Transcript Ponolohiya

-- ang tawag sa maagham na pagaaral ng tunog
-- pinag-aaralan ang wastong
bigkas ng mga tunog na tinatawag
na ponema.
Ponetiko – ang galaw at bahagi ng katawan ng
tao saklaw sa pag-aaral kung saan isinagawa ng
tunog sa pagsasalita o wastong pagbigkas.
Ponema – ang tawag sa mga yunit ng tunog ng
isang wika
( Phoneme) phone -- tunog
eme -- makabuluhan
-- tumutukoy ito sa makabuluhang tunog – ang
bawat ponema ay maaaring makapagbago ng
kahulugan ng isang salita
Hal. Nasa- pasa
-- Maari ring di makapagpabago – Malayang
nagpapalitan Hal. Babae-babai; lalake-lalaki
Ponemang Katinig – binubuo ng 16 na ponema– 16
/ b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/,
/ng/, /w/,/y/, /
ˆ ΄ -/.
Ponemang Patinig - ayon sa mga linggwista at ilang
mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino;
/a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang fonemang
/e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at English.
 ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay
malayang nagkakapalitan na hindi
nagbabago ang kahulugan ng mga salita-Allophone
 Diptonggo/ Malapatinig – tumutukoy ito sa
pinagsamang tunog ng isang patinig
/a,e,I,o,u / at tunog ng isang malapatinig
/w, y/ sa iisang pantig. (aw, iw, ow,ay
ey,oy,uy) Hal. araw, ayaw, baboy atbp.
 Klaster o Kambal Katinig– ito ay
magkasamang tunog ng dalawang
ponemang katinig sa iisang pantig;
matatagpuan ito sa– inisyal, sentral, pinal
Hal. Blusa, kwento, hwag atbp.
 Pares Minimal – magkatugmang salita na hindi
magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-tugma sa
bigkas maliban sa isang ponema. Hal. Pala-bala ; hari- pari
 Ponemang Malayang Nagpapalitan (Allophone)– malayang
nagpapalitan ang e at I; o at u. Hal. lalake- lalaki,
 Impit na tunog o Glotal sa Pasara – ang ponemang ito ang
bukod tanging inirerepresinta ng titik o letra sa halip ay
tuldik na paiwa ( ΄ ) para sa salitang malumi, tuldik na ( ˆ )
para sa salitang maragsa, kung ang tunog na ito ay nasa
pusisyong pinal ng salita at kung minsan inireprisinta rin
ito ng gitling kung ang tunog na ito ay nasa gitna ng salita
sa pagitan ng panlapi o salitang nagtatapos sa katinig at
ang kasunod na salita ay nagsisimula sa patinig.
Ang mga salitang natatapos sa tunog na impit at
tinatawag na malumi at maragsa tulad ng mga halimbawa:
Salitang Malumi
Salitang Maragsa
1. bata ΄ - child
pipi ˆ - fattened
2. nasa ΄- desire, wish
tala ˆ - list,note
Ponemang Suprasegemental
 Tono – tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig.
-- nakukuha ang mensahe ng kausap–
nangangaral, naiinis, nang-iinsulto, nagtatanong,
nakikiusap o nag-uutos.
 Haba- tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantig ng
salita na may patinig o katinig.
 Diin - tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa pantig na
kailangang bigyang-diin.
 Antala/ Hinto/ Pagtigil – saglit na pagtigil
Ang Prinsipal na sangkap ng Pananalita
Ang enerhya ay ang nalilikhang presyon o
presyur ng papalabas na hiningang galing sa
baga na siyang nagpapakatal sa mga
babagtingang pantinig na siyang gumaganap
na artikulador. Lumilikha ito ng tunog na
minomodipika ng bibig na siya namang
nagiging patunugan o resonador. Ang
itinuturing na mga resonador ay ang bibig at
guwang ng ilong
Ang bibig ng tao ( tingnan ang larawan ni
OSCAR) ay may apat na bahaging mahalaga
sa pagbigkas ng mga tunog.
1.Dila at panga ( sa ibaba)
2.Ngipin at labi ( sa unahan)
3.Matigas na ngalangala ( sa itaas)
4.Malambot na ngalangala ( sa likod)
2 uri ng ponema
 Ponemang Segmental– 21 ponema
 Ponemang Supresegmental
Tsart ng Ponemang Segmental na Katinig
Paraan ng
Pagbigkas o
Artikulasyo
n
Pasara: w.t.
