Ang Daga at ang Leon- Filipino 5 Madamdaming Pagbasa

Download Report

Transcript Ang Daga at ang Leon- Filipino 5 Madamdaming Pagbasa

Ang Daga at ang Leon
 Sa gubat ay may nakatirang isang
munting daga. Isang araw ay
lumabas siya sa kanyang lungga
upnag maghanap ng makakain.
Habang gumagala siya ay
napansin niya ang isang bunton
ng mga dayami at sinimulan
niyang halukayin iyon.
 Bigla, nakarinig ang daga ng
malakas na atungal . Tumilapon
siya sa lupa. Pagtingin niya ay
nakita niya ang isang
nangngangalit na leon.
 “Naku po, nagising ang
natutulog na leon!”
 Bulalas niya. Nanginig sa takot
ang daga.
 “Patawarin mo ako Haring
Leon.”
 Anang daga.
 “ Napagkamalan kong dayami
ang iyong buhok. Huwag mo
akong sasaktan. Pangako,
makakaganti rin ako ng
kabutihan sa ’yo balang-araw.
 Matamang pinagmasdan ng
leon ang daga at biglang
tumawa.
 “Napakaliit mong nilalang,
Daga. Wala kang silbi. Kahit ay
hindi kita kakailaganin. Tsupi!”
 Kumaripas ng takbo palayo ang
daga. Lumipas ang mga araw.
Muling gumala ang daga sa
gubat para maghanap ng
makakain. Nakita niya ang leon
na umaalagawa mula sa isang
bitag.
 “Tiyak na papatayin ang Haring
Leon pagdating ng
mangangaso.”
 Anang daga sa sarili. Nagpasya
ang daga na tulungan ang leon.
Heto na ang pagkakataong
hinihintay niya. Gusto niyang
ipakita sa leon na mayroon
siyang silbi rito at kailangan
siya nito. Sinimulang
ngatngatin ng daga ang bitag.
 Sa pagangatngat ng daga ay
tuluyang nawarat ang bitag. Sa
wakas ay nakawala ang leon!
Pagkatapos niyang
mahimasan ay binalingan ng
leon ang daga.
 “Maraming salamat, Daga.
Ngayong araw ay may
mahalagang aral na natutuhan
ko mula sa ‘yo. Kahit maliit ka
ay may silbi ka sa isang
malaking nilalang na katulad
ko.”
 Mula noon ay nagging
magkaibigan ang daga at ang
leon.
Salamat sa
Pakikinig!!!
Pangkat 2:





Karl Go
15
Jacques Chua 8
Christian Dy 12
John Ledesma 20
David Chua
7