Ponolohiya - yramenna77

Download Report

Transcript Ponolohiya - yramenna77

PONOLOHIYA
-- ang tawag sa maagham na
pag-aaral ng tunog
-- pinag-aaralan ang wastong
bigkas ng mga tunog na
tinatawag na ponema.
Ponetiko – ang galaw at bahagi ng katawan
ng tao saklaw sa pag-aaral kung saan
isinagawa ng tunog sa pagsasalita o wastong
pagbigkas.
Ponema – ang tawag sa mga yunit ng tunog ng
isang wika
( Phoneme) phone -- tunog
eme -- makabuluhan
Ponema – -- tumutukoy ito sa
makabuluhang tunog – ang bawat
ponema ay maaaring makapagbago ng
kahulugan ng isang salita
Hal. Nasa- pasa
-- Maari ring di makapagpabago –
Malayang nagpapalitan
Hal. Babae-babai; lalake-lalaki
2 URI NG PONEMA
ponemang katinig – binubuo ng 16 na ponema–
16
/ b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/, /ng/,
/w/,/y/, / ˆ/, /’/, /‛/
ponemang patinig - ayon sa mga linggwista at
ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng
Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang
fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa kastila at
english.
Allophone- ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at
/u/ ay malayang nagkakapalitan na
hindi nagbabago ang kahulugan ng
mga salita
HALIMBAWA:
babai -- babae
lalaki --- lalake
ali --- ale
bukol - bokol
tono --- tuno
Diptonggo/ Malapatinig – tumutukoy ito
sa pinagsamang tunog ng isang patinig
/a,e,I,o,u / at tunog ng isang
malapatinig /w, y/ sa iisang pantig.
(aw, iw, ow,ay ey,oy,uy)
Hal. araw, ayaw, baboy, aliw, sisiw,
kahoy, tuloy, sawsaw, kasuy, wow,
bahay, kalay, gulay
Klaster o Kambal Katinig– ito ay
magkasamang tunog ng dalawang
ponemang katinig sa iisang pantig;
matatagpuan ito sa– inisyal, sentral,
pinal
Hal. Blusa, kwento, hwag, traysikel
transportasyon,
Pares Minimal – magkatugmang
salita na hindi magkaugnay na
kahulugan subalit tugmang-tugma
sa bigkas maliban sa isang ponema.
Hal. Pala-bala ; hari- pari; tali-bali
PONEMANG
SUPRASEGEMENTAL
 Tono – tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig.
-- nakukuha ang mensahe ng kausap– nangangaral, naiinis, nang-iinsulto,
nagtatanong, nakikiusap o nag-uutos.
 Haba-
tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantig ng salita na may patinig o
katinig.
 Diin -
tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa pantig na kailangang bigyang-
diin.

Antala/ Hinto/ Pagtigil – saglit na pagtigil
Impit na tunog o Glotal sa Pasara –
ang ponemang ito ang bukod tanging inirerepresinta ng
titik o letra sa halip ay tuldik na paiwa ( ΄ ) para sa salitang
malumi, tuldik na ( ˆ ) para sa salitang maragsa, kung ang
tunog na ito ay nasa pusisyong pinal ng salita at kung
minsan inireprisinta rin ito ng gitling kung ang tunog na
ito ay nasa gitna ng salita sa pagitan ng panlapi o salitang
nagtatapos sa katinig at ang kasunod na salita ay
nagsisimula sa patinig.
Ang mga salitang natatapos sa tunog na impit at
tinatawag na malumi at maragsa tulad ng mga halimbawa:
Salitang Malumi
Salitang Maragsa
1. bata ΄ - child
pipi ˆ - fattened
2. nasa ΄- desire, wish
tala ˆ - list,note
Ang Prinsipal na sangkap ng
Pananalita
Ang enerhiya ay ang nalilikhang presyon
o presyur ng papalabas na hiningang galing sa
baga na siyang nagpapakatal sa mga
babagtingang pantinig na siyang gumaganap
na artikulador. Lumilikha ito ng tunog na
minomodipika ng bibig na siya namang
nagiging patunugan o resonador.
