lapatan ito ng angkop na lunas, ugat na rin marahil nito ang
pakinabang na nakukuha sa ganitong kalakaran.
Hindi madali ang pagtatangkang ito, matibay na suhay ang
kailangan ng lipunan upang ganap na maituga ang bayan sa
pronaos ng katotohanan, katuwiran at paggalang sa
karapatang pantao. Isang lipunang ligtas sa mga banta ng
salot na likha ng itinuturing na pinakamataas na uri ng
hayop na nabubuhay sa daigdig, ang tao.
Nilikha ng makapangyarihang mga Kamay upang
pamahalaan ang mga nilalang na higit na mababa batay sa
kaniyang pagtatakda. Ngunit sa kabila ng kababaang ito
batay na rin sa pagtingin ng mga tinatawag na tao, naroroon
ang nakakubling katotohanan na ang kanilang pag-iral ay
ugat ng pagkakabalanse ng ebolusyon at inbolusyon ng
buhay. Sabi nga sa matandang palapahaman (pilosopiya)
ng buhay “Everthing Flows, Everything Connects”.
Nauunawaan ng tao ang lahat ng mga danas na ito sa
pagitan ng mga negatibo at positibong daloy ng enerhiya ng
wika.
Wika ang lawas na padaluyan ng pamahalaan upang
ipaunawa sa mamamayan ang kaniyang mga layunin na
magsusulong ng interes ng mga ito. Malaki at lubhang
mahalaga ang gampanin ng wika sa pagtatangka ng
pamahalaan na isulong ang krusada nito, ang “daang
matuwid”. Ito rin ang nagsisilbing tundos na magsasaysay
kung bigo o tagumpay ang pamahalaan sa kaniyang mga
balakin para bayan.
Pinatotohanan lamang ng mga naunang pahayag ang laki at
lawak ng gahum (kapangyarihan) ng wika. Isang lakas na
na maaaring magdala sa tao sa pinakamataas na pedestal
ng kaligayahan at magbaon sa kaniya sa hades ng
kabiguan.
Daang Matuwid sa Bisa ng Salita
Pinagsamang unlaping “ma at salitang ugat na tuwid”. Ang
“ma” ay isang halimbawa ng di malayang morpema ngunit
kapag isinaman sa salitang ugat ay nakapagdaragdag ng
denotasyon o konotasyon nito. Ang “tuwid” naman sa
kabilang banda ay maikakawing sa porma o pagiging diretso
ng isang bagay.
Kung pakasisipating mabuti, ang pagtatagpo ng di malayang
morpemang “ma” at malayang morpema o salitang ugat na
“tuwid” ay mahihiwatigang nagkaroon ng panibagong kahulugan
ang salita. Mula sa pagiging katangian ng isang bagay ay
tumawid ang nabuong salita sa pag-uugnay nito sa kaaya-ayang
katangian ng tao.
Pagiging walang bahid-dungis, may taglay na kaalaman at
karunungang na magagamit sa matalinong pagtitimbang-timbang
sa pagitan ng mga kabulaanan, katotohanan at katuwiran.
Matarong o kadalisayan ng katuwirang hindi pa naabot ng
sinoman na pinatotohanan din naman ng mga teksto sa Banal na
Kasulatan (Roma 3:10).
Sa kabilang banda naman, ang ugnzyan ng mga salitang “Daang
Matuwid” ay isang signipikasyon lamang ng konotatatibong
kahulugan nito. Hindi ito maikakawing sa denotasyon ng
salitang tuwid (straight) kahit na ito ay tumutukoy pa sa salitang
landas o daan, dahil kung tutuusin, wala naman talagang bagay
na maituturing na perpekto ang pagiging tuwid. Anomang bagay
na inaakala ng tao na ito ay tuwid batay sa kaniyang sukat at
sipat, ang totoo ay hindi talaga ito perpekto. Hindi na kailangang
pagtalunan pa ang puntong ito, sapagkat napatunayan na sa
pamamagitan ng mga makabagong instrumentong pang-agham
ang katotohanan hinggil sa argumentong ito.
