Transcript File

Panimula : Paksa at Tisis
Katawan : Istraktura , Nilalaman at
Order
Wakas : Paglalagom at Kongklusyon
Panimula : Paksa at Tisis
ito ay napakahalagang bahagi ng isang tekso
sapagkat nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa
upang basahin ang teksto.
Ito rin ang nagpapakilala sa paksa at tisis ng
teksto. Sa bahaging ito, iniintrodyus ang topic na
iniikutan ng teksto at inilalatag dito ang tisis o ang
kaligiran ng paksa na maaaring buuin ng proposisyon,
pahayag o asersyon hinggil sa tatalakaying paksa o mga
katwirang papatunayan o pasisinungalingan.
Wika nga nina Bernales, et al. (2001) ,
maihahalintulad ito sa Display window ng mga
tindahan na hindi lamang nagsisilbing pang-akit sa
mga mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang
abeylabol na paninda o haylayt na paninda.
Ito ay nagbibigay- ideya sa mga mambabasa
kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung ano
ang paniniwala, asersyon o proposisyon ng may akda
sa paksang iyon.
Kung epektib ang pagkakasulat ng panimula,
makakabuo agad ng hinuha ang mga mambabasa
tungkol sa teksto at hindi sila malilihis sa tunay na
nilalaman niyon.
Kung magkagayon, magsisilbi itong isang
malakas na pwersa upang ipagpatuloy nila ang
pagbabasa sa teksto.
Sayang siya! Ang
Kaya lang ang
ganda pa naman
look
pangit Girls,
ng
ng mukha nya..
katawan!at her !
……??
Totally
right!
Katawan : Istraktura , Nilalaman at
Order
Ang katawan ay hindi lamang ang kalakhan at
pinakamahabang bahagi ng isang teksto.
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng anumang
teksto.
Nilalaman din nito ang pinakakaluluwa ng teksto
Sa pagsulat ng Katawan ng Teksto :

mahalagang maisaalang alang ang istraktura,
nilalaman at kaayusan nito.
Kailangan matukoy muna
impormasyong dapat ipaloob doon.

ang
mahahalagang
Samantala, ang Istraktura at order ang
pinakalansay ng teksto. Kaya kailangan na mapili ang
wasto at angkop ang istraktura ng teksto depende sa
paksa at mga detalyeng kaugnay nito. Kailangan ding
maisaayos ang nilalaman sa isang lohikal na order.
Samakatwid, sa pagsulat ng katawan ng teksto,
mahalagang maisaalang-alang ang mga sumusunod na
katangian :
a. Anu-ano ang mga mahahalagang impormasyon o
detalyeng kailangan ilahad at talakayin sa katawan?
b. Bakit iyon mahalaga at kailangan?
c. Paano dapat ilahad ang mga impormasyon o
detalyeng iyon?
Wakas : Paglalagom at Kongklusyon
Ito ang panghuling
panimula, kailangan din
pansin sapagkat ang
pagbubuo nito ay ang
mahahalagang kakintalan
bahagi ng teksto. Tulad ng
itong maging makatawagpangunahing layunin sa
pag-iiwan ng isa o ilang
sa mambabasa.
Ito ang nagsisilbing huling impresyon na
mananatili sa isipan ng mga mambabasa na maaaring
makaimpluwensya sa pagbabago ng kanyang pananaw
ukol sa paksang tinalakay o impormasyong natutunan.
Sa pagsulat ng bahaging ito ng teksto,
mahalagang magamit ang kasanayan sa paglalagom at
pagbubuo ng kongklusyon.
Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng
teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa
pinakamaikling paraan.
Ang kongklusyon ang naglalahad ng inferences,
proposisyon o deductions na mahahango sa
pagtatalakay sa teksto.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng wakas :
 Hindi dapat maging mahaba at maligoy ang
pagwawakas ng teksto.
 Maari itong maging isang pangungusap lamang o
isang naghahamong katanungan.
 Kailangan na maisaalang-alang kung angkop ito sa
paksang tinatalakay sa layunin sa pagsulat at kung
epektib ito sa pag-iiwan ng inaasahang impresyon sa
mga mambabasa.
