Ang Sining ng Tribong Manobo sa Munisipalidad ng Don Carlos

Download Report

Transcript Ang Sining ng Tribong Manobo sa Munisipalidad ng Don Carlos

Maayad ha aldaw alan!
Magandang araw sa lahat!
A pleasant day to all!
Ang Materyal at Di Materyal na Kultura
ng Tribong Manobo sa Don Carlos,
Bukidnon
Julie Ann C. Asari–Orobia
Central Mindanao University
Musuan, Maramag, Bukidnon
[email protected]
Introduksyon
Bawat kultura ay lumilikha at kumikilala
ng simbolong kumakatawan sa tribong
nagmamay-ari niyon. Ito ay sapagkat, ang bawat
simbolo ay sumasagisag sa pangangailangang
gamit, kaugalian, institusyon, pananampalataya,
laro, sining at wika (Kaykottak: 2000).
Bawat bansa sa buong daigdig ay may
kani-kaniyang kultura sa iba’t ibang larangan ng
buhay mula sa pagsilang hanggang kamatayan.
Produkto itong napagkasunduan samakatwid,
sinasang-ayunang pakikipamuhay ng bawat
miyembro ng tribo. Sa Pilipinas, malaki ang
papel ng mga Aeta, Indones, Malaya, Hindu,
Arabo, Intsik, Kastila, at Amerikano sa
kabuuang kultura ng mga Pilipino.
Matatagpuan ang mga Manobo sa hilagang
Mindanao sa mga lalawigan ng Camiguin, Talakag,
Cagayan, Bukidnon at Misamis Oriental.. Mula sa
salitang Mansuba ang pangalan ng Manobo ay
nangangahulugang “man” o tao at “suba” o ilog.
Samakatwid, tinatawag silang taong taga-ilog.
Samantala, sinasabi ng iba na hinango rin ito sa
pangalan ng isang sapa na “Banobo” na dumadaloy sa
ilog Pulangi mahigit sa dalawanlibong kilometro (2,000
kms.) papuntang lungsod ng Cotabato. Ang iba pang
kahulugan nito ay man o una (aboriginal) at tuvu o tubo
(growth) Ang wika ng Manobo ay kumakatawan sa
kanilang grupong kinabibilangan (De leon, 2010).
Paglalahad ng Layunin at Tiyak na Suliranin
Layunin ng pag-aaral na kolektahin, isatitik,
samakatwid ay gawan ng dokumentasyon ang materyal
at di materyal na kultura ng tribong Manobo sa Don
Carlos, Bukidnon upang makatulong sa preserbasyon ng
kultura, paniniwala, kaugalian at tradisyon ng tribong
ito. Sa pananaliksik na ito, inisa-isa, binigyangkahulugan at inilarawan ang mga materyal na
komponent ng kultura saka iniugnay sa di materyal na
kultura ng tribo partikular na ang kulay, guhit/disenyo at
hugis ng mga kasangkapan, damit, mga instrumentong
pangmusika at gamit sa pampananampalataya,
pangkabuhayan, pangkasayahan at pantahanan.
Narito ang mga tiyak na katanungang sinagot sa
pananaliksik na ito:
1.1.1
Anong mga bagay na bahagi ng
materyal na kultura ng mga Manobo sa Don Carlos,
Bukidnon ang ginagamit sa mga sumusunod na
aspekto ng kanilang pamumuhay –
1.1.1.1
pananampalataya, (ritwal)
1.1.1.2
pangkabuhayan,
1.1.1.3
pangkasayahan, (musika,
pagdiriwang, iba’t ibang sayaw)
1.1.1.4
pantahanan?
1.1.2 Ano ang inirerepresenta ng bawat bagay
sa kultura ng mga Manobo? Ano ang
kahulugan ng mga kulay, guhit o disenyo, at
hugis?
1.1.3 Anong mga paniniwala ng mga Manobo
ang nasa likod ng mga nabanggit na materyal
na kultura? Ano ang mga dahilan sa nasabing
mga paniniwala?
Batayang Teoretikal
Kultura ang sentro ng antropolohiya. Sinusuri
dito ang kabuuang mga elemento, gawain ng tao at
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito. Sa konteksto ng
cultural relativism, isinaalang-alang ang bawat
kultura na kakaiba at natatangi ngunit walang
nakahihigit o mababa. Sinusuri sa panukatang ito
ang mga kaugaliang kultural saka isinasalang ang
mga kaso na dapat hatulan kung tama o mali.
