PAGTATALATA - yramenna77

Download Report

Transcript PAGTATALATA - yramenna77

TALATA
Magkakaugnay
Balangkas
Layunin
Pag-unlad ng kaisipang nakabase
sa pinakapamaksang pangungusap
LAYUNIN: Makapaghatid ng isang
ganap na kaisipan sa tulong ng mga
pangungusap na magkakaugnay
Kalinawan base sa:
1. Kaganapan
2. Kaisahan
3. Kaayusan
a. Tamang pagkasunud-sunod ng mga
pangyayari.
 Nagkukuwento
 Naglalahad ng hakbangin
b. Maayos o maanyong paglalarawan.
Kalinawan base sa:
3. Kaayusan
c. tiyak
pangkalahatan (Indaktibo)
d. Dedaktibong paraan
pangkalahatan
tiyak
Kalinawan base sa:
3. Kaayusan
e. Tanong at Sagot ? =
f. Sanhi at Bunga / Bunga at Sanhi
SB
|
BS
4. Pagkakaugnay-ugnay
Pangatnig: Kung gayon, dahil dito,
samakatwid, datapuwat, bagaman,
kaya, atbp.
3 Bahagi ng Talata
Panimulang Pangungusap
2. Gitnang Pangungusap
3. Pangwakas na Pangungusap
1.
3 Bahagi ng Talata
Panimulang Pangungusap
1. Katanungan
2. Nakatatawag ng pansin
3. Analohiya
4. Tahasang paglalahad ng
suliraning ipaliliwanag
3 Bahagi ng Talata
Gitnang Pangungusap
(Papaunlad na Pangungusap)
Pangwakas na Pangungusap
(Nagbibigay buod)
TALATA
MAGKAKAUGNAY
MAY LAYUNIN
MAY BALANGKAS
PAG-UNLAD NG
KAISIPAN BASE SA
PINAKAPAMAKSANG
PANGUNGUSAP
KAGANAPAN
KAISAHAN
TALATA
PAGKAKAUGNAYUGNAY
KAAYUSAN
NAGKUKUWENTO
KAGANAPAN
TAMANG
PAGKAKASUNODSUNOD
KAISAHAN
KALINAWAN NG
TALATA
PAGKAKAUGNAYUGNAY
MAAYOS O
MAANYONG
PAGLALARAWAN
INDAKTIBO
KAAYUSAN
DEDAKTIBO
TANONG AT
SAGOT
SANHI-BUNGA /
BUNGA-SANHI
NAGLALAHAD NG
HAKBANGIN
PANIMULANG
BAHAGI
GITNANG
PANGUNGUSAP
PANGWAKAS
NG
PANGUNGUSAP
BAHAGI NG TALATA
PANIMULA
GITNA /
KATAWAN
PANGWAKAS
NA
PANGUNGUSAP
KATANUNGAN
PINAKAKATAWAN
NG
PANGUNGUSAP
NAGBIBIGAY BUOD
NAKATATAWAG
PANSIN
TINATAWAG NA
PAPAUNLAD NA
PANGUNGUSAP
HULUNG DETALYE,
OPINYON O
PALAGAY
ANALOHIYA
SULIRANING
IPALILIWAG
MGA URI NG TALATA
Mga uri ng talata
 PANIMULANG TALATA – ito ang una at kung
minsan ay hanggang ikalawang talata.
Layunin nito ang ilahad ang layunin ng isang
teksto. Sinasaad rito kung ano ang
isasalaysay, ilalarawan, ipaliliwanag o
bibigyang- katwiran. Maaring buuin ng higit
sa isang talata subalit kung maiksi ang
komposisyon ay maaaring iiisa lamang.
PANIMULANG TALATA
Ang tao ay natatanging nilalang ng
Diyos. Kung ihahambing nga naman sa iba
pang nilikha sa daigdig, walang pagaalinlangang masasabi na ang tao ang
nakahihigit sa lahat. Ang paniniwalang ang ay
maibabatay sa mataas na antas ng pag-iisip ng
tao.
Bunga nito, ang iba pang tanging
kakanyahan ibinigay ng Diyos sa tao, may mga
tungkuling iniatang ang Diyos sa balikat ng
bawat tao.
Mga uri ng talata
 TALATANG GANAP – matatagpuan ito
kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon.
