Pagkilala sa Sugnay na nakapag-iisa at di-nakapag-iisa

Download Report

Transcript Pagkilala sa Sugnay na nakapag-iisa at di-nakapag-iisa

Pagkilala sa Sugnay na
nakapag-iisa at di-nakapag-iisa
sa Hugnayang pangungusap.
ANG KALAKALANG GALYON
Dati, ang mga Kastila sa Pilipinas ay Malaya at
nag-iisang nakikipagkalakalan sa mga karatig na
bansa. Pagkaraan ng mahabang panahon ay
nagkaroon sila ng mga kaagaw sa kanilang mga
paninda. Humina ang kalakalan at dumanas sila ng
mga pagkalugi. Ito ang nagbigay daan upang
magkaroon ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at
Mexico lamang at tinawag itong Kalakalang Galyon.
Mula Akapulko, Mexico ang galyon.
1.Tungkol saan ang talata?
2.Ano ang nagbigay daan sa
pagkakaroon ng Kalakalang
Galyon?
3. Ano ang kalagayan ng
kalakalan sa ating bansa noong
unang panahon?
Basahin at suriin ang mga pangungusap
hango sa aralin sa pakikinig.
A. Kung magtatayo ng samahan, ano ang
dapat nating unahin?
B. Si Beth ang pansamantalang
mamamahala sa halalan habang wala
ang pangulo.
HUGNAYANG PANGUNGUSAP
Sugnay na nakapag-iisa
Nagkasakit si Lola
Sugnay na d-nakapag-iisa
dahil
nabasa ng ulan.
Binubuo ng sugnay na nakapagiisa ang hugnayang pangungusap.
Pinangungunahan ng pangatnig ang
sugnay na di-nakapag-iisa gaya ng
sapagkat, pag, kung, na, habang,
upang, samantala, dahil, subalit,
kapag atbp.
Itambal ang sugnay na di-makapag-iisa sa sugnay sa angkop na
makapag-iisa upang mabuo ang hugnayang pangungusap.
A
1. 1. Dahil sa epektong dala ng El Nino
2. Kapag humina ang agos papunta sa
dam ng tubig
3. Kung ang uunahin ay ang gamit ng
tubig sa mga bahayan sa Metro
Manila
4. Dahil maghihintay pa ang magsasaka
ng tag-ulan sa sunod na taon bago
makapagtanim.
5. Kapag nagsimula ang El Nino sa
buwang ito hanggang Abril sa isang
taon
B
A.
nagpahayag ang puno ng National
Irrigation Administration nang
pagkabahala
B. maaantala
ang
pagtatanim
ngayong Nobyembre
C. 16 na bayan ng Bulacan at 4 sa
Pampanga
ang
hindi
makapagtatanim
D. Bababa ang lebel ng tubig sa dam
E. maaapektuhan ang mga patubig
mula sa Magat Angat at
Pantabangan
Ang
mga
sumusunod
ay
mga
hugnayang
pangungusap. Salungguhitan ng isang beses ang malayang
sugnay o sugnay na nakapag-iisa at dalawang beses ang dimalayang sugnay o sugnay na di-nakapag-iisa. Sipiin sa papel
ang mga pangungusap.
Halimbawa
Si Beth ang pansamantalang
mamamahala sa halalan habang
wala ang pangulo.
1. Indikasyon ito na hindi makayang palamigin ng mga
bagong tanim na puno ang mga nabanggit na bansa.
2. El Nino ang dahilan kaya tagtuyot sa mga bansa sa
Asya.
3. Pagkatuyot ang dahilan kaya hindi mapigil ang sunog
sa kagubatan ng Indonesia.
4. Kung may tagtuyot at bagyo sa mga bansa sa Timog
Amerika, maaapektuhan ang ekonomiya.
5. Kailangang pigilin ng mga bansa ang paglabas ng
maraming carbon dioxide upang mailigtas ang
daigdig.
Isulat sa papel ang angkop na sugnay na di-makapagiisa upang mabuo ang hugnayang pangungusap. Basahing
muli ang teksto upang masagot ang pagsasanay na ito.
Huwag kalilimutang gumamit ng pangatnig sa pagsisimula
ng di-malayang sugnay o sugnay na di makapag-iisa.
Si Beth ang pansamantalang mamamahala
sa halalan habang wala ang pangulo.
1. Nababago ang mga panahon sa ilang panig ng daigdig _____________________________
2. Tag-init at tag-ulan lamang ang panahon sa Pilipinas_______________________________.
3. Mabagal ang agos ng Gulf Stream _______________________________________________.
4. Higit na malamig ngayon ang winter sa Britanya___________________________________.
5. Nababago ang direksyon ng hangin
____________________________________________.
6. Nagkasunog sa kagubatan ng Indonesia _________________________________________.
7. Maaapektuhan ang ekonomiya__________________________________________________.
8. Kailangang mapigil ang paglabas ng maraming carbon dioxide_______________________.
9. Hindi makalabas ang init sa himpapawid __________________________________________.
10. Patuloy ang pag-init ng mundo_______________________________________.`