Mahahalagang Kabatiran sa
Akademikong Pagsulat
• Ang akademikong papel ay may higit
na masinsinang pagtalakay at may
sinasagot na katanungan o larangan
ng pananaliksik sa pamamagitan ng
mga datos o impormasyong makakalap
mula sa mga makikitang pag-aaral at
literatura.
•Ang isang akademikong papel sa antas
kolehiyo ay karaniwang binubuo ng 2,000
hanggang 3,000 salita o 15 hanggang 20 pahina.
• Ang pagsulat ng akademikong papel ay
nangangailangan ng masusi at maingat na
pagsisiyasat at pangangalap ng mga datos
upang
mapagtibay,
maipaliwanag
mapasubalian at mapahalagahan ang
isang paksain.
Mga Pakinabang na Dulot
ng Akademikong Pagsulat
a. Mapapaunlad ang kakayahan sa
paggamit ng aklatan sa paghahanap ng
mga materyales at mapapaunlad ang
mga pagpapahalagang iskolarli.
b.
Malilinang ang kakayahan sa mapanuring
pagbasa at pagsulat tulad ng paggawa ng buod,
pagtatala, pagbabalangkas ng mga ideya at pagoorganisa ng mga impormasyon sa isang
mapanghikayat na sulatin.
c. Makikilala ang mundo ng aklatan bilang balon ng
impormasyon at datos at ang mundo sa
pangkalahatan bilang batis ng iba’t ibang kaalamang
kailangan salain at suriin para sa akademikong
pagsulat.
d. Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng
kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa
kaalaman ng lipunan.
e. Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng
kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa
kaalaman ng lipunan.
f. Malilinang ang pagpapahalaga sa paggalang sa
katotohanan --- ang paggalang sa likha at akda ng
iba bunga ng kanilang pag-aaral at akademikong
pagsisikap.
g. Sa pamamagitan ng pagtatala at maingat na
dokumentasyon ng pinaghalawan ng mga ideya at
impormasyon ay maaari ring masanay sa pagkilala ng
akda ng may akda at ang pagpapahalaga sa
katapatang
intelektwal
bilang
sangkap
ng
akademikong pagsulat.
h. Inaasahan ding mabubuksan ang isip ninyong
mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan
ng pagharap ng hamon ng pagiging obhetibo sa
pagtanaw sa mga pangyayari at impormasyon.
i. Matututunan din ninyo ang pagiging
mapili sa pagsusuri ng mga datos na
mahalaga at hindi ng mga impormasyong
kapakipakinabang
para
sa
inyong
tinutuntong imbestigasyon.
MGA KASANAYANG MAHALAGANG
MALINANG UPANG MAKABUO NG ISANG
MAAYOS NA KONSEPTONG PAPEL
1. Mahalagang matutunan ang pagbuo ng isang
konseptong papel bilang gabay sa masinop na
pagsisiyasat at pananaliksik.
2. Mahalagang maisaloob ang sistematikong
paghahanay ng mga ideya at ang pag-uugnay sa mga
ito bilang batayan ng mga obserbasyong bubuuin.
3. Mahalagang matutunan ang kasanayan sa
pagtatala, paggawa ng buod, presi, sintesis at
hawig at ang maingat na pagsasalin ng mga datos
sa Filipino bilang pagtitiyak sa kawastuhan ng mga
datos na makakalap.
4. Sa pag-oorganisa ng mga datos at obserbasyon,
mahalagang malinang ang kasanayan sa pagbuo ng
isang mapanghikayat at maayos na sulatin upang
matugunan ang simulaing naging tulak ng
pagsisiyasat at pananaliksik sa napiling paksa
Tiyak na Paksa
• Isa sa mga tinitiyak sa pagbubuo ng
akademikong papel ay ang pagpili at
pagtiyak ng paksa o larangan ng pagsisiyasat
na nais isagawa.
• Bawat paksain ay may isang pangkalahatang
larangang kinabibilangan. Halimbawa nito ay
ang
larangan ng agham, pilosopiya,
panitikan, kasarian, etnisidad.