Tungkulin
nito
ang
i-develop
ang
pangunahing paksa. Binubuo ito ng ng
paksang pangungusap at mga pangungusap
na tumutulong upang matalakay nang ganap
ang bahagi ng ng komposisyon na nililinaw
ng talata.
TALATAng ganap
Ang pananampalataya sa Diyos ay
pangunahing tungkulin ng tao. Dapat niyang
kilalanin na kung hindi dahil sa Diyos ay wala
siya sa daigdig na ito. Kung gayon, dapat
niyang ipagpasalamat sa Diyos ang lahat ng
biyayang kanyang natatanggap. Ang
pananampalataya sa Diyos ay dapat ding
makita sa kabutihan sa kanyang kapwa
sapagkat Diyos ang nagsabi , “Kung ano ang
ginagawa mo sa iyong kapwa ay siya mo na ring
ginagawa sa akin.”
Mga uri ng talata
 TALATANG
PAGLILIPAT - DIWA –
importante ito uypang mgakaroon ng
ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga
talataan ng komposiyson. Ginagamit talatang
ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang
magkasunod na talata. Sinasalungat ba ng
talatang sinusunduan o dinaragdagan nito
ang isipan niyon? Ipinahihiwatig din nito ang
development ng paksang tinalakay.
TALATAng paglilipat -diwa
Bakit naman sinabi sa Biblia na, “ibigay mo
kay Caezar ang kay Caezar, ang sa Akin sa Akin.
Ano ang nais ipahiwatig ng Diyos dito?
Paano maipamamalas ang kabutihan ng
tao sa kanyang kapwa? Kailangan bang maging
malaking bagay ang malay sa kapwa tao?
Mga uri ng talata
 TALATANG PABUOD – kadalasan na ito ang
pangwakas na talata o mga talata ng
komposisyon.
Ilalagay
rito
ang
mahahalagang kaisipan o pahayag na
tinalakay sa gitna ng komposisyon. Maaari
ring gamitin ang talatang ito upang bigyan ng
higit na linaw ang layunin ng awtor o mayakda ng isang komposisyon.
TALATAng pabuod
Ang mga iyan ang mga tungkulin ng tao.
Pansinin din ang pagkakasunud-sunod ng
pagtalatakay sapagkat ipinapahiwatig niyon
ang halaga ng bawat isa: Una, tungkulin sa
Diyos: Ikalawa, tungkulin sa kapwa tao; Ikatlo,
tungkulin sa bayan; at ikaapat: tungkulin sa
sarili.
MGA PARAAN NG PAGBUO
NG MABISANG TALATA
 Makapangyarihan ang wika. Maaari tiong
maging kasangkapan ng pang-aalipin kung
paano ginamit ng mga Amerikano ang
wikang Ingles nang alipinin nila ang ating
bansa may ilang dekada na ang nakararaan.
Ngunit ang wika ay maaari ring maging wika
ng pagpapalaya kung paanong ginamit ng
mga Indones ang Bahasa Indonesia at isigaw
nila ang Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu
Tunair! Sa layon nilang palayain ang kanilang
sarili sa kamay ng mga mananakop na
Olandes.
 Dahil sa pagsusulat, napanatiling buhay ang
kultura at hindi nababaon sa limot ang
kasaysayan ng isang bansa. Ang mga nasulat
na tala ay mababasa ng salinlahi kaya’t
malalaman nila ang pinagdaanan ng kanilang
bansa.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 PASAKLAW NA PAHAYAG – ang resulta o
ang kinalabasan muna ang sinasabi bago isaisahin at pagsunud-sunurin di-gaanong
mahalaga hanggang sa pinakamahalagang
detalye.
 Hal.
Isang vegetable nursery bawat baranggay
ang pinagkakaabalahan sa Rizal , Laguna
ngayon.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 PAGBUBUOD – naghahayag muna ng
pinakadiwa bago tukuyin ang sadyang
talakay.
 Halimbawa:
1. Ang kinabukasan ng bayan ay nasa
kasipagan ng bawat mamamayan.
2. Kahibangan na ngang matatawag ang
pagmamatuwid sa pananatili pa ng mga base
militar dito sa bansa.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 PAGTATANONG - ibinabato ang isang
katanungan.
