Ngunit ang lahat ng tumanggap sa Kanya ay

Download Report

Transcript Ngunit ang lahat ng tumanggap sa Kanya ay

Kataga ng Buhay

Disyembre 2012

«Ngunit ang lahat ng tumanggap sa Kanya ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Diyos.

» (Jn 1,12)

Ang mahalagang balita na ipinahayag ni Jesus sa sangkatauhan ay ito: maaari tayong maging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng biyaya.

Kanino ibinigay ang biyayang ito? ‘Sa lahat ng tumanggap sa Kanya’ at sa mga tatanggap pa sa pagdaan ng panahon.

Paano natin ito tatanggapin? Kailangang tanggapin natin si Jesus ng may pagtitiwala at pagmamahal, ng may paniniwalang Siya ang ating Tagapagligtas.

Unawain nating mabuti kung ano ang ibig sabihin ng maging anak ng Diyos.

Kailangan lang nating tingnan si Jesus, ang Anak ng Diyos, at ang kanyang ugnayan sa Ama: nanalangin si Jesus sa kanyang Ama, katulad ng sa “Ama namin”. Para sa kanya ang Ama ay “Abba” na ang ibig sabihin ay “Tatay”, ang taong kanyang binabalingan ng may walang hanggang pagtitiwala at pagmamahal.

Dahil bumaba Siya sa lupa para sa atin, hindi naging sapat para sa kanya na Siya lamang ang pinagpala.

Sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay para sa atin upang tayo ay maligtas, ginawa niya tayong mga anak ng Diyos, kanyang sariling mga kapatid. At sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ibinigay din Niya sa atin ang posibilidad na maipakilala tayo sa puso ng Banal na Santatlo

Upang tayo rin ay magkaroon ng pagkakataong ulit-ulitin ang banal na panalangin: “Abba, Ama!” Maaari rin nating tawagin ang Diyos, “Aming Tatay!... aking Tatay!”

Ang panalanging ito ay nagpapahayag ng maraming bagay: ang katiyakan ng Kanyang pag-aaruga, tunay na pagtitiwala, pagpapailalim sa Kanyang pagmamahal, banal na kaaliwan, lakas, at sigla - ang sigla na nararanasan kapag ang isang tao ay nakakatiyak na siya ay minamahal.

«Ngunit ang lahat ng tumanggap sa Kanya ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Diyos.

»

Ang nagbubuklod sa atin kay Kristo, bilang mga anak kasama Niya at sa Kanya ay ang binyag at ang buhay ng biyaya na nagmumula dito.

Gayundin, ang salitang ito mula sa Ebanghelyo ay nagpapahayag sa atin ng malalim na kasiglahan ng pagiging anak ng Diyos, na kailangan nating isabuhay sa bawat araw. Sa katunayan, ay kinakailangan talaga tayong mabuhay bilang mga anak ng Diyos.

Tayo ay nagiging anak ng Diyos, lumalago bilang anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagtugon sa Kanyang biyaya, sa pagsasabuhay ng Kanyang kalooban, na ang kabuuan ay nasa batas ng pagmamahal: pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa.

Kaya’t ang pagtanggap kay Jesus ay nangangahulugan ng pagkilala sa Kanya sa lahat ng ating kapwa. Kapag ginawa natin ito, hinahayaan natin ang ating kapwa na makilala si Jesus at maniwala sa Kanya kapag sa sandaling nmaunawaan nila sa ating pagmamahal na ito para sa kanila ang bahagyang kislap ng walang hanggang pagmamahal ng Ama.

«Ngunit ang lahat ng tumanggap sa Kanya ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Diyos.

»

Sa buwang ito kung saan ipinagdiriwang natin ang pagsilang ni Jesus dito sa mundo, sikapin nating makipag-ugnayan sa bawat isa sa paraan na ang nakikita at pinaglilingkuran ay si Jesus

Sa ganitong paraan,ang tugunang pagmamahal, karunungan at buhay katulad ng ugnayang nagbubuklod sa Anak at Ama sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay magiging ugnayan din natin sa Ama upang palaging mamutawi manatili sa ating mga labi ang panalangin ni Jesus: ‘Abba, Ama’.

«Ngunit ang lahat ng tumanggap sa Kanya ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Diyos.»

(Jn 1,12)

Isinulat ni: Chiara Lubich