• Maaaring limitahan ang mga paksain sa
pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga
usaping may kinalaman sa panahon,
lugar o espasyong pinangyarihan,
heyograpiya, proseso ng paglikha o
pag-iral, wika at ibang salik ng buhay
at kulturang nakaaapekto sa isang
paksain.
• Halimbawa:
Larangan: Dula sa Pilipinas
Tiyak na paksa: Kasaysayan ng dula sa
Pilipinas
Lalong tiyak na paksa: Kasaysayan at
pagpapakahulugan sa salitang “dula”
Rasyunal
• Sa pagtitiyak ng mga paksang nais
talakayin
at
sa
larangang
kinabibilangan
ng
paksaing
nais
siyasatin, mangyayaring maihanay ang
mga motibasyon at inspirasyong
nagtulak sa pagtatangi ng napiling
paksain.
Layunin
- ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat
ay maaaring maihayag sa pamamagitan ng
isang katanungang nagbubukas ng pinto
ng pagsisiyasat.
- halimbawa ay ang mga tanong na ano,
sino, saan, kailan at bakit.
• Bawat isang katanungan ay nagtatakda
na rin ng isang antas ng lalim ng
pagsusuring nais isagawa ng nagsisiyasat.
• Hal. Maaaring ang pagtatanong ay nasa
antas ng ano kung ang nais na siyasatin
ay
ang
mga
larangang
may
kinalaman sa paglalahad ng isang bagay o
pangyayari.
PANIMULANG HAKA
-
pagbuo ng panimulang tugon sa suliraning
nais tuntunin.
- hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito ay
pagtantiya lamang sa posibleng kahihinatnan
ng pagsisiyasat at pananaliksik.
nagmula sa salitang “dula” mula sa
Cebuano na ang ibig sabihin ay “laro”.
Ang mga katangian ng “dula” ay
maaaring nahalaw sa mga salita at
katuringang iniuugnay sa salitang
“dula”.
Sarbey ng mga Sanggunian
- Ang panimulang sarbey ng sanggunian
o kaugnay na pag-aaral ay listahang
bibliyograpikal ng mga pag-aaral na
makatutulong sa pagpapahusay ng
pagsisiyasat.
- ito ay bahagi ng pagtitiyak na ang
isasagawang pag-aaral at pananaliksik ay
nagmumula
sa
mga
nagawa
nang
pananaliksik at nakabatay sa mga
kaalamang
lalong
pagyayamanin
ng
isasagawang pagsisiyasat at pananaliksik.
Metodolohiya o Pamamaraan
ng Pananaliksik
-
sa pangkalahatan, maaaring uriin ang
mga metodo sa ilang pangunahing
pamamaraang
ginagamit–
ang
pananaliksik sa mga aklatan at arkibya,
pagsasagawa ng field work, pageeksperimento sa laboratoryo o sa isang
kontroladong espasyo.
Sa proseso ng pagsisiyasat at pananaliksik,
nangyayaring makapangalp ng mga datos at
impormasyon na kinakailangang ilagay sa masinop na
paghahanay
upang
madaling
masuri
at
maisistematays.
 Mahalagang kasanayan sa pagkakataong ito ang
mapanuring pagsasala ng datos.
Gamiting gabay ng pagpili ang suliraning sinasagot.
Balikan kung naaayon ang mga datos na nakuha
sa mga susing salita ay kabuuang larngan ng
pagsisiyasat na tinutunton.
a. Ang gamit ng Tala, Note Cards
at Reference Cards
Karaniwang dalawang uri ang note card ang
giagamit---ang 3x5 notecard para sa paglilista ng mga
sanggunian ;
At ang 5x8 notecard para sa pagtatala ng datos
mula sa isang sanggunian.
Ang 3x5 notecard ay pinagtatalaan ng mga
sanggunian. Isang kard kada isang sanggunian ng gamit
upang madaling makita kung ilang sanggunian na ang
nasusuri ng mananaliksik.
Sa 3x5 note card ng sanggunian, maaaring itala ang
bibliographic entry ng sanggunian sa gitna.