 Halimbawa:
Mahina ba ang disiplina o talgang walang
disiplina ang mga Pilipino? Katanungan itong
base sa pagmamasid ng batas trapiko.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 TUWIRANG SABI - karaniwang nakapanipi
(“ ”) at mula sa pagsipi sa isang tiyak na
pahayag ng bantog o kilalang tao, dalubhasa
o otoridad na gagamiting lundayan ng paksa.
 Halimbawa
“They’r e liars!” Ito ang mariing sinabi
kahapon ni Senador WigbertoTañada sa mga US
officials.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 PANLAHAT NA PAHAYAG - nagtataglay ng
kahalagahang unibersal na maaaring ahguin
sa mga salawikain, sa mga kawikaan, at
maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw
na makatotohanang kaalaman ng lahat na
nagtataglay ng diwa o aral.
 Halimbawa
Walang pangalawang glorya, karaniwa’y
pangalawang dusa. Dito binase ng isang biyuda
ang naging karanasan niya sa pag-aasawang
muli.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 PAGLALARAWAN - ginagamit kapag
nagtatampok ng tao. Sapagkat nagbibigayng deskripsyon, mga malarawan at
maaksyong salita ang ginagamit.
 Halimbawa
Baliw daw si Mercy, ang babaeng may
bigote’t balbas. Marusing pero hindi marumi.
Nakatali ang manipis na buhok na lampas
balikat ang haba. Hanggang tuhod ang
pantalon kaya kapansin-pansin ang malago at
kulot na balahibo ng mga binti.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 PANGKALIGIRAN - ginagamit kung ang
ilalarawan ay pook.
 Halimbawa
Namamayani pa ang dilim , halos wala
nang patlang ang tilaukan ng mga tandang sa
silong ng mga dampang nangakatirik sa tabingdagat .
MGA MABIBISANG PANIMULA
 PAGSALUNGAT - binibigyang-diin ang
pagkakaiba.
 Halimbawa
Noong basketbolista si Jaworski, pikon,
marumi, nananagi ng kalaban maglaro.
Ngayon, pag ganito ang gawang kanyang
basketbolista, dahil coach na siya, sinisibak
niya.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 PAGSUSUMBI - bihira ang panimulang ito.
Maikli lamang na karaniwang binubuo ng
isang salita.
 Halimbawa
Luha!
Salitang may apat na titik lamang
datapwat naglalaman ng isang libo’t isang
kahuluagan.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 PAGSUSUMBI - bihira ang panimulang ito.
Maikli lamang na karaniwang binubuo ng
isang salita.
 Halimbawa
Luha!
Salitang may apat na titik lamang
datapwat naglalaman ng isang libo’t isang
kahuluagan.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 PAGSASALAYSAY - nasa anyong
malumanay na pagkukwento.
 Halimbawa
Bago pa man dumating ang acid jeans at
Levi’s ay uso na ang maong.
Ika-9 pa lamang ng umaga ay napaupo na
ako sa kama para sagutin ang telepono.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 ANALOHIYA - panimulang nagtutulad o
nagwawangis.
 Halimbawa
Hindi ko malaman kung anong di-matiyak
na kapanglawan, di – mawaring kalungkutan
ang umiinis sa kaluluwa ko, katulad ng malalim
na kalungkutan ng mga lungsod pagkatapos ang
isang magulong kasayahan, ng isang lungsod
pagkaran ng isang napakaligayang pag-iisa.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 ANEKDOTA– panimulang nagkukwento ng
imaikling istorya para pasiglahin ang babasa
o di kaya’y gamiting tularang lundayan ang
kaugnayan .
 Halimbawa
Kinagiwian na ng mag-ina ang pagsisimba tuwing Linggo. Ngunit
minsan, nang oras na ng pangungumunyon at hinihila na ng ina ang anak
para pumunta na sila sa altar at kakaunti na lamang ang nakapila,
nagulat na lamang ang ina sa pag-ayaw ng anak.
“Bakit anak?” tanong ng ina.
“Kasi po hindi ko gusto ang ginagawa ng paring iyan.” ang sagot
ng anak.
Piningot ng ina ang walong taong anak.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 ANEKDOTA
 Halimbawa
“Kahit na dalawang tenga ko pa ang pingutin ninyo,
ayoko na talaga!” pagmamaktol ng anak.
