Transcript Slide 1
At Sila’y Magiging Isa… -Efeso 5:31 Mga munting mata na sa iyo tumitingin, mga munting kamay na sa iyo kumakapit, Sa iyong pagaaruga ako’y laging mananabik, ang iyong pag-aalaga Sa aking mga panalangin ikaw ay laging kasama. Salamat sa iyong pagtitiyaga. Ang tangi mong iniisip ay ang aking kinabukasan. Sa aking murang pag-iisip, ikaw ang laging tangan. Sa bawat kabiguan ikaw ang laging tinatakbuhan. Sa bawat tagumpay na aking nakamit, ito ay sa iyo iniaalay. Sa bawat yugto ng aking kamusmusan, hindi mo ako pinabayaan. Sa pagmamahal hindi ka nagkulang. Salamat po sa aking mga magulang. Salamat po kay Itay, salamat po kay Inay. Salamat po sa mga taong nagpakahira p para sa aking kinabukasan. Salamat kay Ate. Salamat kay Kuya. Salamat mga kapatid ko, sa inyong pagmamahal at pagunawa. Biyaya kayo, aking mga kaibigan. Kayo ang aking ikalawang tahanan. Sa lahat ng ating mga pinagdaanan, hindi kayo malilimutan. Bawat tawa at bawat luha, ating pinagsaluhan. Ang ating pinagsamahan ay walang katapusan. Tayo, balang-araw ay maghihiwa-hiwalay ngunit sa espiritu natin tayo pa rin ay sama-sama at iisa. Mga mithiing nabuo sa aking damdamin, nais kong ibahagi dahil sa iyong inspirasyon. Dulot ng iyong paghihirap at pagmamahal, ang pagtulong sa kapwa ay akin ngayong dasal. Ang paglilingkod sa kapwa ay paglilingkod sa iyo. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay pagawa ng mabuti sa iyo. Turuan mo akong mahalin sila. Sa aking paghahana …ikaw ang aking natagpuan. Ang iyong tagapaglingkod ay iyong lubos na biniyayaan. Sa harap mo ngayon aking iniaalay, ang aking puso, ang aking kabiyak, ang aking buhay. Ako at ikaw ngayon ay iisa. Ang puso ko ay sa iyo kong pagkatao ay alay ko sa iyo. Katulad noong umpisa. Ako ay sa iyo. Wala nang Salamat po Panginoon sa buhay na inyong ipinagkaloob sa akin. Turuan mo po akong mag-alay din ng aking buhay sa kapwa, lalo na sa aking mahal. Manahan po kayo sa aming mga puso at maging tagapamagitan sa aming pagsasama. AMEN.