Sa kaliwang itaas na bahagi makikita ang call
number o ang pinagmulan ng sanggunian(kung saan ito
nakuha o nakita).
Sa kanang itaas na bahagi naman ay ilalagay kung
ano ang pangkalahatang paksa ng sanggunian.
Ang 5x8 note card naman ang pinaglalagyan ng
mga datos o tala na makukuha sa mga babasahi.
Maaaring ilagay rito ang iba’t ibang uri ng datos.
Makakatulong din kung maglalagay ng mga pamagat
ng paksa at tanda ng tala sa bawat kard.
sa 5x8 note card, nakasulat ang mga impormasyon
mag-uugnay sa tala sa 3x5 reference card.
Sa pagtatala , maaring pumili ng iba’t ibang
paraan ng pagkuha ng tala---paggawa ng buod,
tuwirang sipi, presi, pagsasalin sa Filipino mula Ingles
at iba pang wikang banyaga.
a.Tuwirang Sipi-pinakamadaling pagtatala ang pagkuha
ng tuwirang sipi. Walang ibang gagawin kundi ang
kopyahin ang ideya sa kard. Mangyaring ipaloob sa
panipi ang sipi upang matandaan na ito ay tuwirang
sipi.
Kasunod ng tuwirang sipi, madalas ding gamitin ang
paggawa ng buod o summary sa pagkuha ng tala.
Maaaring ring gumawa ng presi o hawig(paraphrase) o
di kaya ay salin sa Filipino ng datos na nakasulat sa
wikang banyaga o rehiyunal na wika.
b. Buod, Presi at Hawig-Ang buod o sinopsis ay isang
uri ng pinaikling bersyon ng isang panulat. Taglay
nito ang mga pangunahing ideya ng panulat nang may
bahgyang
pagdedetalye
upang
mabigyan
ng
pangkalahatang ideya ang nagbabasa sa tinatalakay
na paksa.
Ang presi ay galing sa salitang Pranses na ang ibig sabihin
ay pruned or cut-down statement. Ibig sabihin , ito ay
isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang ideya ng
isang mahanang prosa o berso, gamit ang sariling salita
ng nagbabasa. Inilalahad ang mga ideya ng akd sa
paraang walang komentaryo o interpretasyon at sa
parehong mood o tono, at punto de vista ng orihinal na
akda, sa pinakamaikling paraan.
Ang presi ay higit na maikli kaysa sa orihinal nang
may 5 hanggang 40 porsyento ng haba ng orihinal na
akda.
Upang magabayan sa paggawa ng presi , maaaring
sundan ang ilang mungkahi:
Maaring ang presi ay isang pangungusap o isang talata na
maaaring ito ang sentral na ideya o sintesis na
mahahalagng ideya.
1. Basahing mabuti ang akda upang matukoy ng sentral
na ideya at ang mga detalyeng maaaring maisantabi.
2. Basahin ng ilang ulit ang akda upang masundan ang
ayos n paglalahad at matukoy ang mga ideyang
binibigyang-diin sa akda.
3. Isulat ang presi ayon sa talang ginawa. Gamitin ang
sariling salita halip na ang mga salita ng may-akda.
4. Ihambing ang iyong presi sa orihinal na akda.
Bukod sa paggawa ng presi, mahalaga ring matutunan
ang paggawa ng hawig. Di tulad ng presi na naglalahad
ng mahahalagang pangyayari sa orihinal na akda, ang
hawig o paraphrase ay isang hustong paghahanay ng mga
ideyang gamit ang higit n payak na salita ng nagbabasa.
Mahalaga ang pagsasanay sa paggawa ng hawig. Sa
pamamagitan ng hawig, nagagawang higit na
nauunawaan ang mga akdang teknikal o anumang
akdang mahirap intindihin. Bukod dito, ang paggawa
ng hawig ay pagsasanay sa maingat at mapanuring
pagbasa.
upang
magabayan
sa pagsulat
ng hawig,
maaaring
isaalang1. Basahin
ng mabuti
at maingat
ang
akda upang
alang
ang mga sumusunod:
maunawaan
ang mahahalagang ideya ng akda. Kung
may salitang hindi maunawaan ay tingan agad sa
diksyunaryo at sumangguni sa ibang aklat .