“Bakit ba?” galaiti ng ina.
“Kasi po… swapang ang paring iyan! Di nyo po ba
napapansin, parang siya lang ang nauuhaw! Di man lang
tayo tirhan ng kaunting tubig. Siya lang ng siya ang umiinom.
MGA MABIBISANG PANIMULA
 PAGSASALITAAN - dinaraan sa usapan o
dyalogo.
 Halimbawa
“Mabuhay! Mabuhay ang Presidente! Ang
walang kamayawang pagbati ng nagsisisiksikang
madla sa harap ng Luneta Grand Stand nang
humarap sa kanila ang bagong halal na pangulo
na abot –tainga ang mga ngiti ng “Maraming
salamat mga kababayan! Maraming-maraming
salamat sa pagtitiwala ninyo!”
Diskusyon/gitna
 Dito matatagpuan ang kabuuang kalamnan
ng iyong paksa. Ang mga talata ay
kinapapalooban ng mg pangunahing kaisipan
at mga pangtulong o pamunong kaisipan o
detalyeng maayos ang pagkakauri-uri at
pagkakasama-sama, at makatwiran ang
pagkakahanay-hanay at pagkakasunudsunod para sa lubos at kalinawan ng paksa.
Gitnang bahagi
 PAKRONOLOHIKAL – nakasaayos ayon sa
tamang pagkakasunud-sunod mula sa
pinakamatagal hanggang sa
pinakakasalukuyan.
 PAANGGULO - nakasaayos batay sa
personal na masasabi o reaksyon ng bawat
tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo
sa isang obhektibong paglalagom. Tatlong
anggulo ay sapat na para makabuo ng akda.
Gitnang bahagi
 PAESPESYAL o PAAGWAT – maaaring
kaparaanang sisimulan sa parang induktibo o
deduktibo. Maaring palamang, patiyak, o
pasalimuot.
 PAGHAHAMBING at PAGTATAMBIS –
pagbibigay ng mga katangiang maaaring
magsimula sa pagkakatulad at pagkakaiba o
di kaya’y vice versa.
PANGWAKAS NA BAHAGI
 Sa wakas nagtatapos ang kabuuan ng
komposisyon. Ito ay sinasambit sa ilang
pananalita na lamang dahil kung pahahabain
pa , bukod sa hindi kasisiyahan, ay hindi na
magiging mabisa. Dapat ay kasimhaba
lamang ito ng simula at naglalaman ng
pangkalahatang palagay pasya ukol sa paksa
batay sa mga katibayan at katwirang inisa-isa
sa gitna.
MABISANG PANGWAKAS NA TALATA
 TUWIRANG SABI
 PANLAHAT NA PAHAYAG
 PAGBUBUOD
( mga paraang nabanggit na sa
panimulang talata )
MABISANG PANGWAKAS NA TALATA
 PAGPAPAHIWATIG NG AKSYON – tuwiran o
di-tuwirang nagpapakilos sa mga mambabasa
ayon sa hinahangad na inaakalang
mahalagang ikatatamo ng kabutihan ng
lahat.
 Halimbawa
Ang dapat sisihin ay hindi ang bayang naging
biktima ng panggagahis kundi angpinunong
kasangkapan sa hukbong sandatahan upang gahisin
ang bayan.
MABISANG PANGWAKAS NA TALATA
 MAHALAGANG INSIDENTE – madulang
pangwakas na maaaring magpakita ng
pagbabago sa takbo ng mga pangyayari at sa
katauhan ng mga nasangkot sa katha.
 Halimbawa
Sa wakas, nakamit din ng mag-asawa ang
katahimikang naging mailap noong sila’y nagsasama pa,
nang magtagpo silang muli… sa morgue.
MABISANG PANGWAKAS NA TALATA
 PAGSISIPI – pangwakas itong kumukopya
ng isang taludtod o mahigit pa sa isang akda,
patula man o patuluyan, na ang sinasabi ay
angkop sa tinatalakay na paksa.
 Halimbawa
Wala na namang pakialam si Lorraine sa kanila, o maging
sa mundo. Tila pakawalang bahala sa mga kumbensyon ng
lipunan. Kalayaan na maihahalintulad sa paglipad ng ibong
pipit. Paglipad upang salubungin ang umagang nagpapangako
ng mas magandang bukas.