Pasara: m.t.
Punto
Panlabi
(bilabial
)
p
b
Pangngipin
( dental)
Malapatinig:
m.t.
Pangngalala
Matigas
(palatal)
Malambot (velar)
ŋ (ng)
l
r
y
w
Impit
(glottal)
?
h
n
m
Panlala
munan
(Larinjal
)
k
g
s
Pailong: m.t.
(nasal)
Pangalatal:
m.t. (flap)
Panggilagid
Artikulasyon
t
d
Pasutsot:
w.t.
(Fricative)
Pagilagid:
m.t. (lateral)
ng
 Punto ng Artikulasyon– tumutukoy sa
kung anong bahagi ng bibig
naisasagawa ang pagbigkas sa ponema
 Paraan ng Artikulasyon– pagbigkas sa
paraan ng pagpapalabas ng hangin sa
bibig o ilong.
Tsart ng Segmental ng Ponemang Patinig
Ayos ng Dila
Bahagi
ng
Dila
Harap
Sentral
likod
mataas
i
u
gitna
e
o
mababa
a
Morpolohiya
Ito ang tawag sa pag-aaral ng mga
morpema ng isang wika at ng
pagbubuo ng mga ito sa salita.
Tinatawag din itong palabuuan.
Morpema
 Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng
isang salita na nagtataglay ng
kahulugan.
 May tatlong uri ng morpema–
istem/salitang-ugat, panlapi at
morpemang binubuo ng isang ponema.
 Istem/ Salitang- ugat– ay ang payak na salitang
walang panlapi. Ang mga ito ay maaring
pangngalan, pang-uri at pandiwa.
 Panlapi– tinatawag na di- malaya sapagkat
nalalaman lamang ang kahulugan nito kapag
naisama na ito sa istem.
 Tinatawag na panlaping makangalan, kapag ang
nabubuong salita ay pangngalan; panlaping
makauri, kapag ang nabubuong salita ay pang-uri
at panlaping makadiwa, kapag ang nabubuong
salita’y pandiwa.
Morpemang binubuo ng isang ponema
 Matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila–
senado/ senadora; mayor/ mayora
• sa mga salitang nagtatapos sa o na nangangahulugan
ng lalaki at sa mga salitang nagtatapos sa a na
nangunguhulugang babae— barbero/ barbera;
Aurelio/ Aurelia at iba pa.
Bukod sa mga istem at mga panlapi, nakabubuo rin ng
mga bagong salita sa pamamagitan ng pag-uulit at
pagtatambal ng mga salita.
 Pag-uulit-- may tatlong paraan
a. Parsyal o di-ganap na pag-uulit – unang pantig
lamang ang inuulit. Hal. babasa, susulat, aawit
b. Ganap na pag-uulit– buong salitang-ugat ang inuulit.
Hal. Araw-araw, gabi-gabi
c. Kumbinasyon ng parsyal at ganap na pag-uulit hal.
Tutulog-tulog, sasayaw-sayaw, aalis-alis
 Pagtatambal – pinagsasama sa isang pahayag ang
dalawang salitang pinagtambal para makabuo ng isang
salita.
a. Malatambalan-- hal. Tsaang-gubat, bahay-ampunan
b. Tambalang-ganap—
hal. Bahag+hari=rainbow; balat+sibuyas= maramdamin
Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
1.
Asimilasyon / ŋ/ o /ng/
a. Asimilasyong di- ganap / parsyal
hal. Pangpalengke
pambayad
pandama
pangkahoy
b. Asimilasyong ganap
hal. Pamalengke
pamahay
panabing
pangahoy
pantalo= panalo
2. Pagpapalit ng Ponema
a. /d/-- /r/ ≈ madami ≈ marami –pag patinig
ang hulihan ng unlapi.
b. /d/ -- /r/ ≈ lipad+ -in ≈ lipadin ≈ liparin
[-in/ -an]
pahid+ -an ≈ pahidan ≈ pahiran
c. /h/ -- /n/ ≈ kuha+han ≈ kuhahan ≈ kuhanan
d. /0/ -- /u/ ≈ laro+an ≈ laruan
≈ bunso ≈ bunsung-bunso
3. Metatesis/ Maylipat
a. Nagkakapalit ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat kapag
ginigitlapian ng [-in] ang mga ito.