2. Gumawa ng hawig na gamit ang iyong mga salita.
Tiyakin na maayos ang pagkakapili ng mga salita,
maayos ang gramatika t malinaw ang pahyag ayon sa
nakasulat sa akda. Alalahaning hindi dapat isama
ang presonal na palagay o pananaw sa paggawa ng
hawig.
3. Ihambing ang iyong hawig sa orihinal na akda.
b. Salin-mahalaga na matutunan ang pagsasalin sa
Filipino upang maging malawak ang batis ng
impormasyong magagamit sa pananaliksik.
Sa pagsasalin, pinaanatili pa rin ang dangal ng
paggamit ng wikang piangsasalinan nang may
pagsasaalang-alang sa akdang nakasulat sa ibang
wika.
c. Sintesis
Pagsusuma ng mga
tinalakay sa isang akda.
mahahalagang
paksang
Hal.
Marami sa atin ang mapanghusga sa kapwa dahil
lamang sa katayuan sa buhay ng isang tao . Ang
Kalupi ni Benjamin Pascual)
Pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya
upang malinaw ang kanilang ugnayan.
 Sa pamamagitan nito, magagabayan ang pagsasaayos
ng mga ideya mula sa pinakamalawak at tiyak na
ideya.
Anyo ng balangkas
Pamagat ng Pananaliksiksik/Papel
Punong ideya o Panimulang Haka
Balangkas
I. (Unang Ulo ng Balangkas)
A. (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na ideya)
2. (Kaugnay na ideya)
B. (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na ideya)
2. (Kaugnay na ideya)
II. (Pangalawang Ulo ng Balangkas)
A. (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na ideya)
2. (Kaugnay na ideya)
B. (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na ideya)
2. (Kaugnay na ideya)
Ang
ulo
ng
balangkas
ay
tumutukoy
sa
pinakamalawak na konsepto sa pananaliksik.
Dahil ito’y malawak na konsepto, maaari pang
maglagay ng suporta at kaugnay na ideya.
Sa pinakamahigpit na kaayusan mg balangkas, ang
suportang ideya sa bawat ulo ng balangkas ay
kinakailangang pantay-pantay.
Ang lalim at detalye ng mga ideyang nakapaloob sa
balangkas ay tinitiyak ng bilang ng antas ng balagkas.
Kaantasan ng Pagbabalangkas
1. Unang Antas
I. ________________________________
II. ________________________________
2. Dalawang Antas
I. ________________________________
A. _______________________________
B. _______________________________
II. ________________________________
A. _______________________________
B. _______________________________
3. Tatlong Antas
I. ________________________________
A. _______________________________
1. _______________________________
2. _______________________________
B. _______________________________
1. _______________________________
2. _______________________________
II. ________________________________
A. _______________________________
1. _______________________________
2. _______________________________
B. _______________________________
1. _______________________________
2. _______________________________
4. Apat na antas
I. __________________________________
A. _______________________________
1. ______________________________
a. ____________________________
b. ____________________________
2. ______________________________
a. ____________________________
b. ____________________________
B. _______________________________
1. ______________________________
a. ____________________________
b. ____________________________
2. ______________________________
a. ____________________________
b. ____________________________
Hal.
Ang mabilis na pag-unlad ng mga Tsino kaysa sa mga Pilipino sa
larangan ng pagnenegosyo sa Pilipinas
I. Panimula
A. Panukalang Pahayag
B. Paglalahad ng Suliranin
C. Kabuluhan ng Pananaliksik
D. Layunin ng Pananaliksik
E. Saklaw at Delimitasyon
F. Metodolohiya
II. Kahulugan ng mga Katawagan
III. Katawan
A. Intoduksyon sa Negosyo
B. Kasaysayan ng pagnenegosyo sa Pilipinas
C. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Tsino
1. Unang kapanayam
2. Ikalawang kapanayam
D. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Pilipino
1. Unang kapanayam
2. Ikalawang kapanayam
3. Ikatlong kapanayam
IV. Pagtalakay at Pagsusuri ng Resulta/Panayam
V. Konklusyon
Modernong Istilo ng Balangkas
1. __________________________________
1.1. _______________________________
1.1.1. ______________________________
1.1.1.1. ____________________________
1.1.1.2. ____________________________
1.1.2. ______________________________
1.1.2.1. ____________________________
1.1.2.2. ____________________________
1.2. _______________________________
1.2.1. ______________________________
1.2.1.1. ____________________________
1.2.1.2. ____________________________
1.2.2. ______________________________
1.2.2.1. ____________________________
1.2.2.2. ____________________________
Uri ng Balangkas
 Balangkas na talata
-paghahanay nang isa-isang mga ideya.
