Ang La Solidaridad - HEKASI 1-7

Download Report

Transcript Ang La Solidaridad - HEKASI 1-7

ANG KILUSANG
PROPAGANDA
1. Ang pagkapantay-pantay ng mga Kastila at mga Pilipino.
2. Ang kilalanin ang Pilipinas bilang isang lalawigan ng
Espanya.
3. Pagkakaroon ng Pilipinong kinatawan sa Spanish
Cortes.
4. Ang sekularisasyon ng mga parokya.
5. Kalayaan sa pananalita at pamamahayag.
• Ang La Solidaridad
• Ang La Solidaridad ang opisyal na pahayagan ng
Kilusang Propaganda. Inilunsad ito noong 1889 at unang
lumabas noong ika-15 ng Pebrero 1889. Naglalaman ito
ng mga isinulat ng mga propagandista o repormista sa
pamamatnugot ni Graciano Lopez Jaena hanggang
Disyembre 15, 1889.
• Ang sumunod na patnugot nito ay si Marcelo H. del Pilar
na tumagal hanggang Nobyembre 15,1895. Ipinahayag
ng maraming Pilipino ang pagmamalabis ng mga
Espanyol at Prayle sa Pilipinas sa kanilang mga lathalain
sa pahayagan. At upang itago ang kanilang tunay na
katauhan ay nagsigamit ng iba’t- ibang pangalan habang
ginagawa ang pagtuligsa sa kanila.
Kilala dito sina:
Dr. Jose Rizal - Laong-Laan at Dimas alang
Mariano Ponce –Kalipulako, Tikbalang at Naning
Marcelo H. del Pilar –Plaridel
Antonio Luna – Taga-ilog
Jose Ma. Panganiban –Jomapa
Sa mga kilalang repormista sa Espanya ay nangunguna
sina Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar at Jose
Rizal.
• Jose Rizal
• -ipinanganak sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng
Hunyo 1861.
• -nakapag-aral sa Ateneo de Manila kung saan nagkamit
siya ng mataas na karangalan hindi lamang sa kanyang
pag-aaral kundi sa larangan din ng panitikan.
• -nag-umpisa siyang mag-aral ng medisina sa
Unibersidad ng Sto. Tomas at tinapos niya ang kanyang
pag-aaral sa Unibersidad ng Madrid
• -sa gulang na tatlong taon (3)- alam na alam na niya ang
alpabeto
• -limang
taon (5)- nakapagsasalita na siya ng Kastila
• -walong taon (8)- nakasulat na siya ng isang drama
sa Tagalog
• -labinlimang taon (15)- isa na siyang mahusay na
makata, iskultor at pintor
• -labingwalong (18)- nanalo siya ng unang gantimpala
sa kanyang Sa Kabataang Pilipino (To the Filipino
Youth)
• -dalawampu’t apat (24)- iskolar na siya ng Europe
• -bilang linggwistika nakapagsasalita siya ng 22 wika
• -nagtapos ng
medisina sa Espanya, at
nagpakadalubhasa siya sa mga unibersidad ng
Berlin, Leipzig at Heidelberg sa Alemanya
• -isa siyang henyo sa panitikan, ang pinakamahusay
niyang tula ay ang Ultimao Adios ( Last Farewell)
• -isinulat niya ang dalawang nobela na nakatulong sa
layunin ng Propaganda, Ang Noli Me Tangere (Berlin,
1887) at El Filibusterismo (Ghent, 1891)
• -Disyembre 30, 1896-binaril siya sa Bagumbayan
• Graciano Lopez Jaena
• -pangunahing orador o mananalumpati ng Propaganda
• -isinilang siya sa Jaro, Iloilo noong ika-17 ng
Disyembre, 1856
• -nakapag-aral siya sa Seminaryo ng Jaro at tinangka
niyang mag-aral ng medisina sa Unibersidad ng Sto.
Tomas subalit siya’y tinanggihan sa dahilang hindi
tapos ng Bachelor of Arts
• -nagtrabaho siya sa Ospital ng San Juan de Dios at sa
ganitong paraan nakapagtamo siya ng kaalaman sa
medisina
• -sa
kanyang talumpati, buong tapang niyang tinuligsa
ang mga kapangyarihan ng mga prayle sa Pilipinas
• -isinulat niya ang Fray Botod na naglalahad sa
immoralidad, pagmamalabis at kamangmangan ng
isang prayleng nagngangalang Botod
• -nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad ng Valencia
• -itinatag niya ang La Solidaridad noong 1889 sa
Barcelona, Spain
• -naglathala siya ng mga babasahin na humihingi ng
mga pagbabago sa Pilipinas
• -bagama’t nagdaranas ng kahirapan at sakit, patuloy
niyang itinaguyod ang kapakanan ng kanyang bayan
• -namatay siya sa sakit na tuberculosis noong ika-20 ng
Enero 1896
• Marcelo H. del Pilar
• -isang matapang na abogado at manunulat at
itinuturing na pinakdakilang peryodista ng Propaganda
• -isinilang sa Cupang, Bulacan noong ika-30 ng
Agosto, 1850
• -nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Sto.
Tomas
• -itinatag niya ang Diaryong Tagalog, unang pahayagan
sa wikang Tagalog
• -dito niya ibinunyag at hayagang binatikos ang pangaabuso at katiwalaan ng mga pinunong kolonyal lalo
na ang mga prayle na sanhi ng mga paghihirap ng
mga Pilipino.
• -isinulat niya ang Caiigat Cayo, sa pangalang
Dolores Manapat bilang pagtatanggol sa
panunuligsa ng mga prayle laban sa Noli.
• -isinulat niya ang Dasalan at Tuksuhan, Amain
Namin, at Sampung Utos ng mga Prayle.
• -humalili siyang patnugot ng La Solidaridad
• -itinaguyod niya ang gawain ng kilusan sa
pamamagitan ng kanyang mga lathalain at
editorial
• -namatay siya sa Barcelona noong ika-4 ng Hulyo,
1896
•