Ang
itinuturing na mga resonador ay ang bibig at
guwang ng ilong.
Ang bibig ng tao ( tingnan ang larawan ni
OSCAR) ay may apat na bahaging mahalaga
sa pagbigkas ng mga tunog.
1. Dila at panga ( sa ibaba)
2. Ngipin at labi ( sa unahan)
3.Matigas na ngalangala ( sa itaas)
4.Malambot na ngalangala ( sa likod)
TSART NG PONEMANG SEGMENTAL NA KATINIG
Punto
Paraan ng
Pagbigkas o
Artikulasyon
Pasara: w.t.
Pasara: m.t.
Panlabi
(bilabial)
p
b
Pangngipin
( dental)
Malapatinig: m.t.
Artikulasyon
Pangngalala
Matigas
(palatal)
Malambot (velar)
l
r
Impit
(glottal)
?
h
ŋ (ng)
n
m
Panlalam
unan
(Larinjal)
k
g
s
Pailong: m.t.
(nasal)
Pangalatal:
m.t. (flap)
Panggilagid
t
d
Pasutsot: w.t.
(Fricative)
Pagilagid: m.t.
(lateral)
ng
Punto ng Artikulasyon–
tumutukoy sa kung anong
bahagi ng bibig naisasagawa
ang pagbigkas sa ponema
Paraan ng Artikulasyon–
pagbigkas sa paraan ng
pagpapalabas ng hangin sa
bibig o ilong.
TSART NG SEGMENTAL NG
PONEMANG PATINIG
Ayos ng
Dila
mataas
gitna
mababa
Bahagi
Harap
i
ng
Sentral
e
Dila
likod
u
o
a
Ito ang tawag sa pagaaral ng mga
morpema ng isang
wika at ng pagbubuo
ng mga ito sa salita.
Tinatawag din itong
palabuuan.
MORPEMA
Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng
isang salita na nagtataglay ng
kahulugan.
May tatlong uri ng morpema–
istem/salitang-ugat, panlapi at
morpemang binubuo ng isang ponema.
Istem/ Salitang- ugat– ay ang payak na salitang
walang panlapi. Ang mga ito ay maaring pangngalan,
pang-uri at pandiwa.
Panlapi– tinatawag na di- malaya sapagkat nalalaman
lamang ang kahulugan nito kapag naisama na ito sa
istem.
Tinatawag na panlaping makangalan, kapag ang
nabubuong salita ay pangngalan; panlaping makauri,
kapag ang nabubuong salita ay pang-uri at panlaping
makadiwa, kapag ang nabubuong salita’y pandiwa.
MORPEMANG BINUBUO NG ISANG
PONEMA
Matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila–
senado/ senadora; mayor/ mayora
• sa mga salitang nagtatapos sa o na
nangangahulugan ng lalaki at sa mga salitang
nagtatapos sa a na nangunguhulugang babae—
barbero/ barbera; Aurelio/ Aurelia at iba pa.
Bukod sa mga istem at mga panlapi, nakabubuo rin ng mga
bagong salita sa pamamagitan ng pag-uulit at pagtatambal ng mga
salita.
 Pag-uulit-- may tatlong paraan
a. Parsyal o di-ganap na pag-uulit – unang pantig lamang ang
inuulit. Hal. babasa, susulat, aawit
b. Ganap na pag-uulit– buong salitang-ugat ang inuulit. Hal. Arawaraw, gabi-gabi
c. Kumbinasyon ng parsyal at ganap na pag-uulit hal. Tutulogtulog, sasayaw-sayaw, aalis-alis
 Pagtatambal – pinagsasama sa isang pahayag ang dalawang salitang
pinagtambal para makabuo ng isang salita.
a. Malatambalan-- hal. Tsaang-gubat, bahay-ampunan
b. Tambalang-ganap—
hal. Bahag+hari=rainbow; balat+sibuyas= maramdamin
PAGBUBUO NG MGA SALITA
1.