-ang mga ideya ay inihahanay lamang sa pamamagitan
ng mga buong pangungusap na nasa anyong
pasalaysay(deklarativ)
Hal.
I. (Ulo ng Balangkas)
_______________________________
___________________________________
___________________________________
 Balangkas na Paksa
-gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas.
-gumagamit ng salita,parirala sa paghahanay ng
datos.
-ang mga salita,parirala ay nagsisimula sa
malaking titik at hindi gumagamit ng tuldok sa
pagtatapos ng talata.
Hal.
I. ________________________________
A. _______________________________
B. _______________________________
II. ________________________________
A. _______________________________
B. _______________________________
• Balangkas na Pangungusap
-gumagamit ng buong pangungusap sa
paghahanay ng mga datos.
-pasalaysay kung tiyak na ang datos na
ilalagay;patanong kung nasa antas pa lamang ng
pagbuo ng mga datos na nais kalapin.
-kailangan maging konsistent sa gamit ng uri ng
pangungusap.
-kailangan maipakita rin dito ang wastong gamit
ng malaki at maliit na titik at wastong
pagbabantas.
Hal.
I. ________________________________.
A. _______________________________.
B. _______________________________.
II. ________________________________.
A. _______________________________.
B. _______________________________.
Ang Lohika at Pagsulat
•
Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng
tamang pag-iisip.
•
Sa akademikong pagsulat, ang lohika ay isang
pangangailangan. Ito ang batayan ng panghikayat sa
mambabasa, katulad nga ng nabanggit na. Sa
larangang ito, madalas na may mga katwirang
kailangan pangatwiranan.
Mga mungkahi upang matiyak na
magiging lohikal ang iyong pagsulat:
a. Alamin ang paksa ng sulatin at magsaliksik ng
tungkol dito kung kinakailangan;
b. Alamin ang proposisyong kaugnay ng paksa
upang mapili ang argumentong magagamit;p
c. Alamin ang paraan ng pangangatwirang angkop
gamitin sa iyong mga argumento;
d. Mangalap ng mga datos na magpapatibay sa iyong
argumento; at
e. Iwasan ang mga maling pangangatwiran;
Madalas din, kinakailangang maglatag ng
mga ebidensya upang lumakas ang isang
argumento. Ngunit tandaang ang ebidensya ay
kailangang mahalaga, matibay at nauugnay sa
argumento.
May iba’t ibang ebidensyang maaring magamit.
Ito ay ang mga sumusunod:
a. Pangyayaring nauugnay sa argumento;
b. Obserbasyong pansarili o kaya’y ng ibang tao;
c. Mga saksi; at
c. Mga awtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag
na makapagkokolaboreyt sa isang argumento.
Lohikal na Pangangatwiran
Dalawang panlahat na kategorya ng lohikal na
pangangatwiran:
(a) Pangangatwirang Pabuod – ito ay nagsisimula sa
maliliit na halimbawa o kaya’y sa mga partikular na
bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang
panlahat na tuntunin, kaisipan o konsepto.
(b) Pasaklaw na Pangangatwiran – ito naman ay
nagsisimula sa panlahat na tuntunin, konsepto o
ideya na sinusundan nga mga partikular na bagay na
sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una.
