Pang-abay Powerpoint Presentation

Download Report

Transcript Pang-abay Powerpoint Presentation

Pang-abay
Kahulugan
Istruktural
Pansemantika
Pang-abay na
Kataga o
Ingklitik
Pang-abay na Salita
o Parirala
Pamanahon
Panlunan
Pamamaraan
Pang-agam
Kundisyunal
Panang-ayon
Pananggi
Panggaano
Kusatibo
Benepaktibo
Pangkaukulan
Istruktural
• Ang pang-abay ay
nakikilala dahil sa kasama
ito sa pandiwa, pang-uri o
isa pang pang-abay na
bumubuo ng parirala.
Pansemantika
• Nagbibigay-turing sa
pandiwa, pang-uri o sa iba
pang pang-abay.
• Halimbawa:
Malayang
mamumuhay
ang mga
mamamayan.
Mga katagang
laging sumusunod sa
unang salita ng
kayariang
kinabibilangan.
16 na Kataga
• ba
man
muna
nga
yata
daw/raw
din/rin
lamang/lang
naman
na
pala
tuloy
kaya
pa
sana
Pang-abay na
Pamanahon
Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap
ang kilos na taglay ng pandiwa.
May
pananda
Walang
Pananda
Dalas ng
Pagganap
nang, sa, noong, kung,
kapag, tuwing, buhat,
mula, umpisa, hanggang
• Halimbawa: Kailangan ka
bang pumasok
nang arawaraw.
kahapon, kangina, ngayon,
bukas, sandali at iba pa
• Halimbawa: Manonood kami
bukas ng
pambansang
pagtatanghal.
araw-araw, taon-taon,
oras-oras at iba pa
• Halimbawa: Dinidilig arawaraw ng masipag
na hardinero
ang malawak na
damuhan sa
paaralan.
Pang-abay na
Panlunan
Tumutukoy sa pook na pinangyayarihan o
pangyayarihan ng kilos ng pandiwa.
kay o kina
Kapag kasunod ay
pantanging ngalan ng
tao.
sa
Kapag kasunod ay
pangngalang pambalana
o panghalip.
kay + pangngaalang pantanging ngalan ng tao
Tumawag siya kay Fely upang ipagbigay-alam
ang nangyari.
kina + pangngaalang pantanging ngalan ng tao
Nagpaluto ako kina Aling Ingga ng masarap na
keyk para sa iyong kaarawan.
sa + pangngalang pambalana
Maraming masasarap na ulam ang itininda sa kantina.
sa + pangngaalang pantangi na di ngalan ng tao
Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo at sa PNC tungkol sa wika.
sa + panghalip na panao
Ninawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.
sa + panghalip pamatlig
Nagluto sa ganito ang kanyang ina.
Maaring sundan ng pariralang pusisyunal na pangngalan at ng.
Nakita ko ang hinaharap mo sa likod ng kabinet.
Pang-abay na
Pamamaraan
Naglalarawan kung paano naganap o magaganap
ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa o ng isang
kayariang hango sa pandiwa.
Panandang
nang
Halimbawa:
Kinamayan niya ako
nang mahigpit.
Panandang
na/-ng
Halimbawa:
Bakit siya umalis na
umiiyak?
Tumawa siyang parang
sira ang isip.
Pang-abay na
Pang-agam
Nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa
kilos ng pandiwa.
marahil, siguro, tila, baka, at iba pa
Halimabawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa
desisyon ng Sandiganbayan.
Pang-abay na
Kundisyunal
Nagsasad ng kundsyon para maganap ang kilos
na isinasaad ng pandiwa.
kung, kapag, o pag at pagkaHalimbawa:
Luluwag ang ekonomya ng bayan kapag nakapagtatag ng
maraming industriya dito sa atin.
Pang-abay na
Panang-ayon
Nagsasaad ng pagsang-ayon.
oo, opo, tunay, talaga, at iba pa
Halimbawa:
Oo, asahan mo ang
aking pagtulong.
Pang-abay na
Pananggi
Nagsasaad. pagtanggi
hindi/di at ayaw
Halimbawa:
Hindi pa lubusang
nagagamot ang sakit an
kanser
Pang-abay na Panggaano
o Pampanukan
Nagsasaad ng timbang o sukat.
Halimbawa:
Tumaba ako nang limang libra.
Tumagal nang apat na oras ang
opersyon niya.
Pang-abay na
Kusatibo
Nagsasaad ng dahilan sa
pagganap ng kilosng pandiwa.
dahil sa,sanhi ng/sa, bunga ng/sa
Halimbawa:
Nagkasakit si Vianing dahil sa
pagpapabaya sa katawan.
Pang-abay na
Benepaktibo
Nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil
sa pagganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng
kilos ng pandiwa..
para sa
Halimbawa:
Mag-aroskaldo ka para
sa maysakit.
Pang-abay na
Pangkaukulan
Nagsasaad ng pag-uukol.
tungkol, hinggil o ukol
Halimbawa:
Nagpalno kami tungkol
sa gagawin nating
pagdiriwang.