Paglalapi – pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi sa isang salitang0ugat,
nakabubuo ng iba’t ibang salita na may kani-kaniyang kahulugan.
hal. Tubig
ma-+tubig = matubig (maraming tubig)
pa-+tubig = patubig (padaloy ng tubig)
tubig+-an= tubigan (lagyan ng tubig)
tubig+-in = tinubig (pinarusahan sa tubig)
2.
Pag-uulit – paraan ng pagbuo ng salita mula sa morpemang
salitang-ugat.
Pag-uulit na ganap
hal. Taon
taun-taon
bahay
bahay-bahay
Pag-uulit na Parsyal
usok
uusok
balita
bali-balita
Pag-uulit na parsyal at ganap
sigla
saya
masigla-sigla
masaya-saya
3.
Pagtatambal ng salita - pagbubuo ng salita na pinagsasama ng
dalawang morpemang salitang-ugat.
a. Inilalarawan ng ikalawang salita ang unang salita
hal. Taong- bundok, kulay- dugo
b. Tinatanggap ng unang salita ang ginagawa ng unang salita
hal. Ingat- yaman, pamatid- uhaw
c. Ipinapakita ng ikalawang salita ang gamit ng unang salita
hal. Bahay-aliwan, silid- aralan
d. Isinasaad ng ikalawang salita ang pinagmulan ng unang salita
hal. Batang-lansangan, kahoy- gubat
e. Kasabay o katimbang ng ikalawang salita ang unang salita
hal. Urong- sulong, lulubog-lilitaw

Pagtatambal ng dalawang salitang-ugat na maaaring makalikha
ng ikatlong kahulugan
hal.
basag + ulo = basagulo
anak+ pawis = anakpawis
dalaga+ bukid = dalagambukid
SINTAKS
Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama ang mga salita para bumuo
ng mga preys at mga sentens.
Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga rul at mga kategori na syang batayan
ng pagbubuo ng mga sentens.
Pag-aaral ng straktyur ng mga sentens.
1a. * binulsa ko ang mabangong panyo
1b. * bumulsa ko ang mabangong panyo
1c. * Ibinulsa ko ang mabangong panyo.
PARIRALA AT SUGNAY

Sugnay
-- isang lipon ng mga salitangmay simuno o paksa at panaguri
-- buo o hindi buo ang diwa.
1.
Sugnay na makapag-iisa – nagtataglay ng buong diwa o kaisipan.
Hal. Ako ay nakahiga,nang siya’y umalis.
2.
Sugnay na di-makapag-iisa – di buo ang diwa
hal. Kung ako’y mayaman, hindi na ako magtatrabaho.
•
Parirala
-- lipon ng salita na walang paksa o simuno at panaguri at wala ring buong
diwa o kaisipan.
PANGUNGUSAP
Isang salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.
2 Bahagi ng pangungusap
Karaniwang ayos – nauuna ang panaguri
Di- karaniwang ayos– nauuna ang paksa sa
panaguri. (ay)
ANYO NG PANGUNGUSAP
1.
Payak na pangungusap– binubuo ng isang paksa at isang
2.
panaguri na may iisang diwa
a)
May payak na paksa at payak na panaguri.
Hal. Pinsan ko po siya.
b)
May tambalang paksa at payak na panaguri.
hal. Nagsusulat ng komposisyon ang guro at ang mga mag-aaral.
c)
May payak na paksa at tambalang panaguri
hal. Ang mga bata ay nagsasayaw at umaawit.
d)
May tambalang panaguri at tambalang paksa.
hal. Namimili ng paninda sa ibang bansa at nagbebenta sa Pilipinas sina
Aling Nena at Menchie.
2.
Tambalang Pangungusap
-- binubuo ng dalawang magkatimbang na payak na pangungusap.
