DUPLO AT KARAGATAN

Download Report

Transcript DUPLO AT KARAGATAN

inihanda ni:
J. Stephen D.V. Mariano
4-Gluon


Mga laro na
itinatanghal kapag
may lamay ng patay.
Nagsimula bilang
paraan para bawasan
ang sakit at lungkot
pag may kaibigan o
kamaganak na
namatay.

Nagsimula sa Visayas.

Nanggaling sa alamat ng prinsesang naghulog ng
singsing sa karagatan, tapos nangakong
papakasalan niya ang binatang makakakuha nito.

Una, may matandang
tutula tungkol sa
dahilan ng laro.

Tapos, papaikutin ng
matanda ang isang
tabo.

Pag tumigil na yung tabo, pipiliin ang lalaking
tinturo nito. Siya ay tatanungin ng isang babae
tungkol sa mga parabula o salitang makahulagan.


Ito ang larong pumalit
sa Karagatan.
Pagalingan ito sa
pagbigkas at pagdebate,
pero kailangan may
tugma / sa paraang
patula. (Parang freestyle battle /
FlipTop sa kasalukuyan.)

Gumagamit ng mga
biro, kasabihan,
salawikain at taludtod
galing sa banal na
kasulatan.







Alo-divino – tungkol sa Diyos at banal na bagay
Historia-vino – mga kuwento tungkol sa buhay ng Diyos,
santo at anghel
Alo-humano / alo-mano – tungkol sa relasyon ng tao at
Diyos (mga bayani, propeta, mitolohiya)
Historia-mano – kasaysayan ng tao o bansa
Ley / lai – tungkol sa batas ng lipunan
Talinghaga – parang bugtong (“riddles”)
Binayabas – tungkol sa kahit anong bagay na hindi
kasama sa mga kategoryang binigay; madalas ginagamit
ng mga bago pa lamang duplero (“freestyle”, para sa mga “newbie”)
KARAGATAN
DUPLO
Mas nauna
Pinalitan ang karagatan
May matanda, babae at lalaki
Madalas dalawang lalaki ang
naglalaban
May isang paraan ng paglalaro
Maraming iba’t ibang estilo
Parehong gumagamit ng kasabihan, parabula at makulay na lenguahe, at
kumuha ng taludtod galing sa panitikan.
Dahil dito, nakatulong sila sa pagunlad ng mga wikang Pilipino.




Ang Balagtasan ay ang pumalit sa Duplo at
Karagatan.
Isa din itong pagtatalo sa paraang patula.
Inimbento ito nung panahon na ang Pilipinas
ay sinakop ng Amerika.
Pinangalanan para sa orihinal na apelyido ni
Francisco Baltazar: “Balagtas”.



Ang kasali ay magpapanggap bilang
abogadong magkalaban sa isang korte.
Ang Balagtasan ay parang debate, pero hindi
pormal o seryoso. Nais pa rin nitong magbigay
ng aliw, at paunlarin ang kaalaman at husay ng
mga tao sa sariling wika.
Ginagamit ito ng mga manunulat upang
ipahayag ang kanilang opinyon sa mga isyung
politikal.