hal. -in- + laro ≈ nilaro
-in- + yari ≈ niyari
-in- + regalo + an ≈ rinegaluhan ≈ niregaluhan
b. Pagkakaltas ng ganap
hal. silid + an ≈ silidan ≈ sidlan
atip + an ≈ atipan ≈ aptan
takip+-an ≈ takipan ≈ takpan
4. Pagkakaltas ng Ponema
-- kung ang huling ponemang patinig ng salitangugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.
hal. Bukas + an ≈ bukasan ≈ buksan
asin + an ≈ asinan ≈ asnan
5. Paglilipat- diin
-- kapag nilalapian ang mga salita, nagbabago ang
diin nito.
hal. Basa + -hin ≈ bahin
takbo + -han ≈ takbuhan
uwi + -an ≈ uwian
6. Pagdaragdag o Pagsusudlong
-- pagdaragdag ng isa pang hulapi gayong
mayroon nang hulapi ang nasabing salitang-ugat.
hal. tukso + han + an ≈ tuksuhan
7. Pag- iisa ng dalawa o higit pang salita o
pag-aangkop
-- pagsasama ng bahagi o pantig ng dalawang
salita.
hal. wika + mo ≈ kamo
tayo na
≈ tena
hintay ka ≈ teka
Pagbubuo ng mga Salita
1. Paglalapi – pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi
sa isang salitang0ugat, nakabubuo ng iba’t ibang
salita na may kani-kaniyang kahulugan.
hal. Tubig
ma-+tubig = matubig (maraming tubig)
pa-+tubig = patubig (padaloy ng tubig)
tubig+-an= tubigan (lagyan ng tubig)
tubig+-in = tinubig (pinarusahan sa tubig)
2. Pag-uulit – paraan ng pagbuo ng salita mula sa
morpemang salitang-ugat.
Pag-uulit na ganap
hal. Taon
taun-taon
bahay
bahay-bahay
Pag-uulit na Parsyal
usok
uusok
balita
bali-balita
Pag-uulit na parsyal at ganap
sigla
masigla-sigla
saya
masaya-saya
3.
Pagtatambal ng salita - pagbubuo ng salita na
pinagsasama ng dalawang morpemang salitang-ugat.
a. Inilalarawan ng ikalawang salita ang unang salita
b.
c.
d.
e.
hal. Taong- bundok, kulay- dugo
Tinatanggap ng unang salita ang ginagawa ng unang salita
hal. Ingat- yaman, pamatid- uhaw
Ipinapakita ng ikalawang salita ang gamit ng unang salita
hal. Bahay-aliwan, silid- aralan
Isinasaad ng ikalawang salita ang pinagmulan ng unang
salita
hal. Batang-lansangan, kahoy- gubat
Kasabay o katimbang ng ikalawang salita ang unang salita
hal. Urong- sulong, lulubog-lilitaw
 Pagtatambal ng dalawang salitang-ugat na
maaaring makalikha ng ikatlong kahulugan
hal.
basag + ulo = basagulo
anak+ pawis = anakpawis
dalaga+ bukid = dalagambukid
Sintaks
 Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama ang
mga salita para bumuo ng mga preys at mga sentens.
 Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga rul at mga
kategori na syang batayan ng pagbubuo ng mga
sentens.
 Pag-aaral ng straktyur ng mga sentens.
1a. * binulsa ko ang mabangong panyo
1b. * bumulsa ko ang mabangong panyo
1c. * Ibinulsa ko ang mabangong panyo.
Parirala at Sugnay
 Sugnay
-- isang lipon ng mga salitangmay simuno o paksa at
panaguri
-- buo o hindi buo ang diwa.
1. Sugnay na makapag-iisa – nagtataglay ng buong diwa o
kaisipan.
Hal. Ako ay nakahiga,nang siya’y umalis.
2. Sugnay na di-makapag-iisa – di buo ang diwa
hal. Kung ako’y mayaman, hindi na ako magtatrabaho.
• Parirala
-- lipon ng salita na walang paksa o simuno at panaguri at
wala ring buong diwa o kaisipan.
Pangungusap
 Isang salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng
buong diwa.
2 Bahagi ng pangungusap
Karaniwang ayos – nauuna ang panaguri
Di- karaniwang ayos– nauuna ang paksa sa
panaguri. (ay)
Anyo ng Pangungusap
1. Payak na pangungusap– binubuo ng isang paksa at
a)
b)
c)
d)
isang panaguri na may iisang diwa
May payak na paksa at payak na panaguri.
