Iba*t ibang Akda sa Panahon ng Español

Download Report

Transcript Iba*t ibang Akda sa Panahon ng Español

Iba’t ibang Akda sa Panahon ng Español

Dulang Pantanghalan

Sanaysay

Tula

Dulang Pantanghalan

Karagatan

Eupemistikong pahayag

Duplo

Ang Karagatan

Ang karagatan ay isang larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang yumao.

Sa katagalugan, ang karagatan ay isang dulang nababatay sa isang alamat tungkol sa singsing ng isang prinsesa. Ang singsing diumano ay nahulog sa dagat at ang binatang makakakuha nito ay magiging mapalad sa pag-ibig ng dalaga.

Ang Karagatan

1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.

2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.

3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing.

4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing.

5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.

6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring pagkaing-nayon.

7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.

8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.

9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan ng dalaga ng talinghaga.

10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may tandang puti. 11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang talinghaga.

Ang Duplo

Ang duplo, katulad ng sa karagatan ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at may layuning aliwin ang mga naulila. Ang mga pananalita’y patula ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma.

Eupemistikong pahayag

Alam mo ba?

Ang Matalinghagang Pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.

Pansinin ang sumusunod na impormasyon.

1.Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa: a.paksa ng usapan b.taong sangkot sa usapan c.lugar

2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang.

3. Gumagamit ng talinghaga nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.

para ‘di tuwirang tukuyin ang Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag na ang damdamin ng iba.

eupemismo

. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan

Halimbawa:

Sa halip na sabihing:

1. patay 2.nadudumi

3. iniwan ng asawa 4. Katulong

Gumagamit ng:

sumakabilang buhay tawag ng kalikasan sumakabilang bahay kasambahay

Ang pagsasalita ay isa sa likas na gawain ng tao. Naipakikilala mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit. Sa layuning hindi makasakit sa damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng magagandang pahayag.

Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng matatalinong pagkukuro. Ito'y makatwirang paghahanay ng mga kaisipan at ng damdamin ng sumusulat ayon sa kanyang karanasan, kaalaman at haka-haka.

Ang karanasan ang nagtutulak sa tao upang siya ay makapagpahayag. Maraming karanasan ang idinulot ng pananakop ng mga dayuhang Español sa loob ng mahabang panahon. Bagamat dumanas ng paniniil ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan, hindi ito naging hadlang upang ipahayag nila ang kanilang pananaw, damdamin at saloobin.

Ano nga ba ang TULA ?

Ang

Tula

ay nagsasabing ito ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.

Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan.

Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa dito. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa. Ito ay maaaring batay sa emosyon at damdamin ng tao base sa kanyang karanasan .

Uri ng TULA

a.) Tulang Pasalaysay

b.) Tulang Pandamdamin o liriko

c.) Tulang Padula o dramatiko

d.) Tulang Patnigan

Para sa karagdagang impormasyon suportahan ang website na ito.

http://pilipinasatbp.wordpress.com/tag/tulang dula-o-pantanghalan/

ay kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan.

a. Epiko- mahabang tulang pasalaysay na naglalarawan ng pambihirang katangian at kapangyarihan ng pangunahing tauhan.

Hal. Biag ni lam-ang, Indarapatra at Sulayman http://teksbok.blogspot.com/2010/09/awit-at korido.html

Pindutin ito

ay mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao.

http://www.scribd.com/doc/61295829/Tulang Pandamdamin

Pindutin ito

Mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan.

Hal.

a. Senakulo - pagsasadula ng buhay ng Panginoon mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan b. Sarswela - drama musikal na tumatalakay sa maigting damdamin ng tao: pag-ibig, paghihigati, kalupitan at mga sulraning sosyal at poltikal.

c. Moro-moro - paglalaban ng Moro at Kristiyano d.Karilyo- pag-akto at pagdayalogo ng mga aninong repleksiyon ng mga tautauhang yari sa karton at gumagalaw sa likod ng puting kumot o tabing.

mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan.

http://tl.wikipedia.org/wiki/Tulang_patnigan

Pindutin ito

Anyo ng TULA

Ang malayang taludturan

Ang tradisyunal na tula

Ang katutubong anyo ng tula

Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang ano mang naisin ng sumusulat.Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla. Ayon sa kanya, maaaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma. Ngunit dapat manatili ang karikatan, ito ay ang paggamit ng matatalinhagang pahayag na ipinakilala niya Sa kanyang tulang “ Ako ang Daigdig”.

http://lrmshspluma.t83.net/#/malayang taludturan/4527398188

Pindutin ito

Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.

Samantalang ang dalawa ay maiintindihan na sa tawag pa lamang dito.Ang anyo ng tula na May sukat na walang tugma at Walang

sukat na may tugma.

Ngunit di lang diyan nagtatapos ang lahat.May tatlong natitira at kakaibang anyo pa ang tula na kinakailangan ninyong malaman.Ito ay ang DIONA, TANAGA at DALIT.

Tatlong Uri ng Katutubong Tula

Diona

Tanaga

Dalit

DIONA - Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

TANAGA - Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.

Pindutin ang website na ito para sa karagdagang impormasyon.

http://tagaloglang.com/Basic-Tagalog/Mga-Halimbawa/tanaga-maiikling tula.html

Pindutin ito

DALIT - Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Pindutin ang website na ito para makita ang halimbawa ng tulang diona.

http://wiki.answers.com/Q/Mga_halimbawa_ng_ dalit

Pindutin ito