Binigyang pansin ni Franz Boas na “napakahalaga
ang pangangalap ng mga salita sa katutubong wika”.
.
Idinagdag pa ni Claude Levi-Strauss na
mahalagang siyasatin ang relasyon o kaugnayan
ng iba’t ibang komponent ng kultura. Lalo pa
itong pinagtibay ng “structural functionalism”
na teorya ni Emile Durkheim na sumuri sa
lipunan sa oryentasyong makro. Hinanapan ng
sagot nito ang mga tanong na “Ano ang
nagpapanatili at bumubuo sa lipunan? Paano
tumutulong ang isang kaanib sa pagbuo ng
lipunan? Paano pinahahalagahan ang relihiyon
bilang positibong elemento sa pagbuo ng lipunan?
Mahalagang alamin dito at ingatan ang mga
paniniwala ng mga sagradong bagay tulad ng
krus, simbahan, lider, bibiliya, atbp.
Mahalaga ring siyasatin ang
mayamang tekstura ng mga kultural
na pagdiriwang sa punto de bista ng
emic na perspektibo. Mahalaga sa
teoryang ito ang “interpretasyon”
ng pangyayari at hindi ang
pinagmulan o ebolusyon ng mga
bagay-bagay. Iniambag sa teoryang
ito ang pag-unawa sa kultura bilang
“isang modelo ng at para sa
daigdig” (Rosman, 2001, p. 15).
Pinagtibay ang di matatawarang ugnayan ng kultura at
wika sa “Sapir-Whorf hypothesis” na kombinasyong
konsepto ng linguistic determinism na nagsasaad na
hinuhubog ng wika ang paraan ng ating pag-iisip at ang
linguistic relativity na sinasabing ang mga distingsyong
natatangi sa isang wika ay maaaring hindi matagpuan sa
iba pang wika. Bawat wika ay may kanyang kakanyahan.
Linguistic Determinism
Kultura
Structural-Functionalism
Sapir-Whorf
Hypothesis
(1929-1939)
Cultural Relativism
Manobo
Linguistic Relativity
Figyur 1. Mga Teorya sa Pag-aaral
Ang nukleo ng mga teoryang antropolohikal na
pinahalagahan sa kasalukuyang pananaliksik ay ang ‘SapirWhorf Hypothesis’ na kinilalang “mould theory of
language”. Magkasanib dito ang linguistic determinism ni
Edward Sapir (1929) na nagpahayag na “our thinking is
determined by language”. Sinusugan ito ng kanyang
estudyanteng si Benjamin Whorf (1939) sa kanyang popular
na mga katagang “we dissect nature along lines laid down
by our native languages.”
Mahigpit at nagkakaisa ang
ugnayan ng mga katawagan sa
materyal na kultura at di materyal
na komponent ng kultura ng
tribong Manobo. Bawat isa’y
tumatayong
simbolo
ng
pananampalataya,
kabuhayan,
kasayahan at buhay pantahanan.
Inalam ng mananaliksik ang
kahulugan ng mga ito sa punto de
bista ng katutubo sa tulong at gabay
ng iba pang teorya na ipinakikita sa
Figyur 1.
MANOBO
(DON CARLOS, BUKIDNON)
MATERYAL
NA KULTURA
BATAY SA –
● pananampalataya
● pangkabuhayan
● pangkasayahan
● pantahanan
DI-MATERYAL
NA KULTURA
●KAGAMITAN/
PRODUKTO
●PANANAMIT
●PALAMUTI
P
A
N
I
N
I
W
A
L
A
● kulay
● guhit
● disenyo
KONTEKSTONG KULTURAL
Figyur 2. Paradaym ng Pananaliksik
Materyal na Kultura
1.
Pananampalataya
Di-Materyal na Kultura
angkew
(kagamitan)
kulay
guhit/disenyo
hugis
sungul
(pananamit)
kulay
guhit/disenyo
hugis
Materyal na
Kultura
(Pananampalataya)
Paglalarawan
Di Materyal na
Kultura
Paniniwala
(Kulay)
Di Materyal na
Kultura
Paniniwala
(guhit/disenyo at
hugis)
Kagamitan
Kagamitan
Kagamitan
angkew
Lamesang altar angkew (natural
na kwadrado na
na kulay)
nagsisilbing
pinagdarausan
ng seremonya;
yari ito sa
kahoy o
kawayan at
tinatakpan ng
kulay pulang
tela.