Sa
pag-uugnay
ng
denotatibo
at
konotatibong
pagpapakahulugan sa mga salitang bahagi ng islogan ng
Administrasyon ng Pangulong Aquino, lutang sa lawas nito ang
hulagway (larawan) ng isang abstraktong ideya na maituturing
na isang relatibong perspektiba at mahirap o maaaring hindi
kakiktaan ng unibersal na pagpapakahulugan.
Ito ay sa dahilang ang mga terminong ginamit patikular ang
salitang matuwid ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang
pagpapakahulugan depende sa interes ng gumagamit ng salita
na nagtatakda ng pagitan sa essensiya ng salita at karakter ng
tao. Nangangahulugan lamang ito na ang diwa ng salita kung
minsan ay pilit na iniaangkop ng tao sa mga sitwasyong
paborable sa kaniya.
Magkagayonman, sa likod ng pagkakaiba ng
pagsipat at paglalapat ng essensiya at
kahulugan ng salita, malinaw na mahihinuha sa
mensahe ng islogan ng kasalukuyang
Administrasyon ang pahiwatig ng pagbaklas sa
iba’t ibang imahe ng korapsyon sa bansa.
Isang
panimula
na
kung
ganap
na
maisasakatuparan batay sa taglay na
kahulugan at esensiya ng salita ay maituturing
na makabuluhang saysay ng pagtatangka tungo
sa paghuhunos ng imahe ng pamamahala sa
Lipunang Pilipino.
Ang Pagtawid sa Daang Matuwid sa Gitna ng
Engkanto ng Ibong Adarna
Sa bahaging ito ay hayaang ninyong hiramin ko ang ilang
pahayag na binigkas ni Prop. Joel C. Malabanan ng Philippine
Normal University sa SALIKSIKAN 2013 na ginanap noong
Agosto 2, 2013 sa Pontifical and Royal University of Santo
Tomas sa Espaňa, Maynila.
Tinuran ni Prop. Malabanan na hanggang sa kasalukuyan
ay buhay na buhay pa rin ang kapangyarihan ng Ibong
Adarna, isa sa buhay na patunay nito sa kasalukuyan ay
ang walang kaabug-abog na pagyakap ng mga kabataang
Pilipino sa rumaragasang K-POP. Ayon pa sa kniay,
maging ang mga lingkod ng akademiya ay nakikisawsaw na
rin sa gusto ng mga kabataang mag-aral.
Kung babalikan natin ang kasaysayan ng ating sintang
Pilipinas, mauunawaang hindi lamang tayo miminsang
naengkanto ng awit ng Ibong Adarna. Mahihiwatigan ang mga
danas na ito sa mga hibla ng kasaysayang ambag ng pagpasok
ng mga Kastila, Hapon hanggang sa mga Amerikanong
Kolonisador sa ating bansa. Waring naging bato ang daloy ng
taal na kultura ng mga puod sa lipunang Pilipino sa mga
panahong ito.
.
Ang mga banwa (bayan) ay unti-unting niyakap ang tradisyong
dala ng mga kolonisador, dahilan upang ang
taal na
etnosentrikong kalagayan ng bawat puod ay unti-unting
nalusaw sanhi ng malasigwang pagpasok ng mga
impluwensiyang dala ng mga taga-Kalunuran (Kanluran).
Malinaw ang isinigawang pagsasaysay ni Zeus Salazar sa
kaniyang aklat na Pantayong Pananaw hinggil dito, habang si
Virgilio Enriquez naman ay sinikap na dalumatin ang mga
paksang kaugnay nito sa kaniyang aklat na Sikolohiyang
Pilipino.
Bunga na rin marahil ng mga pangamba at mahigpit na sensura
sa mga panahon ng pagkakasakop, may mangilan-ngilang
manunulat na nagtangkang ikubli sa mga talinhaga ng awit, tula
at iba pang mga anyo ng akda ang kanilang mga paghahayag
ng mga isyung panlipunan na patuloy na yumuyurak sa dangal
ng bayan at mamamayan.
