Ang Kasamaan ni Adolfo

Download Report

Transcript Ang Kasamaan ni Adolfo

Ang Kasamaan ni Adolfo
Ginawa nina:
-Samantha Cheng
- Chloe Cheng
-Camille Gaw
-Gershwin Choa-Shi
-Christian Angping
-Isaac Cheung
Talasalitaan
1.
2.
3.
4.
5.
Ipinunla – Itinanim
Nasupil – Nalupig; Nasugpo; Napigil
Binidbid – Binalot ng tali
Karsel – Kulungan; Bilangguan; Pilitan
Nagsulit – Nagpaliwanag; Nag-ulat; Nagharap
Saknong 329-330
329
‘’Lumago ang binhing mula sa Atenas
ipinunlang nasang ako’y ipahamak;
kay Adolfo’y walang bagay na masaklap,
para ng buhay kong hindi nauutas.
Maraming magagandang bagay nagawa
si Florante; ngunit lumabas ang tunay
na kulay ni Adolfo na may masamang
balak kay Florante.
330
‘’Di nag-ilang buwan ang sa reynong tuwa
at pasasalamat sa pagkatimawa.
dumating ang isang hukbong maninira
na taga-Turkiyang masakim na lubha
Nang maatasang si Florante ay maging
Pinuno ng hukbo, sumugod ang hukbo
ng Turkiya.
Saknong 331-332
331
‘’ Dito ang panganib at pag-iiyakan
ng bagong mahugot sa dalitang bayan,
lalo na si Laura’t ang kapangambahan
ang ako ay sumaing-palad sa patayan.
Dito nabuo ang takot sa bayan
ni Florante lalo na kay Laura na
magalala sa pagkahuli kay Florante.
332
‘’Sapagkat heneral akong iniatas
ng hari sa hukbong sa Moro’y lalabas
nag-uli ang loob ng bayang nasindak
puso ni Adolfo’y parang nakamandag
Sa pagkahirang bilang heneral ni
Florante para iligtas ang kanyang bayan
lalong tumindi ang inggit ni Adolfo sa
kanya.
Saknong 333-334
333
‘’Niloob ng langit na aking nasupil
ang hukbo ng bantog na si Miramolin,
siyang mulang araw ng ikinalagim
sa reynong Albanya ng Turkong masakim
Niloob ng Diyos na matalo ni Florante
ang mga kaaway na gustong sumakop
sa kanyang bayan.
334
‘’Bukod dito’y madlang digma ng kaaway
ang sunud-sunod kong pinagtagumpayan
anupat sa aking kalis na matapang,
labimpitong hari ang nangagsigalang.
Halos lahat ng mga kaaway ni Florante
na sunod-sunod na sumugod ay
kanyang napagtagumpayan kaya labing
pitong mga hari ay ginagalang siya.
Saknong 335-336
335
‘’Isang araw akong bagong nagbiktorya,
sa Etolyang s’yudad na kusang binaka
tumanggap ng sulat ang aking monarka,
mahigpit na biling umuwi sa Albanya.
Nakatangap ng sulat si Florante
matapos ang kanyang selebrasyon ng
tagumpay ay nagsasabi na umuwi na
siya sa Albanya.
336
‘’ At ang panihala sa dala kong hukbo
ipagkatiwalang iwan kay Menandro;
noon di’y tumulak sa Etolyang reyno,
pagsunod sa hari’t Albanya’y tinungo.
Iniwan ni Florante ang hukbong
ipinagkatiwala sa kanya kay Menandro
at tumungo papuntang Albanya.
Saknong 337-338
337
“Nang dumating ako’y gabing kadiliman,
Dumating siya sa gabing
pumasok sa reynong walang agam-agam, madilim pumasok sa Albanya, hindi
pagdaka’y nakubkob, laking kaliluhan,
niya inaasahang may tatlumpung libong
ng mayro’ng tatlumpung libong sandatahan. Hukbo ang nag-aabang sa kanya.
338
“Di binigyang daan akin pang mabunot
ang sakbat na kalis at makipagmook,
buong katawan ko’y bindbidng gapos,
piniit sa karsel na katakut-takot.
Hindi na siya nakabunot ng sandata
buong katawan ni Florante ay ginapos
hanggang sa di na siya makakilos.
Saknong 339-340
339
“Sabihin ang aking pamamangha’t lumbay Nalungkot si Florante dahil sa nalaman
lalo nang matantong monarka’y pinatay
niya pinatay ang mga monarka at
ng Konde Adolfo’t kusang idinamay
idinamay ang kanyang ama.
ang ama kong irog na mapagpalayaw.
340
“Ang nasang yumama’t haring mapatanyag
at uhaw sa aking dugo ang yumakag
sa puso ng Konde sa gawang magsukap!
O napakarawal ng Albanyang s’yudad!
Sa sobrang inggit ni Adolfo kay Florante
at gustong sumikat sa makasariling
Paraan idinamay pati ang bayan ni
Florante.
Saknong 341-342
341
“Mahigit kang aba sa mapagpunuan
ng hangal na puno at masamang asal,
sapagkat ang haring may hangad na yaman
ay mariing hampas ng langit sa bayan.
Si Adolfo ay punong-puno ng kasamaan
sa puso, walang hanggad kundi
yumaman isa palang walang karapatan
sa langit.
342
“Ako’y lasong aba’t dinaya ng ibig,
may kahirapanpang para nang marinig
na ang prinsesa ko’y nangakong mahigpit,
pakasal sa Konde Adolfong balawis!
Pati ang minamahal ni Florante na si
Laura ay inagaw sa kanya, at pilit na
ipinakakasal ni Adolfo sa kanya.
Saknong 343-344
343
“Ito ang nagkalat ng lasong masidhi
sa ugat ng aking pusong mapighati,
at pinagnasaang buhay ko’y madali
sa pinanggalingang wala’y masauli.
Si Adolfo ang naging dahilan kung bakit
nagkaroon ng hinagpis ang kanyang
puso.
344
“Sa pagkabilanggong labinwalong araw
naiinip ako nang di pagkamatay,
gabi nang hangui’t ipinagtuluyan
sa gubat na ito’t kusang ipinugal.
Nabilanggo si Florante ng labingwalong
araw at gusto na niyang pumanaw at
dinala sa gubat na hirap ang kanyang
naranasan.
Saknong 345-346
345
“Bilang makalawang niligid ni Pebo
ang sandaigdigan sa pagkagapos ko;
nang inaakalang nasa ibang mundo,
imulat ang mata’t nasa kandungan mo.
Sa naranasan ni Florante sa kagubatan
akala niya ay nasa ibang mundo na siya.
346
“Ito ang buhay kong silu-silong sakit
at hindi na tanto ang huling sasapit”
mahabang salita ay dito napatid,
ang gerero naman ang siyang nagsulit.
Nang kanyang binukasan ang mata,
isang gerero ang tumulong at inalis siya
sa kahirapan.