Ang ganitong pangangatwiran ay madalas na
gumagamit ng silohismo tulad ng mga sumusunod:
Tiyakang Silohismo
Pangunahing Premis:
Lahat ng katoliko ay
Kristiyano
Pangalawang Premis:
Si Juan ay Katoliko
Kongklusyon:
Si Juan ay Kristiyano
Kondisyunal na Silohismo
Pangunahing Premis:
Kung si Juan ay isang mabuting
Kristiyano, siya ay pupunta sa langit.
Pangalawang Premis:
Si Juan ay isang mabuting Kristiyano.
Kongklusyon:
Si Juan ay pupunta sa langit.
Pasakaling Silohismo
Pangunahing Premis:
Kung masama kang Kristiyano, hindi
makakarating sa langit.
Pangalawang Premis:
Si Pedro ay hindi masamang
Kristiyano.
Kongklusyon:
Makakarating si Pedro sa langit.
May Pamiliang Silohismo
Pangunahing Premis:
Alin sa dalawa, si Jose ay Kristiyano
o Muslim.
Pangalawang Premis:
Si Jose ay hindi Muslim.
Kongklusyon:
Si Jose ay Kristiyano.
Pansining sa ganitong pangangatwiran ay
kailangang maging matibay ang pangunahing
premis sapagkat kung hindi, hahantong ka sa
isang maling kongklusyon. Halimbawa:
Pangunahing Premis:
Lahat ng lumalangoy ay isda.
Pangalawang Premis:
Si Nena ay lumalangoy.
Kongklusyon:
SI Nena ay isda.
Palasi ng Pangangatwiran
Sa Pagsulat ng akademikong papel, kailangang
iwasan ang mga palasi ng pangangatwiran dahil
nagpapahina ang mga ito ng isang argumento .
narito ang mga karaniwang palasi na madalas
katisuran ng marami:
c.
Argumentum ad misericordiam – pagpapaawa o
paggamit ng awa sa pangangatwiran.
Halimbawa:
Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na magaaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung
sila ay lalagpak.
d. Argumentun ad ignorantiam – nagpapalagay na hindi
tototo ang anumang hindi napatutunuyan o kaya’y
totoo ang anumang hindi napagsisinungalingan.
Halimbawa:
Ito ay isang ebidensya at kailangang
tanggapin dahil wala namang tumututol dito.
e. Non sequitur – paggamit ng mga argumentong
hindi magkakaugnay o ng argumentong does
not follow the premise.
Halimbawa:
Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho
kaysa mga lalaki, kung gayon, sila ay may higit na
karapatang magreklamo sa trabaho.
f. Ignoratio elenchi – pagpapatotoo sa isang
kongklusyong hindi naman siyang dapat
patotohanan.
Halimbawa:
Hindi siya ang naggahasa sa dalaga, sa
katunaya’y isa siyang mabuting anak at
mapapatunayan iyan ng kanyang mga magulang,
kapatid, kamag-anak at kaibigan.
g. Maling Paglalahat – pagbatay ng isang kongklusyon
sa isa o ilang limitadong premis.
Halimbawa:
Mahirap mabuhay sa Maynila kung kaya’t
masasabing mahirap mabuhay sa buong Pilipinas.
h. Maling Analohiya – paggamit ng hambingang
sumasala sa matinong kongklusyon.
Halimbawa:
Magiging mabenta ang sorbetes kahit tagulan, kasi’y mabenta naman ang kape kahit na
tag-init.
i.
Maling Saligan – paggamit ng maling batayan na
humahantong sa maling kongklusyon.
Halimbawa:
Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung
gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang Amerikano
dahil siya ay nasa California.
j.
Maling Awtoridad – paggamit ng tao ng
sangguniang walang kainalaman sa isang paksa.
Halimbawa:
Wika nga ni Aiza Seguerra, higit nating
kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.
k. Dilemma – pagbibigay ng dalawang opsyon lamang
na para bang wala nang iba pang alternatib.
Halimbawa:
Alin sa dalawa ang mangyayari: ang pumatay o
kaya ay mamatay.
l.
Mapanlinlang na Tanong – paggamit ng tanong na
ano man ang maging sagot ay maglalagay ng isang
tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.
Halimbawa:
Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?