Ang Banal na Misa

Download Report

Transcript Ang Banal na Misa

Ang Banál na Misa
Mga Tugón ng Bayan
Pagsisisi, 1 ng 2
Inaamin ko
sa makapángyarihang Diyós,
at sa inyó, mga kapatíd,
na lubhâ akóng nagkasala
sa isip, sa salitâ, sa gawâ
at sa aking pagkukulang.
2
Pagsisisi, 2 ng 2
Kayâ isinasamo ko
sa mahál na Birheng Maria,
sa lahát ng mga anghél
at mga banál
at sa inyó, mga kapatíd,
na akó’y ipanalangin
sa Panginoóng ating Diyós.
3
4
5
6
Parì: Panginoón, kaawaán mo kamí.
Bayan: Panginoón, kaawaán mo kamí.
Parì: Kristo, kaawaán mo kamí.
Bayan: Kristo, kaawaán mo kamí.
Parì: Panginoón, kaawaán mo kamí.
Bayan: Panginoón, kaawaán mo kamí.
7
8
9
10
11
Papurì sa Diyós, 1 ng 5
Papurì sa Diyós sa kaitaasan
at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdán niyá.
12
Papurì sa Diyós, 2 ng 5
Pinupurì ka namin,
dinarangál ka namin,
sinasambá ka namin,
ipinagbubunyî ka namin,
pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakilà mong angkíng
kapurihán.
13
Papurì sa Diyós, 3 ng 5
Panginoóng Diyós,
Harì ng langit,
Diyós Amáng makapangyarihan sa lahát.
Panginoóng Hesukristo,
Bugtóng na Anák,
Panginoóng Diyós,
Kordero ng Diyós,
Anák ng Amá.
14
Papurì sa Diyós, 4 ng 5
Ikáw na nag-aalís
ng mga kasalanan ng sanlibután,
maawà ka sa amin.
Ikáw na nag-aalís
ng mga kasalanan ng sanlibután,
tanggapín mo ang aming kahilingan.
Ikáw na naluluklók sa kanan ng Amá,
maawà ka sa amin.
15
Papurì sa Diyós, 5 ng 5
Sapagkát ikáw lamang ang banál,
ikáw lamang ang Panginoón,
ikáw lamang, O Hesukristo,
ang Kataás-taasan,
kasama ng Espíritu Santo
sa kadakilaan ng Diyós Amá.
Amen!
16
Tugón sa Salmo
Aking kinasasabikán,
Panginoón, ikáw lamang!
17
Alleluia
D’yós Amá ni Hesukristo,
kamí ay liwanagan mo
at tutugón kami sa ‘yó.
18
Sumásampalatayà, 1 ng 6
Sumásampalatayà akó
sa Diyós Amáng
makapangyárihan sa lahát,
Na may gawâ ng langit at lupà.
19
Sumásampalatayà, 2 ng 6
Sumásampalatayà akó
kay Hesúkristo,
iisáng Anák ng Diyós,
Panginoón nating lahát.
20
Sumásampalatayà, 3 ng 6
Nagkatawáng-tao siyá,
Laláng ng Espíritú Santo,
Ipinanganák ni Santa Mariang Birhen.
21
Sumásampalatayà, 4 ng 6
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
Ipinakò sa krus,
Namatáy, inilibíng,
Nanaog sa kinaroroonan
ng mga yumao.
Nang may ikatlóng araw,
Nabuhay na magmulî.
Umakyát sa langit.
22
Sumásampalatayà, 5 ng 6
Naluklók sa kanan
ng Diyós Amáng
makapángyarihan sa lahát.
Doón magmúmuláng paririto
at huhukóm sa nangabubuhay
at nangamámatáy na tao.
23
Sumásampalatayà, 6 ng 6
Sumásampalatayà namán akó
Sa Diyós Espíritú Santo,
Sa banál na simbahang Katólika,
Sa kasamahán ng mga banál,
Sa kapatawarán ng mga kasalanan,
Sa pagkabuhay na mulî
ng nangamatáy na tao
At sa buhay na walâng hanggán.
Amen.
24
Sa Pag-aalay
Tanggapín nawâ ng Panginoón
itóng paghahain
sa iyóng mga kamáy
sa kapurihán niyá at karangalan,
sa ating kapakinabangan
at sa buóng sambayanán
niyáng banál.
25
Prepasyo
Parì: Sumainyó ang Panginoón.
Bayan: At sumaiyó rin.
Parì: Itaás sa Diyós
ang inyóng pusò at diwà.
Bayan: Itinaás na namin sa Panginoón.
Parì: Pasalámatan natin
ang Panginoóng ating Diyós.
Bayan: Marapat na siyá ay pasalamatan.
26
27
28
Santo
Santo, santo, santo,
Panginoóng Diyós ng mga hukbó,
Napupunò ang langit at lupà
ng kadakilaan mo,
Osana sa kaitaasan!
Pinagpalà ang naparirito
sa ngalan ng Panginoón.
Osana sa kaitaasan!
29
30
Pagbubunying Alaala
Aming ipinaháhayág
na namatáy ang iyóng Anák,
nabuhay bilang Mesiyás
at magbabalík sa wakás
para mahayág sa lahát.
31
32
Pagbubunying Alaala
Sa Krus mo at pagkabuhay,
kamí’y natubós mong tunay,
Poóng Hesús naming mahál,
iligtás mo kamíng tanán
ngayón at magpakailanmán.
33
34
Pagbubunying Alaala
Si Kristo ay gunitaíng
sarili ay inihain
bilang pagkai’t inuming
pinagsasaluhan natin
hanggáng sa siyá’y dumatíng.
35
Amen
36
Amá Namin, 1 ng 3
Amá namin,
sumasalangit ka,
Sambahín ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo,
sundín ang loób mo dito sa lupà,
para nang sa langit.
37
Amá Namin, 2 ng 3
Bigyán mo kamí ngayón
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kamí
sa aming mga sala
para nang pagpapátawad namin
sa nagkakasala sa amin,
at huwág mo kamíng ipahíntulot sa tuksó,
at iadyâ mo kamí sa lahát ng masamâ.
38
Amá Namin, 3 ng 3
Sapagká’t iyó ang kaharian
at ang kapangyarihan
at kapurihán
magpakailanmán.
39
40
41
42
Kordero ng Diyós
Kordero ng Diyós,
na nag-aalís ng mga kasalanan
ng sanlibután,
maawa ka sa amin. (2 ulit)
Kordero ng Diyós,
na nag-aalís ng mga kasalanan
ng sanlibután,
ipagkaloób mo sa amin ang kapayapaan.
43
Pakikinabang
Panginoón,
hindî akó karapat-dapat
magpatulóy sa iyó,
nguni’t sa isáng salitâ mo lamang
ay gagalíng na akó.
44