Magkagayonman, ang mga pagtatangkang ito ay hindi naging
matibay na daan upang makabalikwas ang mamamayan sa
mga aninong dala ng mga dayuhan, na bagama’t tapos na ang
kanilang pamamalakaya sa mga puod ng Pilipinas ay nag-iwan
naman ng mga kultura at tradisyong ang mga impluho ay hindi
o mahirap na mabaklas ng panahon.
Sa mga nabanggit na pangkat ng mga kolonisador, ang
pinakahuli bagama’t hindi kasing haba ng mga Kastila ang
panahong ipinamalagi sa Pilipinas ay masasabing higit ang
taglay na lakas nang kapangyarihan ng pagkakaengkanto sa
Lipunang Pilipino. Malalim ang pagkakabaon nito sa
damadamin at malay (DAMLAY) ng mga mamamayan, mula sa
wika, edukasyon at kalakalan at sistema ng pamumuhay. Mga
impluwensiyang tagos sa pagkataong-loob ng mga Pilipino,
dahilan upang maging mababa ang kaniyang pagtingin sa mga
angking kalinangan at maging sa sariling wika.
Kung sasaysayin nga ang takbo ng pagkataong-loob ng mga
Pilipino sa kasalukuyan na naengkanto ng mga kalahi ni Uncle
Sam, lilitaw ang katotohanang ang mga ito na isang lahing
taglay ang katawang Oryental ngunit ang diwa ay makaKanluran. Waring ipinahihiwatig pa nga ng ilan sa mga ito na
labis-labis ang pagsamba sa wikang dala ng mga sugo ni Uncle
Sam, na kapag hindi ka makapagsasalita sa wikang ipinasuso
nila sa liping kayumanggi ay may mga pagtuturing na ikaw ay
mahina o bobo na para bang tanging ang wikang ito lamang
ang pamantayan ng talino ng tao.
Isa pa sa malakas ang kapangyarihan ng dalang engkanto ay
ang nabanggit ko na sa unang talata ng bahaging ito ng talakay.
Ito ang mabilis na pagpasok ng K-POP sa kamalayan ng mga
Pilipino, patikular na ang mga kabataan. Sa katotohanan,
maging sa ilang mga programa sa mga institusyon at akademya
sa Pilipinas ay mararamdaman ang lakas kapangyarihan ng
engkantong dala nito. Maging si Asst. Secretary Dr. Eric Tayag
ng Department of Health ay waring libang na libang sa
paggamit ng mga nakaeengkantong awitin ng mga Koreanong
mang-aawit bilang bahagi ng ng isinusulong na mga programa
ng naturang Departamento.
Ngunit, sa personal kong pagsasapantaha, maaari rin namang
tingnan sa positibong sipat-dalumat ang malasigwang
pagpasok na ito ng K-POP sa kamalayan ng mga kabataang
Pilipino. Kung magpapatuloy ang ganitong pagpapatianod sa
kasalukuyang agos ng kulturang popular na dala ng mga
Koreano sa ating bansa, maituturing itong abstraktong
pagbalikwas ng kamalayan mula sa mga aninong dala ng mga
Kanluranin. Maaari rin itong maging landas patungo sa lagusan
ng “Asyanong Pananaw” na sa kalaunan ay posibleng
maghawan sa mga balakid ng isang tiyak na daan patungo sa
“Pantayong Pananaw”.
Ang mga inihatag sa mga naunang talata ay pawang
pagkalahatang konseptong kaugnay ng pagkakaengkanto ng
mamamayang Pilipino sa makapangyarihang awit ng Ibong
Adarna na nakasakay sa mga ipinayakap na gawi, kultura at
tradisyon na dala ng mga kolonisador at ngayon ay pumapasok
na rin sa arenang ito ang ilan sa mga karatig bansa natin sa
Asya.
Mga aninong patuloy na gumagalaw at nagpapagalaw sa sa
mga hibla ng kamalayan o pagkataong-loob ng lahing
kayumanggi, dahilan upang manatiling bato na waring walang
nagtatangkang magbuhos ng tubig upang makalaya sa sumpa
ng engkatong na ngayon ay nakabaon sa hulagway ng lahing
nanahan sa Lupaing Perlas ng Silangan.
Ang tanong ngayon ay ito. Paanong mapalalaya sa mga
pagkakaengkantong ito ang mamamayan ng Pilipinas?