Hal. Pinsan ko po siya.
May tambalang paksa at payak na panaguri.
hal. Nagsusulat ng komposisyon ang guro at ang
mga mag-aaral.
May payak na paksa at tambalang panaguri
hal. Ang mga bata ay nagsasayaw at umaawit.
May tambalang panaguri at tambalang paksa.
hal. Namimili ng paninda sa ibang bansa at
nagbebenta sa Pilipinas sina Aling Nena at Menchie.
2. Tambalang Pangungusap
-- binubuo ng dalawang magkatimbang na payak na
pangungusap.
-- dapat magkaugnay ang mga ito at nagkakaisa sa
kahulugan.
Pandugtong = pangatnig = at, o, pero, ngunit,
subalit o datapwat , : , ;
3. Hugnayang Pangungusap
-- Binubuo naman ito ng dalawang sugnay.
-- Buo ang diwa ng isang sugnay, habang ang isang
sugnay ay hindi
Pandugtong =
dahil,kung,kapag,nang,sapagkat,upang at iba pa.
Pagpapahaba ng Pangungusap
1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga
kataga- pa,ba,man,naman,nga,pala at iba pa.
2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring
panuring = na at ng
3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kumplemento
-- tinatawag na kumplemento ang bahagi ng panagui
na nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.
a. Kumplementong tagaganap– pinangungunahan
ito ng panandang ng at mga panghalili nito.
hal. Itininda ng kaibigan na babae ang bestida.
b. Kumplementong Tagatanggap-- kung sino ang
makikinabang sa sinasabi ng pandiwa
Pananda– para sa, para kay, at para kina.
hal. Nagpaluto ng pagkain si Louie para sa mga
bisitang darating.
c. Kumplementong Ganapan–
Pananda– sa hal. Nagpiknik sila sa tabing ilog.
d. Kumplementong Sanhi – Isinasaad dito ang
kadahilanan ng pangyayari ng kilos ng pandiwa.
Pananda– dahil, sa, kay
hal. Dahil kay Rosa, nahuli ng dating si Nora.
e. Kumplementong Layon – tinutukoy ang bagay.
f.
Pananda – ng
hal. Nagtinda ng sapatos si Nanay.
Kumplementong Kagamitan o instrumento-tumutukoy ito sa kung anong instrumento o
kagamitan ang ginagamit para maisakatuparan ang
kilos ng pandiwa.
4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal
-- maaaring magtambal ang dalawang batayan o
payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga
pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit, saka at
iba pa.
Hal. Dumating ang kanyang guro sa kanilang bahay
subalit nakaalis na ang kanyang mga magulang.
Pokus ng Pandiwa
 Tumutukoy sa kaugnayan ng pandiwa sa paksa ng
pangungusap.
1. Pokus sa Tagaganap o aktor– kapag ang paksa ng
pangungusap ang tagaganap o nagsasagawa ng
kilos na isinasaad ng pandiwa.
Panlapi– mag,um, mang, makapag, maka, at
mag.
Hal. Nagsulat ng tula si Perla.
2. Pokus sa layon– kung ang paksa ng pangungusap ay
ang layon ng pandiwa.
Panlapi– i-, -an, ma, ipa-, at –in
Hal. Ipadadala ko na kay Lorna ang relong binili ko.
3. Pokus sa Ganapan – kung ang paksa ay ang lugar na
pinangyarihan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Panlapi-- -an, pag-, mapag, at pang- an/ han.
Hal. Pinaglutuan ni Nena ng Bigas ang kawayan.
4. Pokus na Tagatanggap o Pinaglalaanan– kung ang
paksa ng pangungusap ay ang tagatanggap o
pinaglalaanan ng kilos.
Panlapi– I, ipang- , at ipag.
Pokus na kagamitan (Instrumental) -- kung ang paksa
ay kagamitan o kasangkapan ng kilos.
Panlapi– ipang-.
Hal. Ipang-aasim ni Rosa sa sinigang ang sampalok.
6. Pokus sa Sanhi– nasa pokus sa sanhi o kadahilanan ang
pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang sanhi o
dahilan.
Panlapi– ika-,
Hal. Ikaliligaya ko ang pagtira sa iyong bahay.
7. Pokus Resiprokal– kung ang paksa ng pangungusap ay
siyang tagaganap o tagatanggap ng kilos.
Panlapi-- mag-, at mag –an.
Hal. Muling nagsumbatan ang magkaibigan.
5.