-- dapat magkaugnay ang mga ito at nagkakaisa sa kahulugan.
;
3.
Pandugtong = pangatnig = at, o, pero, ngunit, subalit o datapwat , : ,
Hugnayang Pangungusap
-- Binubuo naman ito ng dalawang sugnay.
-- Buo ang diwa ng isang sugnay, habang ang isang sugnay ay hindi
Pandugtong = dahil,kung,kapag,nang,sapagkat,upang at iba pa.
PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP
1.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga
kataga- pa,ba,man,naman,nga,pala at iba pa.
2.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring
panuring = na at ng
3.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng kumplemento
-- tinatawag na kumplemento ang bahagi ng panagui na
nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.
a. Kumplementong tagaganap– pinangungunahan ito ng
panandang ng at mga panghalili nito.
hal. Itininda ng kaibigan na babae ang bestida.
b.
Kumplementong Tagatanggap-- kung sino ang makikinabang sa sinasabi
ng pandiwa
Pananda– para sa, para kay, at para kina.
hal. Nagpaluto ng pagkain si Louie para sa mga bisitang darating.
c.
Kumplementong Ganapan–
Pananda– sa hal. Nagpiknik sila sa tabing ilog.
d.
Kumplementong Sanhi – Isinasaad dito ang kadahilanan ng pangyayari ng
kilos ng pandiwa.
Pananda– dahil, sa, kay
hal. Dahil kay Rosa, nahuli ng dating si Nora.
e.
Kumplementong Layon – tinutukoy ang bagay.
Pananda – ng
hal. Nagtinda ng sapatos si Nanay.
f.
Kumplementong Kagamitan o instrumento-- tumutukoy ito sa kung anong
instrumento o kagamitan ang ginagamit para maisakatuparan ang kilos ng
pandiwa.
4.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal
-- maaaring magtambal ang dalawang batayan o payak na pangungusap
sa pamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit, saka
at iba pa.
Hal. Dumating ang kanyang guro sa kanilang bahay subalit nakaalis na
ang kanyang mga magulang.
POKUS NG PANDIWA
Tumutukoy sa kaugnayan ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.
1. Pokus sa Tagaganap o aktor– kapag ang
paksa ng pangungusap ang tagaganap o
nagsasagawa ng kilos na isinasaad ng
pandiwa.
Panlapi– mag,um, mang, makapag, maka,
at mag.
Hal. Nagsulat ng tula si Perla.
2.
Pokus sa layon– kung ang paksa ng pangungusap ay ang layon ng
pandiwa.
Panlapi– i-, -an, ma, ipa-, at –in
Hal. Ipadadala ko na kay Lorna ang relong binili ko.
3.
Pokus sa Ganapan – kung ang paksa ay ang lugar na pinangyarihan ng
kilos na isinasaad ng pandiwa.
Panlapi-- -an, pag-, mapag, at pang- an/ han.
Hal. Pinaglutuan ni Nena ng Bigas ang kawayan.
4.
Pokus na Tagatanggap o Pinaglalaanan– kung ang paksa ng pangungusap
ay ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos.
Panlapi– I, ipang- , at ipag.
5.
Pokus na kagamitan (Instrumental) -- kung ang paksa ay kagamitan o
kasangkapan ng kilos.
Panlapi– ipang-.
Hal. Ipang-aasim ni Rosa sa sinigang ang sampalok.
6.
Pokus sa Sanhi– nasa pokus sa sanhi o kadahilanan ang pandiwa kung
ang paksa ng pangungusap ang sanhi o dahilan.
Panlapi– ika-,
Hal. Ikaliligaya ko ang pagtira sa iyong bahay.
7.
Pokus Resiprokal– kung ang paksa ng pangungusap ay siyang tagaganap
o tagatanggap ng kilos.
Panlapi-- mag-, at mag –an.
Hal. Muling nagsumbatan ang magkaibigan.