Kasama ba ang mga usaping ito sa mga binalangkas na
programa ng kasalukuyang administrasyon?
Wika Natin ang Daang Matuwid at ang Buwan ng Wikang
Pambansa
Sa bisa ng Proklamasyon Blg.1041 na nilagdan noong Enero
15, 1997 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na nagtatakda
nang pagbabago sa haba ng selebrasyon ng Wikang
Pambansa. Mula sa kinagawiang Linggo ng Wika ay ginawa na
itong Buwan ng Wikang Pambansa na naglalyong higit na
mapatatag ang Filipino bilang Wikang Pambansa at upang higit
na magkaroon nang sapat na oras at panahon upang
maisulong ang mga progrmang pangwika ng bansa.
Nakaangkla
sa
mismong
islogan
ng
kasalukuyang
Administrasyon ang tema para sa selebrasyon ng Buwan ng
Wikang Pambansa sa taong ito. “Wika Natin ang Daang
Matuwid”, ibinabando ng pamahalaang Aquino bilang
tuntungang pahayag ng kaniyang Administrasyon upang
sugpuin ang mga tiwaling opisyal at tapusin ang bulok na
sistema ng pamamalakad ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Mabigat ang hamon ng mga salitang nakapaloob sa temang
inihatag ng KWF, hindi lamang ito tumtugon sa karakter ng
tagapamahala manapa’y waring isa rin itong banta para sa mga
opisyal na lihis sa tungtungang prinsipyo ng pamahalaan ang
uri ng pamamahala. Ipinahihiwatig din nito na walang puwang
sa kasalukuyang pamahalaan ang hindi kaisa at sasabay sa
pagtahak sa nabanggit na landas.
Subalit’, ang malaking katanungan ngayon para sa panig ng mga
namamahala sa KWF ay kung paano at ano-ano ang mga angkop
na programang kanilang isasakatuparan upang makatawid sa
Matuwid na Landas ang Filipino bilang isang malakas at matatag
na wika ng bansa at pampagtuturo?
Hindi lamang ng mga asignaturang Filipino kundi maging ng iba
pang mga aralin. Subalit ang ganitong pagtingin ay taliwas sa
kasulukuyang realidad, sapagkat tila lumilitaw na sekondaryang
wika na lamang ang Filipino sa akdemya at nakapanganambang
tuluyang maglaho sa antas tersaryo pagpasok ng taong 2016 na
nagtatakda ng ganap na pagpapatupad ng K to 12 Curriculum ng
Departamento ng Edukasyon.
Nasaan kung gayon ang esensiya ng temang ito kung walang
paghahatag nang matibay na paninindigan at polisiyang
pangwika ang mga tao at ahensiyang kasangkot upang ganap
na maisulong ang interes ng Wikang Filipino bilang
Pambansang Wika, asignatura at wikang panturo, na una
nang nalagay sa kahiya-hiyang estado bunga ng ibinabang
language policy ng Administrasyong Arroyo.
Marahil, ang tugon dito ng pamahalaan ay ang programang K to
12.
Nakalulungkot isipin, subalit lantad na katotohanan na ang
taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ay waring
isang ritwal na lamang bunga ng mga programa ng pamahalaan
at mga institusyong akademiko na walang tiyak na direksyon na
makapagtutuga sa pagtitiyak ng kalagayan ng Wikang Filipino.
Totoong bahagi ng Wikang Filipino ang mga salitang “Daang
Matuwid” ngunit nasaan ang kahulugan nito sa mga programa ng
pamahalaan kaugnay ng mga isyung pangwika. Kung walang
pagkilos na magaganap upang maiayos ang kasalukuyang bakobakong landas ng Wikang Filipino sanhi nang kawalan nang
matatag na polisiyang pangwika ng pamahalaan.
KONKLUSYON
SA DARATING NA PANAHON…
Hindi tayo tatanungin sa ganitong
paraan: Bakit hindi ikaw si Moises?
Manapay
ganito
katanungan:
ang
Bakit hindi ka na si Adrian?
magiging
Maraming Salamat Po!