•payak, orihinal, at angkaw (kwadrado)
matibay;
•integridad at
pantay ang
pananaw sa buhay;
•paggalang at
pagmamahal sa
kalikasan
• pagkakabuo ng
paniniwala at paguugnay sa mga diwata o
ispiritu;
•apat na direksyon ng
mundo: hilaga, timog,
kanluran, silangan
Pantali sa
sungul (pula,
beywang o
dilaw, itim)
sinturon na
gawa sa tela na
may kulay pula,
dilaw, at itim.
•tagahatak ng
sungul (pahaba)
kasaganaan at pagunlad;
•kasiyahan, pagasa at kayamanan;
•kahandaan ng
puso upang tupdin
ang
pananampalataya;
•mataimtim na
damdamin
•pagtanaw ng utang na
loob kay Magbabaya;
•humingi ng
kapatawaran
Damit Panritwal
sungul
Materyal na Kultura
2. Pangkabuhayan
garab
(kagamitan)
bukag
(produkto)
karsunsilyu
(damit)
Di-Materyal na Kultura
kulay
guhit/disenyo
hugis
Kulay
Guhit/disenyo
hugis
Kulay
Guhit/disenyo
hugis
Materyal na
Kultura
(Pangkabuhayan
Paglalarawan
Di
Materyal
na
Kultura
Paniniwala
(Kulay)
Kagamitan
Kagamitan
garab
Matalaas na
gamit para sa
pang-aani ng
palay
Garab
(tanso)
•simbolo sa kasiglahan at
kasaganaan;
•pakikipag-ugnayan sa
daigdig ng mga bathala at
ispiritu;
•mabuting kinabukasan at
kasaganaan sa mga susunod
na araw
Buslong may
butas-butas
para lalagyan
ng prutas,
gulay at mga
halamangugat
Bukag
(natural na
kulay ng
kawayan)
• payak,
matibay;
Di Materyal
na Kultura
(Pangkabuhayan)
Paniniwala
(guhit/disenyo at hugis)
Kagamitan
garab
(pahaba o
pakurba)
•pagtanaw ng utang na loob
kay Magbabaya;
•humingi ng kapatawaran;
•iniuugnay ito sa alon o daloy
ng tubig at kabundukan.
•mahinahon na damdamin at
umaayon sa takbo ng buhay;
•kaligayahan at kabaitan sa
kapwa
Produkto
bukag
orihinal,
at bukag
(pabilog na
pahaba)
 integridad at pantay ang
pananaw sa buhay;
 paggalang at
pagmamahal sa kalikasan
 pinagmulan ng kalikasan
gaya ng pananim, halamangugat, at iba pa
 paggalang at
pagmamahal sa kalikasan
•pagtanaw ng utang na loob
kay Magbabaya;
•humingi ng kapatawaran;
•walang katapusan ang buhay
kahit nasa kabilang mundo;
•iniuugnay sa mga mabibilog
na kalikasan gaya ng araw,
buwan, bato at mga bunga;
•pagkakaisa ng tribo at
pagsunod sa tamang
pantuntunan ng asal o paguugali.
Materyal na
Kultura
Paglalarawan
(Pangkabuhayan
Di Materyal
na Kultura
Paniniwala
(Kulay)
Di
Materyal
na Kultura
Paniniwala
(guhit/disenyo at
hugis)
Damit
panggawa
karsunsilyu
Pantalon o
Karsunsilyu
damit pangibaba ng lalaki (itim, lupa,
asul)
kamalasan, panganib
at malubhang sakit;
masamang panahon
ng tagtuyot, bagyo,
baka, pag-atake ng
mga insekto na
pumipinsala sa mga
pananim, at iba pa;
pinagmulan ng
kalikasan gaya ng
pananim, halamangugat at iba pa;
pinagmulan ng
yamang-tubig
Karsunsilyu •pagtanaw ng utang na
loob kay Magbabaya;
(pahaba)
•humingi ng
kapatawaran
Materyal na Kultura
3. Pangkasayahan
ganggan
(kagamitan)
pelupandung
(damit/palamuti)
kelasag
(Gamit pansayaw)
giba
(instrumentong
musikal)
Di-Materyal na Kultura
Kulay
Guhit/disenyo
hugis
Kulay
Guhit/disenyo
hugis
Kulay
Guhit/disenyo
hugis
Kulay
Guhit/disenyo
hugis
Materyal na
Kultura
(Pangkasayahan
Paglalarawan
Di Materyal
na Kultura
Paniniwala
(Kulay)
Kagamitan
kelasag
Di Materyal na
Kultura
Paniniwala
(guhit/disenyo at hugis)
Kagamitan
Pulang tela na
pansapin sa mesa
para latagan ng
mga pagkain,
prutas at iba pang
kagamitan sa
handaan.
