Ang Watawat ng Himagsikan • Ang unang watawat ng himagsikan ay kulay pula may tatlong K na ang ibig sabihin ay Kataastaasang Kagalanggalangan Katipunan.

Download Report

Transcript Ang Watawat ng Himagsikan • Ang unang watawat ng himagsikan ay kulay pula may tatlong K na ang ibig sabihin ay Kataastaasang Kagalanggalangan Katipunan.

Ang Watawat ng Himagsikan
• Ang unang watawat
ng himagsikan ay
kulay pula may
tatlong K na ang ibig
sabihin ay Kataastaasang Kagalanggalangan Katipunan.
ANG NAUNANG AYOS NG WATAWAT NG
KATIPUNAN
•Ito ay may
tatlong K na
nakaayos
nang
patatsulok.
Ang Watawat na may K lamang sa
Gitna
• Lahat ay may
pundong pula na
nagpapahiwatig ng
paghihimagsik ng
Katipunan
ANG WATAWAT NI BONIFACIO
• Ang watawat na ito, na
gawa ng mga kababaihang
kasapi ng Katipunan bago
sumiklab ang himagsikan ,
ay unang ginamit sa Sigaw
sa Pugad Lawin na
naganap noong ika-23 ng
Agosto, 1896. Ito ang
panseremonyang
bandilang pandigma ni
Supremo Andres Bonifacio
mula 1892-1896.
ANG OPISYAL NA WATAWAT NG
PAMAHALAANG DE FAKTO
• Ginawa makaraang
magsanib ang mga
Konseho Magdiwang at
Magdalo). Ang walong (8)
sinag araw ay
kumakatawan sa Maynila,
Bulakan, Pampanga, Nueva
Ecija, Tarlac, Laguna,
Cavite at Batanggas. Ang
nasa gitna ng araw ay ang
sinaunang alibatang
Pilipino K para sa
”Kalayaan”.
ANG UNANG OPISYAL NA
REBISYON
• Ang watawat ay
binago at
ipinahayag din na
opisyal na watawat
ng Pamahalaan ng
Pilipinas at ng
Hukbo nito sa
Asamblea sa Naic,
Cavite noong ika-17
ng Marso, 1897.
ANG WATAWAT NI LLANERA
• Ang watawat na ginamit ni
Hen Mariano Llanera sa
San Isidro, Nueva Ecija ay
tinatawag kung minsann
na ”Bungo ni Llanera.”Ayon
sa mga kuwento, kinuha ni
Llanera ang disenyong ito
sa seremonya sa
pagtanggap sa mga
bagong kasapi ng
Katipunan na gumagamit
ng itim na sumbrero,
puting tatsulok at mga titik
na Z.,Li., B.
ANG WATAWAT NI PIO DEL
PILAR
• Tinawag na bandila ng
Matagumpay. Ang
watawat ni Hen. Pio
del Pilar ay may
walong (8) sinag sa
papasikat na araw na
sumasagisag sa unang
walong lalawigan na
isinailalim sa batas
militar ng mga
Kastilang mananakop.
ANG WATAWAT NI GREGORIO
DEL PILAR
• Ito ang unang watawat na
gumamit ng tatlong kulay:
pula, asul at itim. Ang tatlong
kulay na watawat ni G. Del
Pilar ay ginamit sa labanansa
Pasong Balite, Bulakan at sa
kanyang huling
pakikipaglaban sa Labanan sa
Pasong Tirad, Ilocus Sur
noong ika-2 ng Disyembre,
1899. Ayon kay G. Del Pilar,
ang disenyo ay hinalaw sa
watawat ng Cuba, na noon ay
naghihimagsik laban sa
Kastila.
ANG KASALUKUYANG
WATAWAT
• Ang kasalukuyang
pambansang watawat ay
kumuha sa mga katangianng
lahat ng naunang mga
watawat ng Katipunan. Ito ay
iwinagayway sa balkonahe ng
tahanan ni Heneral Emilio
Aguinaldo anim na linggo
makaraan ang Labanan sa
Manila Bay. Ang sukat at
kulay nito ay itinakda ng
Pangulong Manuel L. Quezon
sa Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 23
noong ika-25 ng Marso, l936.