kelasag
(iba’t ibang
kulay)
tagahatak ng kasaganaan at
kelasag
pag-unlad;
(pahaba o pabilog)
kasiyahan, pag-asa at
kayamanan;
sekyuridad, pangangalaga, at
pagkakaisa sa langit (asul) at
lupa (berde) na siyang tinitirhan
ng tao;
pagmamahal sa kalikasan,
masaganang ani ng mga
pananim, at proteksyon sa mga
sakit sa tanim;
pagtanaw ng utang na loob kay
Magbabaya;
humingi ng kapatawaran;
walang katapusan ang buhay kahit
nasa kabilang mundo;
iniuugnay sa mga mabibilog na
kalikasan gaya ng araw, buwan,
bato at mga bunga;
pagkakaisa ng tribo at pagsunod sa
tamang pantuntunan ng asal o paguugali.
Uri ng tambol na
balat ng hayop
ang itinakip. Ito ay
hugis trumpo na
may bilog na paa
at may lubid sa
gilid bilang
panghawak ng
instrumento.
giba
(natural na
kulay ng
kahoy)
payak, orihinal, at matibay;
integridad at pantay ang
pananaw sa buhay;
paggalang at pagmamahal sa
kalikasan
may kapangyarihan dahil malakas
ang impluwensya at tagumpay sa
buhay;
umaayon sabuhay dahil hindi
palaging tahimik at matiwasay ang
buhay ng tao;
pananalig sa makapangyarihan
walang katapusan ang buhay kahit
nasa kabilang mundo;
iniuugnay sa mga mabibilog na
kalikasan gaya ng araw, buwan,
bato at mga bunga;
pagkakaisa ng tribo at pagsunod sa
tamang pantuntunan ng asal o paguugali.
Produkto
giba
giba
(pabilog na
pahaba)
Materyal na Kultura
4. Pantahanan
lakap
(bahagi ng bahay)
Di-Materyal na Kultura
Kulay
Guhit/disenyo
hugis
baung
(kagamitan sa bahay )
Kulay
Guhit/disenyo
hugis
diping
(damit pambahay)
Kulay
Guhit/disenyo
hugis
Di
Materyal
na
Kultura
Materyal na
Kultura
(Pantahanan)
Paglalarawan
Kagamitan
Kagamitan
lakap
Tinadtad na
kawayan para
gawing
dingding ng
bahay.
lakap
(natural na
kulay ng
kawayan)
payak, orihinal, at matibay;
integridad at pantay ang
pananaw sa buhay;
paggalang at pagmamahal sa
kalikasan
lakap
(pahaba)
pagtanaw ng utang na loob
kay Magbabaya;
humingi ng kapatawaran
baung
Basong
kawayan
baung
natural na
kulay ng
kahoy; iba’t
ibang kulay
tagahatak ng kasaganaan at
pag-unlad;
kasiyahan, pag-asa at
kayamanan;
sekyuridad, pangangalaga, at
pagkakaisa sa langit (asul) at
lupa (berde) na siyang
tinitirhan ng tao;
pagmamahal sa kalikasan,
masaganang ani ng mga
pananim, at proteksyon sa
mga sakit sa tanim;
kahandaan ng puso upang
tupdin ang pananampalataya;
mataimtim na damdamin
baung (bilog na
pahaba)
pagtanaw ng utang na loob
kay Magbabaya;
humingi ng kapatawaran;
walang katapusan ang
buhay kahit nasa kabilang
mundo;
iniuugnay sa mga
mabibilog na kalikasan
gaya ng araw, buwan, bato
at mga bunga;
pagkakaisa ng tribo at
pagsunod sa tamang
pantuntunan ng asal o paguugali.
Paniniwala
(Kulay)
Di Materyal na
Kultura
Paniniwala
(guhit/disenyo at hugis)
Kagamitan
Materyal na
Kultura
(Pantahanan)
Damit
pambahay
Diping
Paglalarawan
Di
Materyal
na Kultura
Karaniwang
diping
palda o saya
(natural na
ng kababaihan kulay ng
kawayan)
Paniniwala
(Kulay)
tagahatak ng kasaganaan at
pag-unlad;
kasiyahan, pag-asa at
kayamanan;
sekyuridad, pangangalaga,
at pagkakaisa sa langit
(asul) at lupa (berde) na
siyang tinitirhan ng tao;
pagmamahal sa kalikasan,
masaganang ani ng mga
pananim, at proteksyon sa
mga sakit sa tanim;
kahandaan ng puso upang
tupdin ang
pananampalataya;
mataimtim na damdamin
Di Materyal na
Kultura
diping
(tatsulok na
pahaba)
Paniniwala
(guhit/disenyo at hugis)
may kapangyarihan dahil
malakas ang impluwensya
at tagumpay sa buhay;
umaayon sabuhay dahil
hindi palaging tahimik at
matiwasay ang buhay ng
tao;
pananalig sa
makapangyarihan
pagtanaw ng utang na loob
kay Magbabaya;
humingi ng kapatawaran
Konklusyon
Matindi ang paniniwala ng tribo sa ispiritwalismo at ito ay
nananaig sa lahat ng panahon lalo na sa pagdaraos ng ritwal sa
iba’t ibang okasyon. Naniniwala sila sa lakas na kapangyarihan
ng mga kaluluwang hindi nakikita ng tao. Tama ang sabi ni
Polenda (2002), “supernaturalism is fundamental to their
(Manobo) religious beliefs, their theories and practice of
magic, and their cosmology”. Nakikita ito sa iba’t ibang
representasyon ng mga supernatural na mga nilalang na
kanilang pinag-aalayan. Kasama na rin ang di mabilang na mga
diwatang tagabantay o tagapangalaga ng mga bagay at
pangyayari sa buhay ng tribo mula sa pagsilang hanggang
kamatayan. Ang isang baylan ay pinaniniwalaan nilang
nakakikita ng mga ispiritu upang humingi ng biyaya o
kapatawaran sa mga pag-abuso at kasalanan ng tao.
Pinahahalagahan ng mga Manobo ang karangalan, pamilya, at
kalagayan sa lipunan. Ang tunay na yaman na tinatanaw at
tinatanggap ng tribong Manobo ay ang kanilang dangal. Ito ay
hindi nakikitang kayamanan na kailangang ingatan ng tribo sa
habang buhay. Kakaunti lamang ang kinikilalang mga kulay,
guhit/disenyo at hugis ng tribong Manobo. Ang mga ito ang
bumubuo ng payak na estilo ng kanilang pamumuhay. Sa
kabilang dako, masaklaw naman ang nakakabit na mga
paniniwalang kultural sa likod ng mga kulay, guhit/disenyo at
hugis. Ang palagiang paggamit/pagpapanatili sa mga kulay,
guhit/disenyo at hugis kultural ay nagsisilbing pananggalang ng
tribo laban sa malakas na pwersa ng makabagong sibilisasyon.
Implikasyon
Batay sa resulta ng pananaliksik na ito, nabuo ang
sumusunod na mga implikasyon:
6.4.1. May internal na kapangyarihan ang kultura na
labanan ang modernisasyon. Palagi nang nakaamba ang
hatak ng akulturasyon na may bulto ng mga bago at hiram
na salita ngunit may pwersang panloob ang kultura na di
matitinag at mahirap buwagin.
Ang mga materyal at di-materyal na simbolo ng
kultura ay malalim na nakaukit sa isipan ng mga katutubo,
tumatayong pundasyon ng pananampalataya, pagdiriwang,
panawag sa obhetibong mga gamit sa tahanan, kabuhayan at
iba pa.
6.4.2. Ang pagkamalikhain ng kultura ay nagkokontrol sa
mabilis na pagbabago-bago ng wika at panahon. Nakasandig
ito sa hangaring proteksyunan at pangalagaan ang mga
kultural na katawagan, tradisyon at paniniwala ng tribo.
6.4.3. May mga katawagang kultural na di maisasalin o
matutumbasan sa lingua franca at wikang pambansa.
Kabilang dito ang mga katawagan sa pananampalataya,
hanapbuhay, gawaing kultural at pangkasayahan.
6.4.4. May mga sensitibong paniniwala sa likod ng mga
kulay, guhit/disenyo at hugis ang tribong Manobo.